Wattpad Original
Mayroong 3 pang mga libreng parte

Chapter 10 : Don't ouch me!

30.1K 1.1K 154
                                    

***

May pagkatok sa pinto ng opisina ni Anne bago bumungad si Ashley.

"Hi! Available na ba si Hunter?" tanong nito sa kanya nang lumapit at umupo sa couch sa silid.

"Wait lang. Check ko," sabi niya rito at pinindot ang intercom, "Sir? Kumusta diyan?"

"Hm?"

Binitawan niya ang intercom at naiiling na tumingin sa babae.

"Waley. Busy pa, teh!" Lumipat si Ashley sa upuan sa harap ng mesa niya.

"Matagal pa kaya siya? Kasi si Mrs. Mendez, nasa conference room na kani-kanina pa. Kailangang i-approve ni Hunter 'yong revised storyboard ng audio-visual presentation ng company."

"Check. Sasabihin ko," sabi niya at bumaling uli sa intercom. "Sir! Waiting galore sa'yo si Mrs. Mendez sa conference room! Kailangan mo raw i-approve 'yong ano... storyboard ng AVP."

They heard a grunt.

"Sir. Tumitikwas na ang kilay ko sa'yo. As in, truly! Lalabas o hindi?"

"Five minutes," ang malamig na sagot sa intercom.

"Five minutes daw, teh," baling niya kay Ashley. "Chika muna tayo habang naghihintay."

Nakangiti naman ang dyosa sa kanya.

"Close na kayo ni Hunter, 'no?"

Malapad ang ngisi niya. "Close na rin pero hindi pa close na close. Level two pa lang e. Getting there," kumpiyansang sagot niya bago naalala, "Matagal ko nang gustong itanong sa'yo, teh. Close din kayo ni Sir? Kasi nag-volunteer ka ring maging secretary niya, 'di ba?"

"Oh, that! No. Hindi kami close. Cavanaugh and dela Merced work the same industry kaya magkakilala ang mga families namin."

"So..." mapungay ang mata niya sa pakiki-chika rito, "hindi mo siya crush, gano'n? Kahit ka nag-volunteer maging secretary?"

"No!" parang naeeskandalong sagot nito. "Not him!"

"Weh? No talaga?"

"Yes. He's not.. the one I love," sagot nitong namula pa ang pisngi.

"Wow. Love! Big word. E 'di sino'ng love mo?"

Kinagat-kagat nito ang sariling labi sa paraang nakatotomboy lang. Bakit ba kasi ang ganda ng babaeng ito? At bakit ba hindi nakahahawa ang kagandahan? E 'di sana, kung didikit siya nang didikit sa babae ay magiging mala-diwata siya at mawawala na ang ikalawang dahilan ni Hunter para hindi siya magustuhan.

Inuulit-ulit niya kasi sa isip ang tatlong dahilan kung bakit hindi niya mahuhuli bilang lablayp ang halimaw sa banga.

Una, ang sabi nito, baka raw kasi hindi siya babae.

Na napasubalian na niya dahil nga may tunay na boobs siya. At paglipas ng mga araw, alam niyang mamumulat din si Hunter sa katotohanang iyon.

Ikalawa, hindi raw siya tulad ng mga babaeng idini-date nito. Sa madaling salita, hindi siya katulad ni Ashley. Na aminado siyang mahirap tibagin.

Mahirap na nga tumabi pa lang kay Ashley, ang maging kasingganda pa kaya nito? Kaya, umaasa siya sa kapangyarihan ng pag-ibig: Love is blind.

Ikatlo, wala raw silang chemistry.

Na hindi niya pinaniniwalaan. Kasi naman, kailangan lang ng tamang timing para lumipad ang sparks. Music. Makabagbag-damdaming pangyayari. Malagkit na titigan. At iba pa.

Kayang i-achieve, wala pa lang sa tiyempo. Kaya wala pa.

In short, naniniwala si Anne na isa lang ang hadlang: 'yong number two! Kaya kapit na kapit siya sa slogan : Love is blind!

Anne-Bisyosa (dela Merced #1) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon