Chapter 8

112 12 0
                                    


"Saan mo nakuha ang mga ito? Huwag mong sabihing binili mo? Tinanggap ko ang tulong mo pero hindi sa ganitong paraan. Ang dami at branded ng mga make ups na 'yan. Hindi ko sinabing gastusan mo ako."

"Gaga! Hindi ko binili ang mga ito. These are all mine. Tingnan mo, ang iba medyo gamit ko na pero slight lang. Nagme-make up lang ako kung may importanteng okasyon. Ang iba diyan papalitan ko na kaya mabuti na lang nandyan ka, ibibigay ko na lang. Baka mag-expire na nga kaya kung hindi mo kayang ubusin agad, puwede mong gawing almusal."

"Tsk. Baliw! Pero seryoso, sa'yo lahat 'to? Parang hindi pa nagagamit ang iba." Dumampot ako ng isang lipstick at binuksan ito. Hindi ko pa nararanasang magkaroon ni isa nito. Hindi ko naman kasi hilig kaya kapag kailangan, humihiram lang ako kay mama.

"Oo. Tara, turuan kitang gamitin ang mga 'to. Pagpraktisan muna kita, malay mo maging make up artist ako balang araw."

Nagsimula ang eksperimento ni Rowie sa mukha ko. Kung anu-anong kulay ang inilalagay niya sa mukha ko. Ipinaliwanag rin niya kung paano mag-make up ng light lang na perfect para sa pang-araw-araw at kung anong nababagay kapag may okasyon.

Natawa lang ako nang pagdating sa kilay, nahirapan siya. Kinailangan pa naming mag-youtube kung paano.

"Hayan! Ang ganda!" masayang komento ni Rowie.

"Talaga?" nakangiting tanong ko naman.

"Walang halong biro. You're so pretty. Isa na lang ang kulang." Kinuha niya ang isa pang paoer bag na dala niya. "Here." Inabot niya sa akin ito, dali-daling tinignan ko naman ang laman.

"Dress? Saan mo ito nakuha? Huwag mong sabihing sa iyo ito. Masyado kang matangkad."

"Of course not, mas bongga pa diyan ang sa akin. My mother is a fashion designer at may sarili siyang botique. Mga outdated designs na 'yan kaya hiningi ko."

"Talaga? Ang gaganda ng mga ito. Bayadan na lang kita kapag nakaipon ako."

"How many times do I have to tell you, my service is free. You're my project, at once I fail to transform you into beautiful, lovely, jowable being, bayadan mo ako."

***

Sa malapit na mall kami napadpad ni Rowie. Nang makalabas ako ng restroom, abot-tainga ang ngiting sinalubong ako ni Rowie. "My gosh! You're so pretty! Bagay na bagay sa'yo ang floral dress. I won't fail for sure."

Kumapit ako sa braso niya at lumapit sa tainga niya. "Nagugutom na ako. Let's eat, treat ko." Malakas ang loob kong ilibre siya dahil nagdala ako ng extrang pera.

Sa food court kami napadpad. Wala naman siyang reklamo nang binilhan ko siya ng budget meal.

Pagkatapos kumain, tumunog ang phone ko. May na-receive akong chat sa messenger.

Hi.

Agad kong sinagot ang mensahe.

Hello.

Hinintay kong magreply siya.

Musta?

Mabilis akong nag-type ng isasagot.

Ok lang.

"Aray!" malakas kong sigaw nang makaramdam ako ng pitik sa noo. Tinignan ko ng masama si Rowie. "Anong ginawa ko?"

"Anong klaseng reply 'to? Naglalandi ka nga hindi ba? Paanong maa-attract ang lalaki kung ganito ang reply mo? Nakakabagot kang ka-chat! "

Sinimangutan ko siya. "Sinagot ko naman ang tanong ha?"

"Jusmiyo Marimar! Lagyan mo naman ng ayos lang ako, salamat, ikaw ba? Anong ginagawa mo? O okay na okay lalo na at kausap ka... Ganoon dapat!"

"Sige. Sige. Ulit."

"Iba naman. Next na kailangan mo namang gawin... maglakad."

"Modeling? Hindi ako marunong."

"Try mo ngang maglakad simula dito hanggang doon sa may food stand na iyon, then balik ka rito."

Ginawa ko naman ang sinabi niya. Umiiling at dismayado ang mukha ni Rowie pagbalik ko. "Heto ang isa sa problema, napapayuko ka pa rin. Chin up! Diyan nasusukat ang confidence, diyan napapansin ang tao."

Napansin ko na sa dibdib ko siya nakatingin. Sa sobrang gulat ay naiharang ko ang aking mga kamay. "Anong tinititigan mo huh?"

Napalunok siya ng mangilang beses bago sumagot. "Maliit sis."

At mas lalo akong nanggalaiti sa sinabi niya. "Ano? Hindi naman ha!" Sinilip ko pa ito.

"Pfft. Joke lang. It can be one of your asset. But what's important is, you can carry yourself in public, believe in yourself first and people eventually feel it too. You'll become head turner. Naintindihan mo?"

Tinanguan ko siya ngunit sa loob ko, napapatanong ako sa sarili kung kaya ko ba? "Well, try mo ulit. This time do it with me by your side."

"Anong ibig mong sabihin?" naguguluhang tanong ko.

"Mag-ikot-ikot tayo hanggang sa masanay kang maglakad ng hindi nakatungo."

Sa wakas ay naintindihan ko siya. "Tara!" Mas okay iyon sa akin. Mukhang nasasanay na akong kasama siya.

"Huwag kukuba-kuba! Hindi nangangain ng buhay ang mga tao." Natatawa na lamang ako dahil panay ang bulong niya sa akin.

"Ganito ba?" Iniwan ko siya at tumakbo ako palayo. Nakangiting tumigil ako sa gitna kung saan abala ang mga tao sa pagpaparoo't parito. Tumingin ako sa kaniya. He crossed his arms.

Inayos ko ang aking postura. Itinaas ng bahagya ang aking ulo. I just have to believe in myself. Naalala ko ang sinabi ni Rowie, I need to wear an appropriate smile, hindi dapat OA, hindi pilit, natural lamang.

Naglakad ako papalapit sa teacher ko. Nginitian ko siya bilang pasasalamat. As long as there is someone who believes in me, maniniwala rin ako sa sa sarili ko... tama maganda ako! Kaya kong mapalingon ang mga tao sa presensiya ko. But right now, wala akong pakialam sa iba, nais ko lang ipakita kay Rowie na worth it ang pagod niya.

"Satisfied?" Buong pagmamalaki kong tanong nang makalapit sa natutulalang si Rowie. Iwinagayway ko pa ang aking kamay sa harap niya. "Hello?"

"A-Ahm. I'm speechless. Nakita mo ba kung paano ka tingnan ng mga lalaki kanina? Even the girls, agaw-eksena ang ginawa mo."

"Huh? Hindi eh. Nakatingin lang kasi ako sa'yo. I want to impress my teacher."

Nag-thumb's up siya. "Excellent! A+ ka sa'kin."

"Yes!" masayang sigaw ko.

"Next, sa chapel tayo. Its Sunday, mag-mass tayo?" aya niya. Abot-tainga naman ang aking ngiti.

Fall With Me, Jowa Please! (#RomcomObli2020) Where stories live. Discover now