Chapter 5

115 15 0
                                    

Titig na titig ako sa harapan kung nasaan ang kaklase naming nagrereport tungkol sa topic niyang "Functions of Oral Communication". Kahit pa hindi ko maintindihan ang ibang sinasabi niya, kunwari nakakasunod ako. Hindi ko alam kung mahirap intindihin ang topic niya o dahil sa kabado siya sa pagsasalita. Paano naman kasi, parang mangangain ng buhay kung makatitig ang teacher namin na gilid. Ayaw niya ng maingay, ng hindi nakikinig. Kaya naman kahit ang lumingon lang sa katabi ay walang magtangka sa amin. Si Miss Ferrer ang pinaka-istrikta sa lahat ng teachers namin.

"Wait. Naval, will you stop discussing for a while. I saw someone who's not interested to learn in this class. This student is looking at somewhere else." Nagtinginan ang mga kaklase ko at hinanap kung sino ang tinutukoy niya. Biglang napatayo si Ma'am Ferrer na siyang nagpatahimik sa amin.

"I'm referring to you Mr. Sevilla. Next time, when somebody's reporting, always pay attention."

"How much Ma'am?"

Ano daw? Inisip ko kung ano ang sinabi ni Rowie. Walang makapagreact, maging si Ma'am Ferrer ay naguluhan.

"Pardon Mr. Sevilla?"

Iyong tingin ni Ma'am kay Rowie, mukhang makakain siya ng hilaw nito.

"How much is the attention? I'll pay it Ma'am."

Dito na nagtawanan ang buong klase. Maging ako, pilitin ko mang manahimik, natawa na rin ng mahina. May lakas ng loob ang baklang ito na mamilosopo. Hay naku!

Nilingon ko si Rowie na prenteng nakaupo pa rin at nakangiti pa. Nakita niya ako at kumindat. Natawa akong lalo sa kaniya.

"However, the only attention I want is his whole attention but it so expensive. I can't afford it." Pagpapatuloy pa niya. Naghiyawan ang mga kaklase ko. Sa nakikita ko sa teacher namin, malapit nang umusok ang ilong sa galit kaya gusto ko mang matawa, todo pa rin ang pigil ko sa sarili.

"Class!" Malakas niyang sigaw na nagpatahimik sa buong klase. "Mr. Sevilla, do you think this class is a big joke?"

"Uhm. Sorry Ma'am. I'm just trying to make the whole class lively."

Mabuti naman at humingi ng paumanhin ang loko. Hays, may rason pa rin nga lang sa dulo.

"After the class, you go to the faculty room. I want to talk to you."

Napaawang ang bibig ko sa narinig. Napalingon ako kay Rowie na ngayon ay nagkakamot na ng ulo. Pinalo siya sa balikat ng katabi niya. Ano naman kasi ang pumasok sa isip niya para magbitaw ng joke sa gitna ng klase?

Tumingin si Ma'am sa reporter sa harapan. "You may now proceed, Naval."

***

Nang sa wakas natapos na ang aming klase, inayos ko kaagad ang mga gamit ko.

Tatayo na sana ako nang dumaan si Rowie sa gilid ng kinauupuan ko. "Sandali!" habol ko sa kaniya. Humawak ako sa kamay niya upang pigilan siya. "Yes?" nagtatakang tanong niya.

"Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong ko.

"Hmm. Wala akong sakit. Perfectly fine. Bakit?"

"Tsk. Sira" irap ko. Mukhang wala naman sa kaniya ang nangyari. Bakit mas kinakabahan pa ako?

Isang ngiti ang pinakawalan niya na nagpalabas ng malalim niyang dimples. "Kailangan ko nang pumunta sa faculty room. Huwag kang mag-alala, carry ko 'to." Naramdaman ko ang pagpisil niya sa kamay ko. Tinanguan ko siya.

Hindi ko na alam ang nangyari kay Rowie, pagkatapos naming mag-usap ay lumabas na siya. At dahil Biyernes ngayon, kinailangan ko munang tumulong sa paglilinis ng kuwarto dahil isa ako sa cleaners.

"Nakita mo 'yong kanina? Kay Divina nakatingin si Rowie nang masita siya ni Ma' am Ferrer, bakit kaya?"

"Hindi ko alam, bakla naman 'yon si Rowie at chaka si Divine kaya wala akong pakialam."

Tsk. Nagtapon lang ako ng basura sa labas, pinagtsitsismisan na pala ako sa loob. Dalawa na lang sila na naiwan sa loob. Hindi man lang nila napansin na nasa pintuan na ako sa sobrang ganda ng usapan nila.

"Sus, tama ka, mas maganda tayo. Pero sayang talaga si Rowie, ang guwapo pa naman."

"Oo nga! Alam mo ba, nagpa-cute pa ko sa kaniya noong first day of class natin. Akala ko kasi lalaki."

"Ako nga, kinuhanan pa siya ng picture nang palihim eh. Hay! Sayang talaga!"

Naiiling na binalik ko ang trash can sa lagayan nito. Tiniyak kong tutunog ito upang malaman ng dalawa na may tao pala. Hindi naman ako nabigo dahil nakita ko sa aking peripheral vision ang paglingon ng dalawa. Pagkatapos maayos ang trash can, nangigigil na pinagpag ko naman ang hawak ko pang walis tambo na dala ko. "Ano ba yan!? Ayaw maalis ng agiw!" Binuhos ko ang inis sa walis tambo at sa invisible na agiw.

Wala naman akong narinig mula sa dalawa kong tsismosa at nagmamagandang kaklase. Tahimik lang ako pero kung kinakailangan lumalabas ang pagka-maldita ko. Rowie is already my friend, ayokong may marinig na hindi maganda tungkol sa kaniya.

Ibinalik ko na lang sa broom box ang walis at mabilis na nagpunta sa aking upuan kung saan naroon ang bag ko. Walang kibo ang dalawa at pinanood lang ang bawat galaw ko.

"Woah! Nakalabas din." Hindi ko mapigilang maibulalas, mahirap na baka pagtulungan ako ng dalawang bruha, hindi ko sila kakayaning dalawa.

Patakbo akong nagtungo sa favorite place ko.

Nang makapasok sa library ay napadako ang tingin ko sa desk kung nasaan ang librarian. Laking gulat ko nang sa tabi ng silya ng librarian ay nakaupo si Rowie.

"Hoy! Bakit ka nandito?" tanong ko kaagad habang papalapit sa kaniya.

"Shh! Nasa library ka" sagot naman niya.

"Anong nangyari?" bulong ko kahit kaming dalawa lang ang tao sa loob.

"Volunteer student ako ngayon dito. Assistant ni Mrs. Robles." Nakangiti pa siya habang nagsasalita.

"Sabihin mo, parusa ba sa iyo ito?"

"Parang ganoon na parang hindi. Ako nag-suggest na gawin ito para ipakita ang sincerity ko na mag-sorry sa nangyari kanina."

Tumango-tango ako nang maintindihan ang lahat. "Ano ba kasing ginagawa mo sa upuan kanina. Tsk! Alam mo namang terror si Ma'am Ferrer."

"Hep! Nasermonan na ako kanina. Tama na."

Fall With Me, Jowa Please! (#RomcomObli2020) Where stories live. Discover now