Chapter 3

166 14 0
                                    

"Divina!"

"Ay, sandwich!" Sa sobrang gulat ay malakas kong naisigaw ang iniisip kong bibilhin na snack.

"Pfft." Alam kong napalingon na sa amin ang mga kaklase kong nandito pero pinakamalakas sa lahat ang pigil na tawa ni Rowie sa likod. Nasa pangalawang row ako dahil ang mga unano raw sa bandang harapan at ang mga higante, sa likod. Gusto kong samaan siya ng tingin pero pinigilan ko ang sarili. Hindi pa ako nakaka-get over sa tae na iyon, tsk.

"Ah. I-I mean, bakit?" nauutal kong tanong.

"Yayayain sana kita sa canteen para kumain?"

Napuno ng pagtataka ang aking mukha. First time na may mag-aya sa akin at ang aming class president pa! Anong nangyayari? Napatitig na lang ako sa napakaamo niyang mukha.

Winagayway niya ang kamay sa harapan ko. "Hello? Divina? Still there?"

"Ah. O-Oo" nauutal ko pa ring sagot.

"Ano na?"

"Mamaya pa kasi ako pupunta ng canteen. Salamat na lang."

"Bakit naman?" Kitang-kita ko ang disappointment sa kaniyang mukha. Nataranta ako dahil dito, ayokong sumama.

"Hayaan mo na siya sis" sabi ng bakla sa likod.

"Pero... Sabi mo hindi ka sasama kapag hindi siya sumama."

Naningkit ang mga mata ko sa narinig. Nilingon ko si Rowie at nahuling sumisenyas kay Anjel na manahimik. Napatingin siya sa akin at nginitian ako. "Ahaha. Joke lang naman 'yon Anjel. Sineryoso mo naman. Haha" kamot niya sa ulo.

"Ano bang nangyayari?" pagsimangot ko.

"Gusto ko rin naman siyang makilala. Tara na kasi!" pagmamaktol ni Anjel. Anong trip ng mga ito? Nahihiya na ako sa ibang narito, pinaka-ayoko pa naman sa lahat, ang makakuha ng atensyon ng iba.

Tumayo si Rowie sa kinanaupuan at lumapit sa amin. "Tara na nga. Mauubos ang oras sa kwentuhan eh." Mula sa likod ay hinawakan niya sa magkabilang balikat si Anjel at tinulak nang marahan papuntang pintuan.

Nakahinga ako ng maluwag. Akala ko tatahimik na ang aking mundo ngunit si Rowie.

"Kailangan mong sumama sis."

"H-Ha?!" Hinawakan niya ang wrist ko. "Uy, huwag mo akong hilahin!"

"Hindi ba tinulungan kita kanina sa assignment? Libre mo 'ko."

"A-Ano?" May bayad pala iyon? Hay naku naman! "O-Oo na. Huwag kang manghila, baka matumba ako!" Wala akong nagawa kung hindi ang sumama.

Sa canteen, maraming tao, maingay, may kaniya-kaniyang grupo... mga dahilan kaya ayokong kumain dito. Bibili lang ako at babalik na sa classroom pero nang dahil sa dalawang maligno sa tabi ko, heto ako ngayon, tahimik na nakatitig sa bawat pagnguya ng baklang sarap na sarap sa binili kong burger, fries na may kasama pang softdrink. My gulay! Nabawasan ang ipon ko! Huhu!

"Bakit hindi ka pa kumakain?" tanong ni Anjel.

"Ah." Kumagat ako ng napakalaki sa sandwich na hawak ko. Nanggigigil na nginuya ko ito.

Napansin ko na napakagat-labi si Anjel sabay tingin sa pintuan. "Bakla, tingin ka doon" mahinang bulong niya.

"Si Sebastian oh! Ang init niya!" Impit na tili ni Anjel.

Hindi ko namalayang napatulala na rin pala ako. Parang may naglalaglagang cherry blossoms sa buong paligid kasabay ng dahan-dahan niyang paglalakad. Nakita ko na naman siya, Sebastian pala ang pangalan niya? May saysay din pala ang pagsama ko sa dalawa.

