Chapter 6

107 11 0
                                    

Hindi ko maintindihan ang aking sarili ngunit sa lugar na iyon ako dinala ng mga paa ko, ang mismong lugar kung saan ko nakita dati si Sebastian. Ilang araw ko na bang ginagawa ito? Akala ko makikita ko siyang muli, nakasandal sa isang sulok at seryosong nagbabasa ng aklat.

Malungkot na kumuha ako ng mga aklat. Nagpunta ako sa lamesa at inilapag ang mga ito, sabay upo. Naisubsob ko na lang ang aking mukha sa lamesa. Ano bang nangyayari? Bakit ako nagkakaganito!?

"Excuse me, kuya."

Napaangat ako ng ulo nang marinig ang boses ng babae. Hindi ko napigilang mapatingin sa desk kung nasaan sila.

"Ano 'yon?" tanong naman ni Rowie.
Parang kiti-kiti ang dalawang babae at hindi mapakali.

"Uhm. Kasi po, bago ba kayo rito? Ngayon ko lang kayo nakita. Anong pangalan mo kuya?"

Ngumiti si Rowie na parang isang tunay na lalaki. Hala, ang dalawa muntik nang magtitili.

"Volunteer library assistant ako at kaka-start ko lang kanina."

"Yey! Alam mo kuya, ang pogi mo. Puwede bang magpatulong hanapin ang book na ito?" Inabot ng babaeng may maiksing buhok ang papel.

"Ah ganito kasi iyan. Familiar ka ba sa DDC? Kung hindi, may listahan ako rito. Sandali kukunin ko lang ha."

Napapailing na lang ako habang pinapanood sila. Para 'kong nakikita ang dalawa na nagiging puso ang mga mata, ito namang si Rowie, feel na feel ang pagpapakalalaki. Tsk. Ano ba talaga ang gender identity nito?

"Heto. Hanapin niyo lang diyan kung anong number nakahanay ang hinahanap niyong aklat. Tapos pumunta kayo doon sa mga bookshelves at basahin ang mga nakasulat kasi nakaayos naman na bawat category doon at may signages. Hindi rin kayo maliligaw diyan, magpapaikot-ikot lang kayo."

Halata namang hindi nakikinig ang mga kausap niya dahil nakatulala lang ang mga ito sa mukha niya at tatango-tango.

"O-Oo. Pinag-aralan na namin 'yan." Awtomatikong tumaas  aking kilay sa sinabi ng matangkad na babae. Tsk. Obvious na nagpapapansin lang sila.

Napapalakpak si Rowie ng isang beses na ikinagulat ng dalawa. "Iyon naman pala eh. Puwede na kayong pumunta roon at hanapin ang aklat dahil maya-maya rin magsasara na ang library."

Tumalikod ang dalawa at tumingin sa direksyon ng mga bookshelves nang bigla silang tawagin muli ni Rowie.

"Wait. I just wanna correct things ha. Salamat for telling me how handsome I am but... I prefer to be described as pretty." Nakangiti niyang wika sa malambot na tono.

Nagkatinginan ang dalawang babae. Disappointment is written in their faces.

"Ahm. Sige po ha, babalik na lang kami sa ibang araw."

Lukot na lukot ang mukha nila habang papalabas ng library.

Naiiling na umubob akong muli sa mesa. Unfair ng buhay, bakit siya kahit bakla may nagkakagusto? Gusto kong makatulog ngunit ayaw akong patulugin ng sariling diwa. Makaraan ng ilang minuto, pinasya kong bumangon, nanlaki ang aking mata nang bumungad ang mukha ni Rowie sa harap ko. "Ay mama!" Napasapo ako sa noo.

Wala naman siyang reaksyon, nakangalumbaba lang siya habang nakatitig sa akin.

"Anong ginagawa mo rito? Para ka namang multo."

"Kay ganda ko namang multo. Divine, magsabi ka nga ng totoo. May problema ka 'noh?" Napakaseryoso ng mukha niya, hindi ko kayang sabayan ang bawat nang-uusig niyang titig. Napabaling ako sa ibang direksyon.

"Tell me, what's your problem? Promise makikinig ako."

Ramdam ko na gusto niya talagang makatulong kahit hindi pa niya alam kung anong problema. Tumango siya bilang assurance na makikinig siya.

Ngayon ko lang naramdaman ito, ako ang klase ng tao na sinasarili ang lahat, kahit kay mama, never pa akong nagkuwento. Ganito ba magkaroon ng totoong kaibigan? Nais kong umatungal at ilabas ang gumugulo sa isip ko. He's my first true friend whom I'm willing to share my problem.

"Kasi naman. Huwag kang tatawa okay?" nguso ko.

"Promise."

Isang salita lang ang sinabi niya, hindi ko inaasahang salitang magpapabago sa buhay ko.

"Pakiramdam ko depress ako. Sobrang lungkot! Okay lang naman dati kahit mag-isa lang ako. Masaya ako kahit wala akong kaibigan. Papasok, uuwi, tutulong sa gawaing-bahay, gagawa ng assignments, manonood ng paboritong mga palabas. Masaya na ako sa ganoon. Pero kasi, nitong mga nakaraan, nagbago ang lahat. Gusto kong maranasan na magustuhan ng iba. Tama, seventeen na ako ngayon pero hindi pa nagkaka-love life ni minsan. Gusto kong maranasang makisalamuha pero hindi ko kayang simulan. Gusto kong mapansin din ako ng mga lalaki Rowie. Ano bang gagawin ko? Nababaliw na yata ako!"

"Sa madaling sabi, gusto mong lumandi hindi ba?"

Napalo ko siya sa braso dahil ang pangit ng salitang ginamit niya.

"Sandali, huwag kang magalit. Tinamaan ka na ng pagdadalaga. May solusyon ako sa problem mo."

"Ano?"

"Tutulungan kita kung paano lumandi!"

"Huh? Ang sagwa ng term mo."

"Umpisahan natin ang lesson mo ngayon. "

"S-Sandali. Sigurado ka bang dito tayo mag-uumpisa?" nag-aalangang tanong ko kay Rowie. Lumikot ang aking mga mata sa buong paligid.

"Ano ka ba? Huwag kang mahiya. Walang pakialam ang mga tao sa atin. Una sa lahat, upang magtagumpay tayo sa transformation mo, kailangan mawala iyang takot mo sa tao. Confidence is the key."

"Hindi sa nahihiya. Nasa library tayo" pangangatwiran ko.

"Ano naman? Tayo lang ang tao rito."

"Hmp. Kung gusto mong mapansin ng mga lalaki, kailangan matuto kang mag-smile. Ganito ang normal na smile. Ganito naman kapag nagpapa-cute sa lalaki. Kailangang mahinhin pero mapang-akit."

I awkwardly tried to imitate him. "Ganito?"
.
Napasapo siya sa noo. "Ano iyan?"

Sumimangot tuloy ako. "Kailangan ba talaga ito?" Parang gusto ko nang sumuko agad. Hindi talaga ako magiging maganda.

"Alam mo kung anong hitsura mo most of the time? Ganito." Sumimangot siya saka yumuko.

"See? Wala talagang lalapit sa iyo kung ganyan. Hindi dahil sa pangit ka kung hindi dahil akala nila suplada ka. Huwag mong masamain ang sinabi ko ha, I just want to help you. Maganda ka."

Napaisip ako sa sinabi niya. "Ikaw ang unang taong nagsabi niyan. Ganito na ako noon pa man, pero sige, ita-try ko."

Fall With Me, Jowa Please! (#RomcomObli2020) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon