Part 28

26.6K 752 30
                                    


NAGISING si Sylve dahil nakaramdam ng gutom. Nabawasan na rin ang sakit ng puson niya kaya nagawang bumangon at maglakad palabas ng kuwarto. Napahinto siya sa paglalakad nang makita ang eksena sa kusina. Magkatulong na naghahain sa lamesa sina Keith at Yona. Nagpapalitan pa ng matamis na ngiti sa tuwing nagkakatinginan. May init na humaplos sa puso niya. Parang sa pelikula kasi ang eksena na nakikita. Nakaka overwhelm.

Nakatayo pa rin siya roon nang biglang mapasulyap sa direksiyon niya si Keith. Dumeretso ito ng tayo at malawak na ngumiti. Sumikdo ang puso ni Sylve. Bakit parang dumoble yata ang kaguwapuhan nito ngayon?

"Gigisingin ka pa lang sana namin. Okay na ba ang pakiramdam mo?"

Napalunok si Sylve at pilit pinapakalma ang puso. "Okay na ako. Thank you," sagot niyang nakatitig pa rin kay Keith.

Tumakbo palapit sa kaniya si Yona at hinawakan ang kamay niya. Niyuko niya ang bata na matamis siyang nginitian. "Masarap po ang luto ni tito Keith, mommy. Kain na po tayo."

Napangiti si Sylve at malambing na pinisil ang pisngi ng anak. "Tinulungan mo ba siya?"

"Opo. Very good kaya ako."

Mahina siyang natawa at hinayaan itong hilahin siya palapit sa lamesa. Kumalam na naman ang sikmura ni Sylve nang maamoy ang nilagang buto-buto na umuusok pa sa init. Napatingin siya kay Keith na pinaghila siya ng silya. "Marunong ka talaga magluto?"

Ngumiti ito. "I've been living alone for a very long time now. Lahat ng kailangan para maka-survive, natutunan ko. Hindi pang restaurant ang quality pero edible 'yan, promise."

Napangiti si Sylve at maingat na umupo. "Thank you pa rin. Palaging ako ang nagluluto para sa iba kaya first time ko na ipagluto."

"Kahit po may sakit si mommy, palagi siya gumagawa sa kusina para may kakainin po ako, tito," proud na singit ni Yona na umupo na sa katapat niyang silya. Wala na tuloy ibang puwesto si Keith kung hindi sa tabi ni Sylve.

Malaki itong lalaki kaya kinailangan nila magdikit para lang magkasya. Pati mga hita at binti nila nagkikiskisan kapag gumagalaw sila. Kahit tuloy masarap ang pagkain at nakakaaliw ang sigla ni Yona hindi pa rin niya maiwasan madistract sa nearness nila ni Keith.

"Salamat sa pagkain," sabi ni Sylve pagkatapos nila kumain. "Ako na ang maghuhugas ng pinggan –"

"Nonsense," mabilis na sagot ng lalaki. "I can do this. Go back to bed."

"Hindi na kailangan. Okay na ako talaga. Saka kaya ako nag off today para may time ako na tutukan si Yona."

"Mommy, pahinga ka pa. Kasama ko naman dito si tito Keith."

Umiling si Sylve at tumayo. "Hindi ako magiging komportable na maghapong nakahiga. Sanay akong may ginagawa."

"Kahit masama ang pakiramdam mo?" tanong ni Keith.

"Oo."

Bumuntong hininga ang lalaki at humakbang paatras. Akala tuloy ni Sylve siya na ang panalo sa argumento. Kukunin na nga sana niya ang pinggan sa lamesa para dalhin sa lababo. Kaya napatili siya nang bigla siyang kargahin ni Keith. Nanlaki ang mga mata niya at gulat na napakapit sa balikat nito. "Anong ginagawa mo?"

Worried na napasulyap siya kay Yona. Hindi niya gustong may makita ang bata na ikababahala nito. Kaso mukhang hindi naman bothered ang anak niya, humahagikhik pa nga na parang aliw na aliw sa nakikita. Mukhang napansin ni Keith ang concern niya kasi nilingon din nito ang batang babae. Napanganga si Sylve nang mag ngitian ang mga ito. "Pakibuksan ang pinto ng room niyo, Yona. Hindi hihiga sa kama ang mommy mo nang mag-isa so kailangan natin siya puwersahin."

"Okay po!" masiglang sagot ni Yona sabay takbo para gawin ang sinabi ni Keith.

Humigpit ang kapit niya nang magsimula maglakad ang lalaki. "Kaya ko maglakad. Ano ka ba? Ibaba mo ako," mahina pero mariing bulong ni Sylve para hindi marinig ng anak niya.

"I will. Sa kama kita ibababa," sagot nito na nakapasok na sa kuwarto habang karga siya na para bang ang gaan niya lang. Nakita niya na inalis ni Yona ang kumot mula sa kama at inayos ang unan niya bago siya binaba roon ni Keith. Pagkatapos para bang pareho ang takbo ng isip ng dalawa na sabay pa hinawakan ng mga ito ang magkabilang dulo ng kumot para itakip sa katawan niya.

"Mommy, palagi po ikaw ang nag-aalaga sa akin kapag may sakit ako. Kaya today, kami po ni tito Keith ang mag-aalaga sa 'yo. Sleep ka lang po para lumakas ka agad," sabi ni Yona sabay dukwang at halik sa kanyang pisngi

Namasa ang mga mata ni Sylve, sobrang na-touch sa sinabi ng anak. Ngumiti siya at hinaplos ang ulo nito. "Big girl ka na talaga."

Ngumisi si Yona. "Ten na kayo ako, mommy. Iyong iba ko ngang classmate nag ka-crush na at nagbo-boyfriend eh." Nanlaki ang mga mata niya at magrereklamo pero naunahan siya nito. "Huwag po kayo mag-alala. Mag-aaral po muna akong mabuti at gagraduate ng college bago gagaya sa kanila."

"Mabuti naman," sagot ni Keith na ginulo ang buhok ng batang babae. "Dadaan muna sa akin ang lahat ng lalaking gugustuhing mapalapit sa 'yo."

Nawala ang ngiti ni Sylve at napatitig sa mukha ng lalaki. Napasulyap ito sa kaniya, ngumiti at saka inakbayan si Yona. "Lalabas na kami. Go get some sleep."

Bago pa siya makapagsalita nakalabas na ang mag-ama. Mangha pa ring napahiga siya sa kama at napatitig sa kisame. Akala niya matatagalan bago siya makatulog pero pagkapikit pa lang niya, dinuyan na siya ng antok.

Bachelor's Pad series book 14: THE REFORMED PLAYBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon