Wattpad Original
Mayroong 7 pang mga libreng parte

Chapter 6 : Juskolord

32.2K 1.2K 324
                                    

***

Ang pinakamadaling trabaho ni Anne bilang sekretarya ni Hunter ay kapag wala ang halimaw sa sariling opisina. Dahil may mga tutors na umuokupa sa umaga niya, ligtas siya sa lahat ng breakfast meetings o conferences na kailangang puntahan ng lalaki. Sa halip na siya ay si Ashley ang isinasama. Madalas na hapon na nakababalik ang mga ito. Naiiwan siya sa opisina at siyang tumatanggap ng mga mensahe, papeles at packages na kailangang makarating sa CEO. At kapag naiiwan siya...

"Knock, knock, knock, Ms. Sexy-tary!" bati ng pamilyar na tinig ni—

"Trina!" masayang sigaw niya nang mag-angat ng mukha sa kaibigan. Mabilis siyang tumayo sa kinauupuan at sumalubong. Magkadaup palad silang tumalon-talon sa ligaya.

"Miss na miss na kitang bakla ka! Trina!"

"Ako rin! Loneliness kami sa baba kasi wala ka!" tumatalon-talon ding statement nito sa kanya.

Nang mapagod at mangalay sa pagtalon sa high heels ay naupo sila. Siya sa mesa niya at ito naman sa upuan sa harap ng mesa.

"Files, Madam, galing sa Accounting," malaki ang ngiting sabi nito at iniabot sa kanya ang hawak na anim na patas ng may kakapalang folders. "Kumusta na? Hindi ka namin matiyempuhan no'ng mga nakaraang araw! Winner ang pagiging secretary mo! Ganda nitong office!"

"Waiting lang, my friend," sabi niya rito at binuklat ang unang folder. "Pagagalitan kasi ako ni Sir kapag hindi ko 'to na-receive nang tama, e."

Tinatakan at pinirmahan niya ang unang tatlong folders bilang received copy bago bumaling kay Trina.

"E, ito nga, friend, super hectic pala maging secretary! Akala ko, timpla-timpla lang ng kape, ganyan. Papirma. Sagot ng phone. Pero hindi! Masakit sa bangs, teh. Ang mga tumatawag minsan, may accent! Nakahawak ako sa ilong ko kapag nakikipag-usap!" Humagikgik siya. "Grabe! Lalo na no'ng first day! Puro ako lifeline kay Sir Gener, 'yong assistant ni Sir Hunter. Siya ang pinapakausap ko sa phone kapag hindi ko maintindihan ang kausap ko. Mabuti nga, dumating si Ashley! Galing umintindi no'n e. Nagpi-French, English, at Japanese. Pak na pak."

"Wow, teh! Talagang seriousness ka sa trabaho mo. Akala rin namin nila Ada, joketime lang no'ng naging secretary ka ni Sir!" masayang sabi nito na nakahawak sa kamay niya. "Congratulations! Magpa-canton ka naman!"

Humagikgik siya rito.

"Naku, ang hirap mangarir, teh! Gaya ngayon, magla-lunch na pero kaaalis-alis pa lang no'ng tutor ko! Grabe! Kung alam ko lang na kailangan kong maging gifted child, lumaklak na sana ako ng Promil! Para hindi ako nauubusan ng dugo! Nakaka-nosebleed!"

Magkatitigan sila ni Trina. Maganda ang ngiti nito sa kanya. "I'm so proud of you talaga! Congratulations."

"Thank you," nakangiting sabi niya.

"Oy, alam mo ba? May bashers ka, teh! Dahil sa promotion mo. Hindi lang namin alam kung saang department," malaki ang matang balita nito.

Kumunot ang noo niya at nanghaba ang nguso. "Bashers? Agad-agad?"

"Oo! Naku... tsismis ng mga inggitera, baka raw dinaan mo sa blackmail si Sir Hunter kaya ka na-promote!"

Tumaas ang kilay niya. Bumagsak naman na parang barikada sa mata ang eyelashes niya.

"Ano?! Blackmail talaga? Shungaers ba sila? Hindi nila alam na gifted child si Sir Hunter? Hindi 'yon kayang i-blackmail, 'no! At talagang feeling nila abot ng I.Q ko na mag-isip ng pam-blackmail?! English pa nga lang, waley na! Bataan at Corregidor, teh! Suko! Taas-kamay at paa!" litanya niya. "Nakaka-highblood!"

Anne-Bisyosa (dela Merced #1) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon