Chapter 9

102 13 0
                                    


Nakailang paroon at parito ako sa kuwarto bago mapagpasyahang lumabas. "Darwin? Ma? Anong ginagawa niyo?" Mabilis na tumalikod ang dalawa, si Darwin kunwari nag-inat samantalang si mama pinangwalis ang tambo na hawak. "Wala huh" patay malisyang sagot ni mama kahit obvious na naninilip sila.

Ipinagsawalang-kibo ko na lamang ang kakaiba nilang kilos. "Alis na po ako."

"Sige. Sige. Mag-iingat ka. 'Nak. Ang ganda mo ngayon."

Natuwa naman ako sa pahabol ni mama. Nawala lang ang aking ngiti nang sumabat naman si Darwin. "'Sus, may boyfriend na siguro' yan ma!"

"Tse! Boyfriend? Magkakaroon pa lang!" Natatawang sigaw ko.

Hindi mawala ang ngiti sa aking labi habang naglalakad. Hinawakan ko ang straight nang buhok ko. Tinapik-tapik ko rin ang aking pisngi. Tama lang naman ang lagay ko ng make up.

May bumusina ng malakas sa likuran. "Ay mama!" Sa takot na masagasaan, gumilid ako ng husto. Hindi pa ako maaaring mamatay, wala pa akong jowa!

Lumukob ang kaba sa aking dibdib nang makita na tumigil ang itim na kotse. Binilisan ko ang paglalakad habang tahimik na nananalangin na sana may dumaaan nang jeep. "Jeep! Jeep nasaan ka na ba? Kahit puno na, kahit na isang dangkal lang ang space na uupuan ko. Puwede akong sumabit sa likod!" Sabi ko nga nasabi ko ng malakas ang nasa isip ko lang dapat. Ayokong ma-kidnap, tanggalan ng laman-loob at maitapon sa ilog ng basura!

Lakad-takbo ang ginawa ko pero sinusundan talaga ako. Nakakita ako ng iskinita, liliko na sana ako nang bumukas ang pinto ng kotse. "Divine! Ano ba? Bakit ka tumatakbo?"

Nakilala ko kaagad ang boses niya. Lumingon ako at padabog na lumapit. "Walang hiya ka! Tinakot mo ako! Akala ko magiging headline na ako sa balita sa mga susunod na araw." Naikuyom ko ang aking mga palad. Wala na akong pakialam kung pagtinginan kami ng mga tao.

"I'm sorry okay? Hindi ko intensyong takutin ka. Come on. Get in the car, mali-late na tayo."

"Tse." Kahit na naiinis ako, pumasok pa rin ako sa loob. Mabuti nang maging praktikal, libreng sakay din ito. Binabawi ko na ang sinabi ko kanina, ayokong sumabit sa jeep.

"Divine. Divine? Divina Grasya!"

"Ano?!" inis kong tanong.

"Hindi mo pa rin ako napapatawad?"

Hindi ko siya nilingon. Sa bintana ako nakatingin, hinawakan niya ang kaliwang kamay ko. Pinisil-pisil niya ito.

"You scared me" nagtatampong tugon ko.

"Sorry" sagot niyang muli. Pilit kong inalala ang mga kabutihan niya sa akin. Hindi naman ako galit sa kaniya, nagtatampo lang.

"Okay na" ngiti ko. "Bakit ka nga pala lumitaw doon? Ang alam ko, hindi dito ang way ng bahay niyo papuntang school?"

"Ah. Nag-shorcut kami."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Ows? Really? Para mo na ring sinabi na kapag pupunta ka sa Laguna at manggagaling sa Manila, mas mabilis kang makakarating doon kung ka dadaan muna ng Baguio?"

Narinig ko ang pigil na pagtawa ng driver niya. Sinamaan naman siya ng tingin ni Rowie.

"Oo na. Suko na ako, nag-long cut kami."

Hindi ko mapigilang mapangiti. "Talaga? Para isabay ako sa pagpasok?" Hindi siya kaagad nakasagot kaya napaharap ako sa kaniya. Tumingin naman siya ng deretso. Ang cute naman ng kaibigan ko!

"Five-thirty pa lang Ma'am, nandoon na kami sa may kanto sa inyo." Pangbubuko ni kuyang driver. Mas lumawak ang ngiti ko.

"Kuya Joe." saway ni Rowie. "I just wanna support my creation." Hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi. "In fairness, hindi mo ako binigo."

"Bitaw na! Hmp!"

Hindi niya ako binitiwan bagkus umurong siya at tumitig sa akin. "Galit ka pa rin?" Bigla niyang tinanggal ang mga kamay niya at may dinukot sa bulsa ng kaniyang branded bag. Mayaman ang loko, may sasakyan, may driver, may iphone, may fashion designer na nanay at sa pagkakaalam ko, architect ang kaniyang ama.

"Here." Nanlaki ang mga mata ko nang ilabas niya ang isang silver na hairpin. "Pinaglumaan na ni mama 'to. At saka hindi na bagay sa kaniya kasi gurang na siya." Hindi ako nakagalaw nang isuot niya sa buhok ko ang hairpin. "Sobra na ang ibinibigay mo. Baka masanay ako niyan."

"Take this as my peace offering. Huwag ka nang magalit."

"Hindi dahil binigyan mo ako nito kaya tatanggapin ko ang sorry mo. I felt its so sincere. Salamat. Bestfriend?"

Ngayon ko lang ito naramdaman, sobrang saya ko na magkaroon ng kaibigang katulad niya.

"Sure! Bestfriend." Inilahad niya ang kamay niya at mabilis ko naman ito inabot.

Hindi ako makapaniwalang sa kauna-unahang pagkakataon, nagkaroon ako ng bestfriend at sa isang lalaking may pusong babae pa.

Namamanghang napatingin ako sa labas nang makapasok ang kotseng sinasakyan namin sa loob ng school.

Mukha nang ignorante pero first time ko talaga ito. Para akong VIP. Hindi ko na kailangang lakarin ang mahabang catwalk papunta ng main building.

Huminto ang sasakyan at binuksan kaagad ni Rowie ang pinto sa kaliwa niya. Hinila ko naman ang braso niya nang akmang bababa na siya. "Wait lang. Ayos lang ba na nagkasama tayo? Baka anong isipin ng mga tao."

"Gaga. Hindi tayo talo. Hayan ka na naman, anong sabi ko? Confidence is the key. Huwag mong isipin ang sasabihin ng iba."

"Pero..." hindi ko maiwasang mapayuko. "Kinakabahan ako!" pag-amin ko. Hinawakan niya ako at niyugyog. "You're pretty! Tandaan mo iyan. Nasa tabi mo lang ako."

"Baka isipin nila, kasama kita kasi-"

"Ano ba tayo Divine? Bestfriends right? Walang masama kung magkasama tayo. In fact, advantage mo pa rin ito dahil makikita ka na nakikisalamuha sa iba. Unlike kung mag-isa ka lang lagi, ang magiging tingin sa iyo is loner o kaya ay suplada, mas maliit ang tendency na lapitan ka o ligawan. Naintindihan mo ang point ko?"

Hindi ako kaagad nakasagot.

"Sige na Ma'am, mali-late na kayo." Napatingin ako kay kuyang driver.

"Let's go." Wala na akong nagawa nang marahang itulak ako ni Rowie palabas.
Naglakad kami patungong classroom. Wala sa sariling napatungo ako ngunit agad naman akong binangga ng mahina sa balikat ni Rowie. "Huwag kuba" bulong niya.

Fall With Me, Jowa Please! (#RomcomObli2020) Where stories live. Discover now