Finale

199 19 2
                                    

"Sabi mo sasamahan mo ako hindi ba? Kaya ako pumayag sa party na ito dahil sa pangako mo."

He cleared his throat. "Good evening sa inyong lahat, alam ko na nagugutom na kayo kaya maikli lang po ito. Pagkatapos kong magsalita, gawin niyo na ang gusto niyo." Tumawa siya ng mahina na nagpatawa sa mga nanonood.

"Saan ko nga ba ito sisimulan? Hm. Kailangan kong palang pasalamatan ang parents ko. Alam ko naiintindihan niyo ang mga desisyon ko at sobrang suwerte ko sa inyo. Pa, don't worry, I'll be an engineer someday, Ma, salamat sa pagka-kuripot mo, lagi kang nakasuporta sa akin."

Tumingin siya sa akin. "Ayoko talaga ng ganitong gathering, but someone advised me... Mas gusto ko sana sa twenty first birthday ko gawin ito pero ayokong maghintay ng tatlo pang taon. Ngayong gabi, haharap ako sa inyong lahat bilang isang tunay na lalaki. Yes I am not a gay."

Naguguluhan ako sa mga pangyayari anong ibig niyang sabihin? Batid ko na ganoon din ang nararamdaman ng mga kaklase naming nandito ngayon.

Wala na akong maintindihan sa mga sinasabi niya. Nakisabay na lang ako sa agos. Nabibingi na ako sa sobrang lakas ng kabog sa aking dibdib.

Nang matapos magsalita ni Rowie, napaharap siya sa akin.

"Excuse me." Hindi ko na siya hinintay na magsalita pa. Mabilis akong naglakad paalis. Lumabas ng venue at natagpuan ang sarili sa gazebo.

"Divina."

Napapikit ako ng mariin. "Simula pa lang nagpanggap ka lang na bakla? Bakit? Sino ka ba talaga?" Ayokong humarap sa kaniya.

"Grade seven ako nang magsimulang mamuhay ng ganito. I was a basketball player in the school, baguhan pa lang ako pero nakaagaw na kaagad ng atensyon sa buong campus. Naging disadvantage sa akin ito kasi kahit saan ako pumunta, sinusundan ako ng mga estudyante, taking stolen photos, receiving gifts, may time pa na halos ligawan na ako. Thanks to this face and family background, halos wala na akong peace of mind. Hanggang sa ayawan na rin ako ng mga teammates ko lalo na ng seniors. Masyado pa akong bata at immature noon. Hindi ko ma-handle ang sitwasyon, kaya ito ang naisip ko. Hindi biro ang pinagdaanan ko bago maaccept ang revelation na ito, even my parents, noong una, hindi makapaniwala pero nang magpaliwanag ako, naintindihan naman nila. My mother supported me, ayaw daw niyang isang araw malalaman na lang niya na may naanakan na ako sa mga lumalandi sa akin. I promised my father I'll become an engineer kaya advantage ko ito para makalayo sa pakikipag-relasyon at mag-focus sa pag-aaral."

Hindi ako kumibo.

"Nag-decide akong lumipat ng school dahil hindi ko na gusto ang environment doon pero halos pareho lang din, may mga lumalapit pa rin. Kaya minabuti kong ituloy na magpanggap na bakla. First week pa lang, napansin na kita. Nainggit na ako sa iyo, alam mo ba 'yon? Wala kang pakialam sa iba at isang beses, nakita kita sa open field, nanonood sa phone. The way you smile, the way you enjoy your own company, pinangarap ko na sana maging ganoon ako."

"How funny, tch. You want to be like me while I like attention from others."

"I didn't expect it. Nilapitan kita dahil gusto ko, I really want to make friends with you. I feel happy helping you, sabi ko sa sarili ko, gagawin ko ang lahat matulungan lang kita. Lahat ng ginawa at sinabi ko, totoo lahat ng iyon."

Napalunok ako. "Nagmukha akong tanga! "

"Anong dapat kong gawin para mapatawad mo ako?"

"Sabihin mo sa akin ang gusto kong marinig Rowie... iyon lang."

"Divina?" Hindi ako kumibo.

"Luluhod ako!"

Hinarap ko siya. "No. don't dare kneel down. Tsk." Sa sobrang dismaya, tinalikuran ko siyang muli.

Aalis na sana ako nang sumigaw siya. "Then what should I do?! Hindi ko hahayaang matapos ang gabing ito na hindi tayo nagkakaayos!".

Nagbingi-bingihan lang ako.

"Divina, hindi ko alam kung paano o kailan nagsimula. Natutuwa ako na may manliligaw ka pero habang tumatagal, nagseselos na ako. Alam ko na may gusto kang iba, I even advised you to chase the lucky man. But its killing me inside. Naisip ko ring lumayo pero hindi ko pala kaya! Ngayon ko lang ito naramdaman. I fall for you."

Nangingilid ang mga luhang hinarap ko siya. Tinulak ko siya. "Nakakainis ka! Alam mo ba kung anong nararamdaman ko ngayon ha!"

"Ilabas mo na ang lahat ng sama ng loob mo. Tatanggapin ko ang lahat, gumaan lang ang pakiramdam mo."

"You shut up! Panindigan mo ang lahat ng sinabi mo! Once na malaman kong kalokohan lang lahat ng ito, I swear Rowie, hindi kita patatawarin kahit kailan. Akala ko abnormal na ako. Hindi ko maintindihan ang sarili ko, ikaw lang ang hinihintay kong mag-chat. Mas masakit pang makita kang may kayakap na iba kaysa malaman na may girlfriend na iyong lalaking pinapantasya ko. Ang hirap magpigil ng nadarama dahil ang alam ko bakla ka!"

Yes I love him.

"Oo. Nahulog na rin ako-"
Bigla siyang lumapit, hinawakan ako sa likod ng aking ulo. Naglapat muli ang aming mga labi, I closed my eyes habang nilalasap ang bawat sandali. Habol ang hiningang kumawala siya. "Simula ngayon, akin ka na. Ako lang ang puwede mong landiin."

"Tsk, ayoko ng ginawa mo sa party, wala man lang akong kaalam-alam. Paano kung sinampal kita?"

Napakamot siya sa ulo. "Hays, sabi na hindi magandang ideya na sundin ang ideya ni mama."

"Hoy, ligawan mo ako."

Sinakop niyang muli ang mga labi ko...

He's kissing me torridly nang biglang may umiyak na bata sa pagitan namin. Napatingin kaming dalawa sa ibaba kung saan nakahiga siya.

"Baby naman, istorbo ka eh" pagmamaktol ni Rowie.

Yes. Anim na taon na ang nakakalipas simula nang mag-confess kami ng feelings sa isa't isa. I'm now a fashion designer just like his mother.

"Love, tumae si King" aniya.

Nagsukatan kami ng tingin.

"Sabi ko nga ako na maglilinis kay baby. Natawa ako sa paghaba ng nguso ng aking engineer na asawa.

-End-

Fall With Me, Jowa Please! (#RomcomObli2020) Where stories live. Discover now