Part 22

27.6K 769 30
                                    

"KANINA ko lang nalaman kung ano talaga ang trabahong ginagawa mo sa nakaraang dalawang linggo. Pinakita sa akin nina Sonia 'yung video," pabulong na sabi ni Sylve. Malalim na ang gabi pero nasa hallway pa rin sila ni Keith. Nakaupo sila sa sahig pasandal sa tabi ng pinto ng apartment niya. Inaya niya pumasok sa loob ang lalaki pero tumanggi ito kasi ayaw raw nitong maistorbo ang tulog ni Yona. Nakasuot pa siya ng pantulog habang si Keith naman suot pa rin ang ayon dito damit nito mula nang sumakay ng eroplano sa L.A.

Ngayong gabi naintindihan na ni Sylve kung bakit gustong gusto ni Keith ang hallway nila. There is something intimate and cinematic about the dim lights and the silence. Nakakatuwang tingnan ang lugar na iyon sa perspective ng isang fiction writer.

"Nagulat ka ba?" nakangiting tanong ni Keith.

"Medyo lang," sagot niya na napasulyap sa magkahawak nilang mga kamay na nakapatong sa hita nito. Marahang humahaplos ang hinlalaki nito sa balat niya kaya palaging napupunta sa mga iyon ang kanyang atensiyon.

"Hindi ko naman kasi alam kung paano sasabihin sa 'yo nang hindi ka nagtatanong."

Napatingala si Sylve sa mukha ni Keith. "Pero alam mo na nagbabasa ako ng mga gawa mo, tama ba? Imposibleng hindi mo nakita ang book collection ko sa dalas mong pumasok sa kuwarto namin. Maano bang itinuro mo ang mga iyon at sinabi mo sa akin na ikaw ang nagsulat 'non?"

Napangiwi si Keith at sinuklay ng mga daliri ang buhok. "I know you read my works. Kaya mas lalo akong nagdalawang isip sabihin sa'yo na ako si Kelly Hart."

"Bakit naman?"

Huminga ito ng malalim at seryosong pinagtama ang kanilang mga paningin. Humigpit ang hawak nito sa kamay niya bago nagsalita, "Because I'm sure that if it's you, you will definitely know the darkest secrets that I hid inside those books. Kapag nalaman mo na ako ang nagsulat ng mga kuwento na iyon, sigurado ako na maiisip mo agad na may halong katotohanan ang mga iyon."

Marahang tumango si Sylve at naging masuyo ang tingin kay Keith. "Tama ka. Iyan nga ang narealize ko nang malaman ko na ikaw si Kelly Hart. I've been an avid reader, you know. Pagkatapos nakilala rin kita ng personal kaya sigurado ako. Hindi man lahat ng sitwasyon na sinulat mo ay totoo pero ang feelings na inilagay mo sa bawat eksena sigurado akong naramdaman mo talaga. Pero hindi naman kita pipilitin sabihin sa akin ang tungkol sa sarili mo kung hindi mo kaya. Don't worry, I understand. Hindi rin madali para sa akin maging open sa ibang tao."

Tipid itong ngumiti, itinaas ang magkahawak nilang kamay at magaan na hinalikan ang likod ng kamay niya. Nagliparan ang mga paru-paro sa sikmura ni Sylve dahil sa ginawa nito. "Bago ako pumunta ng amerika, hindi pa ako handang sabihin sa 'yo ang lahat ng tungkol sa naging buhay ko. Kaya umiwas ako at hindi binanggit sa 'yo kung anong klase ng kuwento ang sinusulat ko. Pero ngayon... gusto kong sabihin sa 'yo, Sylve. Kaya kong sabihin sa 'yo."

Napangiti siya at inayos lalo ang pagkakasandal sa pader. "I'm all ears. Sasabihin ko rin sa 'yo ang tungkol sa naging buhay ko na hindi mo pa alam. Para fair."

Mahinang natawa si Keith at umayos na rin ng puwesto. "Okay lang ba sa 'yo abutin nang hanggang umaga? Kasi mahaba ang kuwento ko."

"Wala akong kahit anong trabaho ng sabado at linggo kasi intensiyon ko talaga magpahinga lang sa bahay. Hindi kasi maganda ang pakiramdam ko sa nakaraang mga araw. Kesa magkasakit talaga ako ng tuluyan, magbabakasyon na lang muna ako sa trabaho."

"Don't worry hindi ka magkakasakit," nakangiting sabi ni Keith. "Na-miss mo lang kasi ako kaya hindi maganda ang pakiramdam mo."

Mahina siyang natawa pero hindi naman nagawang itanggi ang sinabi nito. Totoo naman kasi. "Magkuwento ka na," pag-iiba ni Sylve sa usapan.

Bachelor's Pad series book 14: THE REFORMED PLAYBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon