Wattpad Original
Mayroong 8 pang mga libreng parte

Chapter 5 : Nosebleed galore

33.5K 1.2K 320
                                    

***

Day five ng pagtatrabaho ni Anne bilang Private Secretary ni Hunter. At bawat araw yata na lumilipas ay nauubusan siya ng dugo at ng mascarra. Kasi naman, seryoso ang boss niya nang sabihin nitong marami siyang pag-aaralan. Matapos ang pag-uusap nila at akala niya ay matagumpay na pangungumbinse ng pilikmata niya, dinaig niya ang nag-back-to-school at nag-Masteral!

Sa unang araw ay nag-evacuate siya mula sa opisina ng Executive Secretary papunta sa mas maliit na opisinang bakante, katabi ng main office ni Hunter. Doon ay ini-record ni Sir Gener ang typing speed niya. At dahil hintuturo at hinlalato lang niya ang alam niyang gamitin, isama na 'yong hinlalaki para sa space, forty-seven words per minute lang ang kaya niyang i-type. Mukhang masamang impormasyon iyon dahil nang malaman ni Hunter ay parang sumakit ang ulo nito. Pero hindi naman siya pinagalitan. Mukhang masama rin sa paningin ng halimaw ang steno at recall capability niya. Inihagis kasi nito sa trashcan ang sample ng steno niya. Wala naman siyang reklamo.

Nang bumalik sa sariling opisina ay nagtawag sila ni Sir Gener sa telepono para sa mga tutorials at seminars daw na kailangan niyang puntahan.

Sa ikalawang araw ay nakakilala siya ng isang diyosa sa katauhan ni Ashley Cavanaugh. Base sa pakikitsismis niya at pagtatagni-tagni ng mga naririnig kay Hunter at kay Sir Gener, si Ashley ay anak na mula rin sa isang makapangyarihang pamilya tulad ng mga dela Merced — ang mga Cavanaugh. Pretty ang feslak (face) nito. Botelya ng Coke ang katawan. Lumiit na parang surot si Anne nang magkamay sila. Kasi naman... super ganda ng babae! Palangiti pa! Mabait pa! In short, isang diyosa na ibinaba sa lupa. Nagmumukha siyang sidekick nito kapag magkatabi sila. Solution? Hindi niya masyadong tinatabihan.

Nakilala na rin niya nang araw na iyon ang mga tutors niya sa Clerical works, Business Administration, Technical writing and Communications at Economics. Back-to-school, Inday!

Sa ikatlong araw ay namulat siya sa hectic na mundo ni Mr. CEO. Ang mga meetings nito, masakit sa high heels. Masakit din sa ulo at sa pilikmata. Parang mga alien na may sariling lengguwahe ang mga tao. Nag-uusap-usap gamit ang graphs at tables, dollar sign, USD, PSD, PHP at kung anu-anong 'di niya maintindihan. Hindi siya makasabay sa mga pinag-uusapan! Ingles kung Ingles! Ngiti lang ang kaya niyang gawin.

Habang mukha siyang naliligaw na bata sa mga meetings ni Hunter, si Ashley naman ay prente at parang inspired sa pagiging sekretarya. Kaya nitong magsalita, tumanggap ng utos at corrections at mag-type ng minutes sa laptop nang sabay-sabay. Multi-tasker! Pero wala nang tatalo pa kay Hunter. Kaya ng boss niya na magsungit, makinig sa balita sa laptop nito o cellphone at magrebyu with pirma ng papeles nang sabay-sabay!

Sa ikaapat na araw, pakiramdam ni Anne ay kailangan na niya ng brain surgery nang matanggap mula sa mga tutors niya ang mala-Encyclopedia sa kapal na workbooks at textbooks. Gusto na niyang magbaril sa sarili o 'di kaya ay tumakas sa mundo ni Hunter. Pero kasi, pinanghahawakan niya ang motto niya: You can do it, if you put your mind to it!

At dahil ginusto niya, paninindigan niya!

Iyon nga lang, kinagabihan din ay nag-alala ang Mothergoose at Fathergoose niya sa pagno-nosebleed niya habang nagbabasa ng textbooks sa Economics.

At ngayon nga ay Day five na siya sa pagiging sekretarya. Gusto niyang tumambling at mag-split dahil umabot siya sa ikalimang araw na buhay, nakangiti kahit maputla, at mapungay pa rin ang mata!

7:42 a.m.

Seryosong nagbabasa si Anne ng manual ng Technical writing. Pinag-aaralan niya ang sample memoranda sa libro habang nakasuot ng salamin at may hawak na lapis. Guhit dito, guhit doon ang ginagawa niya.

Sumasakit na naman ang ulo niya. Pero kailangan niyang matutunan iyon. Para makita ni Mr. CEO na hindi sayang ang tsansang ibinigay nito sa kanya. Isa pa, naiinggit at humahanga rin kasi siya sa lalaki. Dalawampu't anim na taon pa lang ito pero nagagawa nang magpatakbo ng isang malaking kumpanya at gumawa ng sensitibong mga desisyon. Kung kaya nitong maging ganoon kagaling sa edad nito, kaya rin naman siguro niyang iangat ang sarili niya. Kasi nga, 'di ba, she can do it if she put her mind to it!

Anne-Bisyosa (dela Merced #1) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon