MAAGA nakatulog si Yona. Inaasahan na iyon ni Sylve. Bukod sa nakakapagod ang araw nito, nakipaglaro at harutan pa ito kay Keith pagkatapos nila kumain ng dinner. Ang lalaki pa ang nagbuhat sa bata hanggang sa kama habang siya naman ang nagayos ng kumot at tandayan na unan nito. They move with an ease that makes her feel weird. Para kasing ang tagal na nila ginagawa iyon na magkasama. Para tuloy siyang napapaso na lumayo sa kama para kalkalin sa aparador ang kahon kung sana niya nilagay lahat ng dvds na ipapapanood niya.
Mayamaya pa, nasa sala na silang dalawa. Patay na ang mga ilaw at galing sa TV screen ang tanging nagbibigay liwanag sa paligid. Magkatabi silang umupo sa mahabang sofa. Sinulyapan niya si Keith na titig na titig sa screen kahit hindi pa naman nagsisimula ang palabas. "Itong nakasalang, collection ng videos ni Yona mula nang mapunta siya sa akin hanggang three years old siya. Ready ka na?" Nilingon siya nito at tumango. Tipid na nginitian ni Sylve ang lalaki at saka pinindot ang play button.
Sa sumunod na mga sandali, walang ibang maririnig kung hindi ang mga boses na nasa tv screen at ang iyak, tawa at sigaw ni Yona noong baby pa ito.
"She was just that small," manghang bulong ni Keith.
May bumikig sa lalamunan ni Sylve nang mahimigan ang emosyon sa tono nito. Huminga siya ng malalim at mahinang nagsalita, "Yes. Saka iyakin siya noong bago pa lang siya sa akin. Siguro kasi alam niyang may nabago sa environment niya. Kahit ako nahirapan mag adjust sa bagong responsibilidad ko noong una. Wala akong kaalam-alam kung paano mag-alaga ng bata at siguro nararamdaman niya iyon kaya palagi siyang iritable."
May eksena sa video na madaling araw na pero gising pa si baby Yona. Natatandaan niya na seven months old ito that time. Mahinang natawa si Sylve nang marinig ang boses niya sa background. Kinakantahan niya ng kung anu-ano ang anak at sa bawat dulo ng kanta frustrated siyang napapabuntong hininga at sinasabing, sleep na tayo, baby.
Napakurap siya at sandaling nawala ang atensiyon sa screen nang maramdaman niya ang magaan na tapik ni Keith sa kamay niyang nakapatong sa kanyang kandungan. "Taking care of her must have been very hard for you." Sinulyapan niya ito kaya nakita niyang nakatitig pa rin ito sa screen, puno ng panghihinayang at pagmamahal ang ekspresyon sa mukha.
Napangiti si Sylve. "Oo mahirap. Nakaka-stress at nakakatakot maging responsable para sa isang tao. Nakakapagod mag-alaga at umastang malakas kasi alam mong may isang tao ang kailangang kailangan ka. Pero masarap din sa feeling. Iyong isang ngiti lang niya, isang hagikhik, isang tawag ng mommy at isang sabi ng I love you, tanggal lahat ng pagod. Kung maibabalik ang panahon, mas pipiliin ko pa rin na alagaan siya at palakihing tunay kong anak."
Napalingon sa kaniya si Keith kaya nagtama ang kanilang mga paningin. May sumilay na munting ngiti sa mga labi nito na ngayon lang niya nakita. Isa iyong ngiti na duda siyang kusa nitong ipapakita sa ibang tao. It was soft, intimate and almost sad. "Magagalit ka ba kung sasabihin ko sa'yo na naiinggit na naman ako sa'yo?"
Mahinang tumawa si Sylve at umiling. "Naiintindihan ko ang inggit na nararamdaman mo. Raising a child is something special. Hindi ba may mga taong naiistress at nadedepress sa bawat taon na nadadagdag sa buhay nila kasi takot sila tumanda? Hindi mo mararamdaman iyon kapag may anak ka. Having a child to take care of is like having a new and exciting adventure everyday. Wala kang time para ma bore. Walang time para magdrama, mag emo at malungkot. Watching your child grow everyday will make you think that growing old is not really such a bad thing. That instead of looking back at the past, it is much better to look forward."
Naging kakaiba ang titig ni Keith sa kaniya. Pagkatapos nagulat siya nang kunin nito sa kamay niya ang remote control at pinause ang pinapanood nila. Hindi pa nakuntento, pumihit pa ito paharap sa kaniya kaya lalong nagkalapit ang kanilang mga mukha. Kumabog ang dibdib ni Sylve. "B-bakit?"
BINABASA MO ANG
Bachelor's Pad series book 14: THE REFORMED PLAYBOY
RomanceNa kay Keith Rivero na ang lahat. Bukod sa good looks at successful career, mukha rin siyang walang problema sa buhay. But the truth was he had a dark and dirty past which he tried to forget. Except for one thing: his missing daughter, Yona. At pag...