HINDI na nagising si Yona sa buong biyahe pauwi sa apartment nila. Si Keith ang kumarga rito hanggang kama habang si Sylve naman ang nagpunas sa katawan nito at nagpalit ng damit. Walang nagsasalita sa kanila hanggang masiguro na nilang maayos na ang puwesto ng bata. Pagkatapos lumabas na sila ng kuwarto at magkaharap na tumayo sa sala.
Matagal na nakatitig lang sila sa isa't isa. Mayamaya sumilay ang nakakaunawang ngiti sa mga labi ni Keith at hinaplos ang ulo niya. "Are you okay?"
Tipid na ngumiti si Sylve. "Higit pa sa akala kong mararamdaman ko kapag nakita ko uli ang parents ni William. Akala ko magiging awkward ang atmosphere sa pagitan namin. Pero iba ang nangyari. Para akong nareunite sa long lost parents ko. I felt so happy and nostalgic."
Nakangiting tumango si Keith. "They are good people. Masuwerte kang naging bahagi sila ng buhay mo, Sylve."
Namasa na naman ang mga mata niya at tumango. Nginitian uli siya ni Keith bago huminga ng malalim at humakbang paatras. "Then, I will go now. Magpahinga ka na rin."
Napakurap si Sylve at mabilis na inabot ang kamay ng lalaki bago pa makalayo. Napalingon ito sa kaniya. Pareho silang nagulat sa ginawa niya. Lumunok siya at pinisil ang kamay nito. "Hindi ba puwedeng mamaya ka na lang umuwi?"
Sandaling tinitigan ni Keith ang kanyang mga mata bago tipid na ngumiti. Pagkatapos hindi binibitawan ang kamay niyang paatras itong humakbang hanggang makaupo sa mahabang sofa. Hinila si Sylve hanggang mapaupo sa kandungan nito. Pumaikot ang isang braso nito sa baywang niya at hinigit siya hanggang komportable na siyang nakasiksik sa katawan nito. Napabuntong hininga si Sylve at sandaling isinubsob ang mukha sa leeg ni Keith.
Humigpit ang yakap ng braso nito sa kaniya at naramdaman niyang magaan nitong hinalikan ang batok niya. "Masyado ka bang naoverwhelm sa dami nang nangyari ngayong araw at kailangan mo mag recharge?" masuyong tanong ng lalaki.
Natigilan si Sylve kasi kahit hindi niya sinasabi naintindihan nito ang dahilan kaya pinigilan niya ito umalis. May init na humaplos sa puso niya. Inangat ang mukha hanggang magkaharap na silang dalawa. "Alam na alam mo na talaga ang nararamdaman ko kahit hindi ako nagsasalita."
Ngumiti si Keith at magaan na pinisil ang baba niya. "Ikaw din naman, nalalaman mo kung ano ang naiisip at nararamdaman ko kahit hindi ako nagsasalita."
Napahinga siya ng malalim kasi tama ito. Ni hindi niya namalayan kung kailan nagsimula pero nagising na lang siya isang umaga na sobrang sensitive na siya pagdating kay Keith. Alam niya kung kailan ito magbibiro, kung kailan magiging seryoso, kung kailan good mood at kung kailan may malalim na iniisip. Ang nakakamangha, alam din ni Sylve kapag wala sa ginagawa ang atensiyon nito kasi naglalakbay ang imahinasyon sa kung saan. It was so strange to be aware of him this way when they don't even live together.
"Feeling too much in one day can deplete your energy. Sigurado rin ako na ikaw ang tipo ng taong binabalikan sa isip ang mga nangyari sa araw mo, inaalala ang mga sinabi at hindi mo sinabi at kung anu-ano pa. Kaya mahihirapan ka makatulog ngayong gabi kung hindi mo magagawang kalmahin ang sarili mo."
Napatitig si Sylve sa mukha ni Keith. Pagkatapos mahina siyang natawa at gigil na ikinulong ng mga palad ang mukha nito. "Then, let me recharge for a while okay?"
Ngumiti ang lalaki at mabilis siyang hinalikan sa mga labi. "Take your time."
Yumakap siya rito, ginawang komportable ang sarili sa pagkakakandong at isiniksik ang mukha sa leeg nito. Humigpit naman ang braso nito sa baywang niya habang ang isang kamay ay marahang humahaplos sa likod niya. Bumuntong hininga siya at pumikit.
Matagal na natahimik lang sila. Si Keith ang una nagsalita pagkatapos ng mahabang sandali. "This feels nice."
Ngumiti siya. "Ahuh. Alam mo, noong una kitang nakita sa Martial Arts Studio, never sumagi sa isip ko na darating ang sandaling magiging ganito tayo ka-close. Kasi nang makita kita ang una kong naisip ay mag alsa balutan at magpakalayo-layo. Kasi natakot ako na kukunin mo sa akin si Yona."
BINABASA MO ANG
Bachelor's Pad series book 14: THE REFORMED PLAYBOY
RomanceNa kay Keith Rivero na ang lahat. Bukod sa good looks at successful career, mukha rin siyang walang problema sa buhay. But the truth was he had a dark and dirty past which he tried to forget. Except for one thing: his missing daughter, Yona. At pag...