NAGDESISYON si Keith na manatili sa apartment ni Sylve sa gabing iyon. Hindi niya kayang umalis na ganoon ang kalagayan ng babae. Kasi sigurado siya na pipilitin na naman nito umaktong matapang at walang problema para kay Yona. Fortunately, she didn't argue when he said he will stay.
Iyon lang, parang nilamutak ang puso niya nang makita ang vulnerability sa mga mata nito. Kahit nang kumakain na sila ng dinner, halatang wala itong gana at malalim ang iniisip. Nagkakatinginan tuloy sila ni Yona na halatang worried para sa ina. Hindi alam ni Keith kung anong pinag-usapan ni Sylve at ng pamilya nito pero alam niyang magsasabi rin ito kapag handa na. Maghihintay siya kahit gaano katagal.
Pagkatapos kumain si Keith na ang nagboluntaryong maglinis sa kusina. "You should take a rest, Sylve. Wash up and sleep."
"Hindi puwede. Tutulungan ko pa maghilamos at magbihis si Yona."
"It's fine. Ako nang bahala sa kaniya. Right, Yona?"
Sunod-sunod na tumango ang bata at nginitian si Sylve. "Huwag ka na mag-alala sa akin, mommy. Pahinga ka na po. Nandito naman si daddy eh."
Sandaling nagalinlangan ang babae bago marahang tumango at sumulyap sa kaniya. "Thank you."
Ngumiti si Keith at hindi napigilan ipaikot ang isang braso sa balikat nito at sandaling niyakap. "Take a rest. Nandito lang ako. Rely on me, okay?"
Sumiksik sa katawan niya si Sylve at huminga ng malalim bago tumango at humakbang paatras. Pagkatapos nito halikan ang noo ni Yona tumalikod na ito at pumasok sa kuwarto. Nagkatinginan sila ng kanyang anak. "Bakit po kaya siya umiyak, daddy?"
Bumuntong hininga si Keith at hinaplos ang buhok nito. "Hindi ko rin alam, baby. Pero hayaan muna natin ang mommy mo. Kapag ready na siya, magsasabi din siya sa atin. Kaya huwag ka na mag-alala. Tulungan mo na lang ako magligpit dito sa kusina para makapag wash up ka na, okay?"
"Okay po."
Sa mga sumunod na sandali, inaliw niya si Yona para hindi na ito mag-alala. By the time na natapos niya ito tulungan mag wash up at magpalit ng damit, namumungay na ang mga mata nito sa antok. Kaya hinayaan niya ito tumabi kay Sylve na sinunod ang payo niya at kasalukuyang malalim ang tulog.
"Kayo po, saan po kayo matutulog?" bulong ng bata nang kinukumutan na niya ito.
Ngumiti siya at hinalikan ang noo nito. "Hindi ako matutulog. Sa sala lang ako, babantayan ko kayo ng mommy mo. Good night, baby."
"Goodnight, daddy." Pagkatapos pumikit na ito. Tumayo siya at pinagmasdan naman si Sylve na ni hindi natinag sa pagkakatulog. Parang may lumalamutak sa puso niya nang mapansin na namumula pa ang mga mata at ilong nito dahil sa pag-iyak. Yumuko siya at magaan itong hinalikan sa mga labi bago tuluyang lumabas ng kuwarto.
Katulad ng pangako niya kay Yona, hindi natulog si Keith. Sumalampak lang siya ng upo sa sofa, nagbukas ng laptop at sinubukang mag focus sa manuscript na ginagawa niya. Mayamaya nag vibrate ang cellphone niya. Hindi inaalis ang tingin sa screen ng laptop na kinapa niya ang gadget sa bulsa. Hindi na niya kailangan tingnan kung sino ang tumatawag kasi isang tao lang naman ang kumokontak sa kaniya kapag dis oras ng gabi sa Pilipinas.
Sinagot niya ang tawag. "Yes? I'm writing right now."
"Where? On the plane?" tanong ng American literary agent niya.
Sa totoo lang kasi marami siya dapat appointment sa amerika dahil nagsisimula na ang pre-production ng movie version ng nobela niya. Pero hindi niya kaya umalis ngayon. Hindi niya kaya iwan sina Sylve at Yona.
"Nope. I'm not going to L.A tonight. Make up excuses for me, buddy."
Marahas na bumuntong hininga ang literary agent niya pero hindi naman nakipag argumento. Alam nito na malaking accomplishment nang napapayag siya nito magpakilala sa publiko nang ianunsyo ang pagsasapelikula ng mga libro niya. "Fine. I'll just send the draft of the screenplay to your email as well as the summary of the meetings."
"Thank you. I really appreciate what you're doing for me, Dave."
"No problem, Keith. You know I love your talent and I will always support you. By the way, there are unknown numbers that keep on calling my office asking for your contact information and address. One of them claimed that they personally know you. It was a woman but she doesn't want to tell me her name."
Natigilan si Keith at biglang kinutuban. Hindi niya maipaliwanag kung bakit pero may pakiramdam siyang hindi lang basta prank call iyon. Mula nang mamatay ang parents niya, natutunan na niyang makinig sa bulong ng instinct niya. "Did you ask for her contact information?"
"I did. I will also send it to you via email."
"Okay, thank you Dave."
"No problem. I'll keep you posted."
Pagkatapos ng tawag tumunog naman ang alert tone para sa kanyang email. Binuksan niya ang pinadala ni Dave at inuna tingnan ang contact number ng babaeng tawag daw ng tawag. Humigpit ang hawak ni Keith sa gadget kasi tama siya ng hinala, iyon din ang numero na nabasa niya sa investigation report. Contact information iyon ni Emerald.
Ilang segundong nag-isip siya bago tinawagan si Troy. Malalim na ang gabi pero sumagot ito agad. "Si Keith 'to. Tama ka. Something is fishy about Emerald. Gusto ko malaman ang lahat ng tungkol sa kaniya."
"Got it. I'll call you as soon as I can." Then the line went dead. Kahit nang matagal na natapos ang tawag nakatitig pa rin si Keith sa screen ng cellphone.
Saka lang siya kumurap nang marinig ang marahang pagbukas ng bedroom door. Lumingon siya at nasalubong ang tingin ni Sylve. Tuluyang nawala sa isip niya ang napag-usapan nila ng literary agent niya. Inilapag niya sa sofa ang cellphone at laptop at mabilis na tumayo. "What's wrong?"
Umiling ang babae, humakbang palapit at yumakap sa kaniya. Niyakap niya rin ito nang isubsob nito ang mukha sa kanyang dibdib. Matagal na ganoon lang sila. Mayamaya masuyong bumulong si Keith, "Are you ready to talk about it?"
Tiningala siya ni Sylve at marahang tumango.
BINABASA MO ANG
Bachelor's Pad series book 14: THE REFORMED PLAYBOY
RomanceNa kay Keith Rivero na ang lahat. Bukod sa good looks at successful career, mukha rin siyang walang problema sa buhay. But the truth was he had a dark and dirty past which he tried to forget. Except for one thing: his missing daughter, Yona. At pag...