"Tsk!"

"Anong tsk? Hindi mo type? Ako, type na type ko!"

Hindi pa rin maalis ang mga mata ko kay Sebastian.

"Huh? I mean tsk, tsk, tsk. Kayang-kaya ko siyang akitin ng kagandahan ko pero hindi na kailangan dahil marami namang naghahabol sa akin at hindi ko priority ang magka-jowa ngayon."

"Taray! Lakas ng confidence mo! Watch me." Tumayo si Anjel saka nag-flip ng kaniyang straight at mahabang buhok. Nakakainggit ang babaeng ito, kung ako ang gagawa niyan, magmumukha akong katawa-tawa, hindi gaya niya na mukhang sasabak sa Miss Universe.

"Hey, Sebastian!" malambing niyang tawag. Tumigil naman si Sebastian at tumingin sa amin. Shocks, napasulyap din siya sa akin. "Anjel. Kumusta?"

"Ahm. Ayos lang ako. Hehe. Gusto ko lang mag-hi."

"Ikaw talaga. Dito muna ako sa mga kaklase ko" paalam ni Sebastian.

"Okay. Sige, eat well" parang pinilipit na sanggol na sabi niya.

Nakangiti siyang naupo. Sana kaya ko ring gawin iyon.

"Kita mo na. Lakas ng karisma ko hindi ba?"

"Don't be so confident my dear, kapag ako ang kumilos, sa'kin hulog 'yan. At saka sabi mo dati kakilala mo siya hindi ba? Malamang papansinin ka niya."

"Naku! Hinahamon mo ba ako?"

"Oo. Sige nga! Ilan na ba naging jowa mo?"

"Mga sampu. Ikaw ba?"

"Huh. Iyon lang? Ako kasi lagpas singkwenta."

"What? Niloloko mo naman ako."

"Mahigit singkwenta na ang lumapit, nagparamdam at nanligaw sa akin pero binusted ko. Imagine kung pinatulan ko sila?"

Nagkatinginan kami ni Anjel. Hindi ko mapigilang matawa.

"Ahaha-Bakla-hahaha! Hindi mo naman pala naging jowa. Seryoso, saan mo tinago ang sobrang hangin mo sa katawan?" aniya.

I could see how Rowie's face turns to red. "Tse! Sinabi ko lang ang totoo."

"Titigil na nga, nangangamatis ka na. How about you Divina? Nakailang jowa ka na?"

At tila gumuho ang mundo ko nang madamay sa kwentuhan ng dalawa.

"Sis, kami nagsabi na, bawal KJ" dagdag pa ni Rowie.

Kaya ayaw ko na makisalamuha sa iba eh. Masyado silang bold at carefree na kahit ano tinatanong. Nakatingin lang sila sa akin at hinihintay ang sagot ko.

"Wala pa ni isa" mahinang sagot ko. Gusto ko na yatang lumubog sa lupa!

"Hayaan na lang natin kung a-yaw niya-"

Sabay kaming nagsalita ni Rowie. Jusmiyo, bakit hindi siya nauna ng ilang segundo para hindi ko na kailangang sagutin ang tanong niya?

"What? Ilang taon ka na?"

"Hehe. 17?"

"Wow! Isa kang alamat! Paano mo nakaya na walang lovelife?!" Sa lakas ng boses ng babaeng ito, gusto kong lamunin ng lupa, pakiramdam ko pinagtitinginan ako.

"Hoy, yung volume mo lakasan mo pa!" saway sa kaniya ni Rowie.

"Ay. Sorry. Wala akong ibang intensyon, nagulat lang ako."

"Ayos lang. Totoo naman, hehe" sabi ko na lang.

"Tapos na kayo hindi ba? Balik na tayo." Pakiramdam ko, sinalo ako ni Rowie sa pag-aya niya.

Fall With Me, Jowa Please! (#RomcomObli2020) Where stories live. Discover now