Part 6

29.5K 844 26
                                    

UMALIS mula sa pagkakasandal sa pader si Keith nang makarinig ng kaluskos mula sa loob ng apartment na kaninang tanghali pa niya binabantayan. Huminga siya ng malalim nang marinig ang mahinang click ng pinihit na doorknob. Dahan-dahang bumukas ang pinto. Pinagmasdan niya ang alanganing paglabas ng babaeng tumayong ina ni Yona sa nakaraang sampung taon.

Sylve. Kahit ang pangalan nito pamilyar sa kaniya. Kanina habang hinihintay niya ang pag-uwi ng mga ito, saka lang niya na-realize na sa lampas isang taong relasyon nila ni Emerald, palagi nito nababanggit si Sylve. In fact, kung tama siya ng pagkakatanda ilang beses pa nga sila nagkita noon. Hindi lang nagreregister sa kaniya ang existence ng babae dati kasi ang buong atensiyon niya nakatuon lang kay Emerald.

Maingat na sinara uli ng babae ang pinto at sumandal doon. Magkaharap na sila ngayon. Magkasalubong ang mga paningin. Matagal na pinapakiramdaman ang isa't isa. Si Keith ang bumasag sa katahimikan. "Alam mo kung sino ako, 'di ba? Alam mo na ako ang tunay niyang ama."

Huminga ng malalim si Sylve at niyakap ang sarili. "Alam ko. Magkamukha kayo."

May naramdamang init sa dibdib si Keith at marahang tumango. Kasi iyon mismo ang naisip niya kanina nang matitigan niya sa personal si Yona. "Ikaw ang bestfriend ni Emerald, tama ba ako?" Tumango ito. Siya naman ang huminga ng malalim. "Bakit na sa 'yo ang anak ko? Nasaan ang kaibigan mo?"

Mariing pumikit si Sylve at hinilot ang sentido. Napansin niyang nanginginig ang kamay nito. "Nakipagkita siya sa akin noon at humingi ng pabor na alagaan ko raw muna ang bata. Yona was just one week old then. Nagmamadali si Emerald nang araw na 'yon kasi tumakas lang daw siya sa parents niya. Nangako siya sa akin na tatawagan niya ako uli at babalikan niya si Yona. Pero never na niya ako kinontak. Out of coverage area na rin ang cellphone number niya kapag tinatawagan ko siya dati at nalaman ko na lang sa common friends namin na nag migrate na raw ang buo niyang pamilya sa Amerika."

Magkahalong pagkamangha at galit ang naramdaman ni Keith sa narinig. Mariing kumuyom ang kanyang mga kamao. "What the hell was she thinking? Why did she abandon her own child?"

"Ang sabi niya pagod na raw siya makipagtalo sa parents niya." Sinalubong ni Sylve ng tingin ang kanyang mga mata at seryosong idinugtong. "Pagod na raw siya sa naging buhay niya mula nang mabuntis siya. Alam ko na hindi tama ang mga dahilan niya at sa totoo lang hanggang ngayon kapag naiisip ko siya gusto ko siya pagalitan. Pero sa tingin ko hindi lang siya ang dapat sisihin. The person who made her life miserable is also to blame."

Para siyang sinipa sa sikmura. Kasi alam niyang hayagang patama sa kaniya ang huli nitong sinabi. Madaming gusto sabihin ni Keith. Madaming gusto linawin. He wanted to say that he tried so hard to make his relationship with Emerald work. Na naging miserable rin siya sa lahat ng mga nangyari noon. Na hindi lang siya ang dapat sisihin sa naging pagkasira ng relasyon nila. Pero ano bang silbi ng pagpapaliwanag? Si Emerald ang kaibigan ni Sylve kaya natural na mas paniniwalaan nito ang side ng kanyang ex na ni hindi nila alam kung saang parte na nang mundo naroon.

Umiling si Keith at kinalma ang sarili. "Forget it. Walang rason para ipaliwanag ko sa 'yo ang side ko. Hindi na rin naman mababago ang nakaraan. So let me get straight to the point. I want my daughter."

Kahit dim ang ilaw nakita pa rin ni Keith na namutla si Sylve at namasa ang mga mata. Nakaramdam siya ng simpatya kaya pinalumanay niya ang tinig. "Ako ang totoo niyang magulang. Matagal ko na siyang hinahanap at matagal na inaasam makasama at mayakap. Hindi mo alam kung ano ang pinagdaanan ko sa nakaraang mga taon. You don't know how hard I tried to fight the longing and sadness I felt while thinking of my daughter every single day. Ayoko na maramdaman iyon. Nakikita ko na mabuti kang tao kaya alam kong naiintindihan mo ako."

Nagbaba ng tingin ang babae at lalong sumandal sa pinto na para bang iyon na lang ang nagsisilbing angkla nito para hindi matumba. "H-hindi niya alam na hindi niya ako tunay na ina. Hindi pa ako nagkaroon ng chance sabihin sa kaniya ang totoo," paos na bulong nito.

Marahang tumango si Keith. Inaasahan na niya ang posibilidad na iyon. "Ayoko rin masaktan at magulo ang isip ng anak ko. Alam ko na hindi tama kung bigla na lang ako susulpot at magpapakilala nang hindi ko siya naihahanda mentally at emotionally. Ikaw rin, alam ko na hindi magiging madali sa 'yo ang lahat. I'm not so ruthless as to suddenly snatch her away from you. That's why I am willing to compromise."

Natigilan si Sylve at nalilitong tiningala siya. "Anong ibig mong sabihin?"

Pinagtama niya ang kanilang mga paningin at ngumiti bago sumagot, "I am going to be part of your lives now. Hanggang masabi ko na sa kaniya kung sino talaga ako at kusa na siyang sumama sa akin. Kaya sorry Sylve pero kailangan mo masanay sa akin."

Napanganga si Sylve, parang may gusto sabihin pero walang lumalabas na mga salita sa bibig. Huminga ng malalim si Keith at namulsa. "Sige na, pumasok ka na sa loob at magpahinga. I'll see you again soon." Pagkatapos tumalikod na siya at naglakad palayo.

Bachelor's Pad series book 14: THE REFORMED PLAYBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon