Wattpad Original
Mayroong 6 pang mga libreng parte

Chapter 7 : Baliwag

29.6K 1.1K 459
                                    

***

Nanginginig si Anne at bumubulong habang ibinubutones ang blouse niya. Nakatayo pa rin siya sa gitna ng silid. Itinali niya lang ang magkabilang dulo ng napigtas na bra. Umuusok ang bumbunan niya at mabilis ang akyat ng dugo sa ulo sa pag-iisip ng gagawin.

"Hindi niya napansin? Hindi niya napansin?!" naghihisterya niyang reklamo sa espasyo sa silid habang kinakapa-kapa ang magkabilang dibdib. Nadadakma naman niya a! Isang dakma ng palad niya bawat isa! Size na rin 'yon! Hindi naman patag na patag! Naluluha siya.

Kailangan niyang maghiganti! Kailangan niya ng katarungan! Kailangan niya ng tagapagtanggol!

Napasulyap siya sa telepono.

Naupo siya sa swivel chair niya at nag-dial ng numero sa Communications.

"Trina!" Mangiyak-ngiyak siya. "Niyurakan ng halimaw ang puri ko! Kailangan ko ng resbak!" bigong-bigong simula niya sa kaibigan.

Nang magtanong ito ng tungkol sa problema ay sinabi niya ang pakay niya rito.

After almost three hours...

Malakas ang takatak ng high heels ni Anne sa sahig ng opisina ni Hunter. Napasukan niya itong busy pa rin sa kung anumang ginagawa sa laptop nito.

Nagbuntonghininga siya para kalmahin ang sarili. It's now or never! Kailangan niyang mabawi ang dangal!

Hawak ang files na mula sa Marketing ay lumapit siya sa halimaw. Malapit na malapit. Close na close! 'Yong kung mag-aangat ito ng ulo ay siya at siya lang ang makikita nito!

Tumikhim siya.

"Files from Marketing, Sir," aniya at halos itakip sa mukha ng lalaki ang folder na iniaabot.

He made a hissing sound. Pagkatapos ay pahablot na kinuha ang iniaabot niya. At sukat pag-angat ng tingin nito sa kanya—

"What the fuck, Anne!" anitong malaki ang matang nakipagtitigan sa tayog ng dibdib niya. "What the fuck are you wearing?" Iniurong nito ang ulo na para bang mauuntog ito roon.

Sinapo niya ang sariling dibdib at inalog.

"Ito, Sir? Suso, Sir! Suso!" sabi niya at tinaasan ito ng kilay.

Nangunot ang noo nito. Nakipagtitigan sa kanya.

"Ano, Sir? Undeniable na ba ang presensiya ng suso ko?" umiirap at nagsu-sway ang eyelashes na tanong niya. Saka niya ito inangilan at pumitik patalikod.

Ano ka ngayon?

May narinig na impit na 'ha-ha-ha' si Anne na noong una ay inakala niyang echo ng nagbubunyi niyang suso, er, pagkababae. Pero nang lumingon siya ay may sa himala at nakita niyang malakas na tumatawa si Hunter.

Napapalunok siya habang halos takpan nito ng dalawang palad ang mukha at pahigang nakasandal sa swivel chair nito. Kumikinig ang balikat nito. Parang kinukuryente o kinikiliti nang bongga. Panay ang echo ng halakhak sa silid.

"You're too much!" sabi nito bago tinakpan ng palad ang bibig. Sumasayaw ang mata nito bago tumikhim at tumitig sa kanya. "Don't wear that big of a push-up bra, Miss Reyes. Hindi sumasabay ang foam ng brassierre sa kilos ng katawan mo."

Nalaglag uli ang panga ni Anne sa sinabi ni Hunter.

Game over! Part 2!

Iniyakap niya ang braso sa sarili para itago ang dibdib na push na push ng powerful na push-up bra na pinabili niya kay Trina at Ada. Pink iyon. May lace. At talagang 'nagmamalaki'!

Napalunok siya. Nakangisi naman si Hunter sa kanya.

"Ang sama ng ugali mo talaga! Halimaw sa banga!" sigaw niya rito at patakbong lumabas ng silid.

Anne-Bisyosa (dela Merced #1) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon