Wattpad Original
Mayroong 12 pang mga libreng parte

Chapter 1 : Buhay-maganda

77K 1.6K 347
                                    

TCWDM: Welcome to Anne-bisyosa. Abisuhan ko lang kayo na wrong grammar talaga madalas magsalita si Anne, kaya ang wrong grammar na makikita n'yo ay kagagawan niya. She's average and not very bright. Ayern lang po ~

***

Nagmulat ng mata si Anne sa isang ubod ng liwanag at ubod ng gandang umaga. Literal. Kasingtangkad kasi niya ang bintana sa kuwarto sa ikalawang palapag kung saan siya natutulog. May invasion ang sikat ng araw roon na makapagdadaing ng anumang isda. Pero smile lang siya sa mala-spotlight na liwanag. Nagmamaganda siyang nag-inat.

She feels great! Alam mo 'yong pakiramdam na paggising mo ay ayos na ayos na agad ang buhok mo at wala man lang hiblang nakatikwas? 'Yong walang papatubong buhok ang kili-kili mo kapag itinaas mo para mag-inat? 'Yong walang bahid ng panis na laway saanman malapit sa pisngi at labi mo? Ang lips, hindi dry kundi plump na parang bagong lipbalm? Habang wala kahit manipis na bahid ng langis ang ilong at pisngi? Iyon ang pakiramdam ng kapitbahay ni Anne na si Jacinda. Diyosa kasi ito sa kagandahan, kapayatan, at katalinuhan. Ang balita sa buong Barangay Mapayapa ay malapit na itong mag-artista.

Kabaligtaran si Anne ng lahat ng iyon.

Paggising ay deretso siya sa banyo para maligo at umasa sa tulong ng makapangyarihang conditioner para pabagsakin ang naghihimagsik niyang buhok. Magkukutkot siya ng kili-kili para sa buhok na everyday ay gustong lumaya sa pores niya. Magto-toothbrush. Magkukuskos. Mag-aahit ng iba pang... alam mo na, buhok. At siyempre, may libreng concert sa banyo na hindi mababato ng kapitbahay dahil siniguro ng Tatay Carlo niya na soundproof ito. Kahit ipis ay hindi nakatatakas doon, maliban kung napisat na niya at karay-karay para itapon.

Kapag nakabihis na siya ng nagmamagandang attire ay mahigit sampung minuto siyang tititig sa salamin para ikondisyon ang sarili sa mantra na: "Maganda ako. Magandang-magandang-maganda ako!"

Bahagya siyang may make-up. Perfect ang ahit ng kilay. Pak na pak ang blush on. Hindi niya kailangan ng fake eyelashes dahil mapungay na ang pilik niya — ang tanging asset niya. At ang lipstick niya, red na red! Walang laban ang salamin sa paghihipnotismo niya sa sarili.

Pagbaba niya sa kusina para sa almusal, nakahanda ang pagkain niya sa upuang laan lang sa kanya. Habang nag-i-Sparta sa nakahaing almusal ang tatlo niyang kapatid na lalaki, ubod ng tamis niyang nginitian ang Tatay Carlo niya, Nanay Nita, Kuya Jong, Kuya Erwin at Kuya Alex.

"Anak, pak na pak ang blush on mo ngayon. Wagi 'yan," sa malaking boses ay sabi ng Tatay Carlo niya. Supportive ito sa lahat ng bagay. Lalo na sa barangay. Tanod kasi ito.

"Pero anak ang mascarra, 'wag mong abusuhin. Baka magtampo 'yang mga eyelashes mo," sabi ng Nanay Nita niya. Sa ina niya minana ang bahid ng kagandahang mayroon siya.

"Thank you, Fathergoose. Thank you, Mothergoose. You're the best in the world," nakangiting sabi niya bago bumaling sa kuya niya. "Kuya Alex, ikaw ang maghahatid sa 'kin sa motor ngayon, ha?"

"Oo naman, baby girl," nakangiting sagot ng kapatid niya.

Ang Kuya Jong niya ang panganay. Ikalawa si Kuya Erwin at ikatlo si Kuya Alex. Nakapagtatakang biniyayaan ng kagwapuhan ang mga kuya niya; pinagpala sa genes ng nanay niya. Pero si Anne, kahit nag-iisang babae, pilikmata lang ang may bendisyon sa diyosa ng kagandahan.

Pero okay lang 'yon. Hindi naman kasi siya naniniwala na hindi siya maganda. Go back to the mantra: maganda siya. Magandang-magandang-maganda siya!

Period! Walang aangal.

***

Araw-araw ay sa napakataas at napakakintab na building sa Makati inihahatid si Anne — sa dM Financing International. Pagmamay-ari iyon ng makapangyarihang angkan ng mga dela Merced. Isang buwan na rin mula nang maswerte siyang matanggap doon sa rekomendasyon ng professor niya sa college. Ang trabaho niya ay sa Communications Department. She's with a team ensuring that all the papers related to Public and Media relations goes to the right hand. In short, taga-traffic patrol ng lahat ng papeles at marketing collaterals. Taga-file. Tauhan kapag may events. At tagapagpapirma sa mga dokumentong kung saan-saang departamento dumaraan. Apat sila na may pinakamadali raw na trabaho sa Department.

Anne-Bisyosa (dela Merced #1) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon