Chapter 4

129 15 2
                                    

Natapos na ang klase, tumayo ako kaagad at nagmadaling lumabas. Hindi na nakakatuwa ang mga nangyayari ngayon sa akin, I need to go to a quiet place. No, hindi pa ako uuwi, maingay din sa bahay. Dumiretso ako sa pangalawang pinakapaborito kong lugar.

Bilang isang butihing mag-aaral na limited ang mobile data, walang mabait na kapitbahay na magbibigay ng password ng kanilang wifi, siyempre aasa pa rin ako sa Google at computer noh? Paanong hindi? Madalas kailangang computerized ang pinapa-assignment, kailangan may designs pa o kaya naman pictures.

Kaya naman wala na halos nakakaisip na pumunta sa library. Naupo ako sa pinakadulo ng mahahabang mesa, nangalumbaba, kasabay ng malalim na pag-iisip. Parang ako rin ang library, ayaw puntahan ng maraming tao. Alam ko sa sarili ko na may parte sa akin na nalulungkot dahil lagi akong mag-isa. Pero kapag nariyan na kasi ang mga tao, inaabot ako ng hiya. Ang dami kong insecurities sa katawan na kahit gusto kong makipagkaibigan, feeling ko hindi ako worth it.

Natigil ang pagmumuni-muni ko nang may pumasok na dalawang estudyante. Magkaholding hands pa sila. Hindi ko na sana sila papansinin pero, nakakapanggitil na sa harapan ko pa sila pumwesto. May pagitan naman dahil nasa kabilang dulo sila pero dahil walang ibang taong nakaupo, kitang-kita ko kung paano sila maglandian.

At ginawa pa talagang dating place ang library huh! Gusto kong buhatin ang silya at batuhin sila. Tumayo na lang ako at nagpasiyang maghanap ng mababasang aklat.

"Ay mama!" sigaw ko nang mapansin na may iba pa palang tao sa loob. Nakasandal siya sa pader sa dulo at may hawak na aklat. Seryoso siyang nagbabasa habang may nakasalampak na earphone sa tainga.

Napahawak naman ako sa tapat ng aking puso na sobrang bilis ng tibok sa mga oras na ito. Si Sebastian, mas lalo siyang gumaguwapo sa paningin ko.

Bigla akong nataranta nang tumayo siya ng tuwid. Napatalikod ako sa takot na mahuli niya akong nakatingin sa kaniya. Naglakad siya papalapit sa direksiyon ko. Naririnig ko ang bawat yabag na dulot ng kaniyang sapatos. What to do? Akala ko lalampas na siya sa akin ngunit tumigil siya sa tapat ko. Gusto kong umalis na pero hindi ako nakagalaw.

"Miss, excuse me." Umikot ako paharap at napatingala ako sa kaniya. Itinaas niya ang hawak na libro.

"Ha?" tanong ko.

"Ibabalik ko lang itong libro." Gumalaw ang mata niya upang ituro ang shelf na nasa tapat ko.

"Ah. Okay." Napaatras ako.

Matapos mailagay ang libro ay naglakad na siya palayo. Humawak ako sa aking noon. Tanga ko talaga, paano ko naisip na mapapansin niya ako? Tsk. Huwag assuming Divina, pangit ka!
          
***
              
Sa panahon ngayon kung saan pabata nang pabata ang naglalandian sa daan, grade 3 pa lang may jowa na, mas importante pa ang lovelife kaysa maghugas ng pinggan, isa ako sa mga 'di pinagpalang landiin ng sinuman. Pilit kong tinatanong ang aking sarili kung bakit? Bakit wala man lang lumapit sa akin? Bakit ni minsan, hindi ko naranasang ligawan? On my seventeen years of existence, hindi ko man lang maranasang magkaroon ng manliligaw. Hindi nga yata talaga ako jowable, saklap.

Itong mga nakaraang araw, parang tamad na tamad akong kumilos. I usually wake up so early in the morning but not today. Kung dati pumupunta ako ng maaga sa school pero late nang pumapasok ng classroom, ngayon siguradong late talaga ako.

Maagang umalis si mama para mamalengke samantalang ang kapatid ko namang si Darwin, hindi ko na alam kung anong ginagawa sa kuwarto niya. Kahit lagi akong pinagtitripan niyan, alam ko namang matino siya at sa katunayan honor student 'yan, hindi kagaya ko. Pumasok ako ng banyo upang maligo.

Biglang nabuhayan ang dugo ko nang makita kung ano ang nasa lagayan ng shampoo. Napangiti ako nang makita ang anim na sachets ng conditioner dito. "Si mama talaga, hindi pa bumili ng isang bote." Natawa na lang ako sa naisip.

Matapos maligo at makapag-ayos, nagpaalam na ako sa kapatid ko at nagbilin ng mga dapat gawin bago niya iwan ang bahay. "Huwag mong hahayaang masunog ang bahay pag-alis mo huh!" banta ko pa.

Habang naglalakad, napansin ko na marami palang masakit sa mata sa paligid. Tsk, bakit napapansin ko ang mga PDA ngayon? Bitter na kung bitter pero respeto naman sa walang jowa! Kahit sa anime o K-dramas napapasana-all na lang ako. Ano bang nangyayari sa akin? Masyado akong affected. Gusto ko maranasan na may magmahal din sa akin.

Matamlay na pumasok ako sa kuwarto namin. Mabuti at wala pang teacher, naghanda pa naman ako ng idadahilan kung bakit ako na-late. May sari-sariling mundo ang mga kaklase ko kaya hindi nila napansin ang presensiya ko. Ganito naman talaga lagi eh, ako iyong klase ng estudyante na invisible... walang may 'paki.

Dumeretso ako sa aking upuan ngunit bago pa ako makaupo ay napatingin ako sa likod. Nakita ko si Rowie na napatingin din sa akin, nginitian ko na lang siya. Kung meron mang tao sa lugar na ito na pumapansin sa akin, si Rowie siguro ito. Ah, idagdag na rin si Anjel na laging busy dahil sa posisyon niya. Ang alam ko may meeting ang mga class presidents ng bawat section kaya wala siya ngayon.

Hindi na kami masyadong nakakapag-usap na tatlo dahil na rin umiiwas ako pero alam ko na kaibigan ko na sila. Minsan, may mga kasama rin naman kasi silang ibang kaklase namin kaya todo iwas na lang ako. I'm more comfortable to be alone... Pero these past few days, ewan ko ba, parang gusto ko ng makakausap.

Hindi nagtagal ay dumating na ang guro namin. Tumahimik ang lahat at nag-umpisa na naman ang nakakawindang na araw ng isang buhay estudyante. Sabi nila kapag STEM ang kinuha mo matalino ka, hindi nila alam, may mga kagaya ko na wala lang mapili kaya dito ang bagsak. At least nakapasa sa exam at hindi below 85, okay na 'yon.

Fall With Me, Jowa Please! (#RomcomObli2020) Where stories live. Discover now