Chapter 13

108 10 0
                                    

Napakamot siya sa ulo. Ang cute niya, parang nahihiya na hindi maintindihan. Lihim akong napapangiti. Sa wakas! Nalapitan at nakausap ko na siya ng matagal! Walang pagsidlan ang tuwang nadarama ko sa mga oras na ito. I can't wait to tell all these to Rowie.

"Mas accurate ang mga nasa aklat, hindi kagaya ng sa internet, unreliable ang ibang sites."

"Sang-ayon ako diyan. Kaya as much as possible dito rin ako kumukuha ng reference."

"Halata naman, lagi kitang nakikita rito kapag napapadaan ako."

Pakiramdam ko namula ang mga pisngi ko sa narinig. "T-Talaga? Bakit hindi kita nakikita lagi?" Kung puwede lang sana mag-excuse muna, titili lang ako!

"Nakikita lang kita doon sa bintana kapag dadaan ako sa labas. Hindi naman ako pumapasok dito lagi."

"Ahh. I see."

Napasandal ang kamay ko sa mga aklat. "Sandali. This one." Nagulat ako nang bigla niyang kunin ang aklat na Physical Science na nasa tabi ng kamay ko. Nagdikit ang aming daliri. Pinigilan kong ngumiti sa galak.

"Tama na siguro ito" aniya.

"Tulungan na kita?" alok ko nang mapansing marami na siyang hawak na libro.

"No need. Kaya ko na ito. Hindi kita hahayaang mabigatan sa mga librong kinuha ko."

Grabe, sobrang bait niya at gentleman.

Sinabayan ko siya sa paglalakad. "Si Rowie din madalas dito hindi ba? Nakikita ko kayong magkasama kung minsan."

Ay hala! Bakit kaya niya naisingit si Rowie? Nagseselos ba siya?.

"Hmm. Oo. Bestfriend ko iyon. Volunteer assistant din siya kaya lagi siya rito. Pero naku! Ayaw niyang maghanap sa aklat. Puro internet ang alam niyang source."

Natawa siya sa sinabi ko. "Hindi ba may meeting ulit kayong mga officers? Bakit ka nga pala nandito?" pagtataka ko.

"Oo, pero kanina pa tapos iyon."

Napanguso ako sa sinabi niya. Kanina pa pala? Bakit hindi man lang ako pinuntahan ng bakla?
Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip nang may tumawag sa katabi ko. "Sebastian, are you done?" tanong ni Anjel.

"Oh, Divina, nandito ka rin pala? Tinakot mo ako! Akala ko kung sino na."

Naguguluhang napatingin ako sa kaniya. "Kaibigan mo siya hindi ba? I also want to meet your friends. Divina is a nice friend for you."

Mas lalo akong naguluhan sa tinginan at ngitihan ng dalawa. Para silang nasa sariling mundo kung saan hindi ako kasama. Nagpapalit-palit ang tingin ko sa dalawa. Isang bagay lang ang naisip ko at nais kompirmahin. " Kayo bang dalawa? Hmm?"

Kahit hirap na hirap sa mga kargang aklat, hinawakan pa rin ni Sebastian ang kamay ni Anjel. "Nakita mo ang bio ko sa FB Divina?" puno ng kagalakang tanong ni Anjel. Umiling naman ako. "Bihira na akong maging active sa facebook, sa messenger lang."

"Kami na, friend!" Kinikilig pa siya habang nagsasalita, si Sebastian naman nakangiti na parang nahihiya.

"Wow" wala sa loob na sambit ko. Hindi ko alam kung paano magrereact nang biglang naisip ko ang sinabi ni Rowie... "smile".

Pilit akong ngumiti kahit na sa loob-loob ko ay parang napapahiya ako. Napahawak ako sa braso ni Anjel at pinilit na magsalita. "Congrats." Wala na akong magagawa kung hindi ang maging masaya para sa kanila. Dismayadong nagpaalam ako sa kanila.

Lumabas ako ng library na hindi alam kung saan nga ba dadalhin ng aking mga paa. Nais kong mapaluha, nakakakahiya talaga ako! Nakakatawa ang mga pinaggagawa ko. Paano ko ba naisip na magugustuhan din ako ni Sebastian? Ang laki kong talunan! Higit sa lahat, paano akong haharap ngayon kay Rowie? Lahat ng efforts niya, gastos niya, kailangan ko nang ibalik.

Napahinto ako sa paglalakad at naisandal ang mga kamay sa pader. Walang masyadong tao sa lugar. Naramdaman ko na lang na tumulo na ang mga luha ko. Napatingin ako sa aking paa at mas lalo akong naiyak ng tahimik. Napahilamos na lang  ako sa mukha sa sobrang frustration. This time, nakaapak na talaga ako ng totoong tae ng aso. "Wahh! Sino namang nagpapasok ng aso sa school?"

Ayaw ko pa sanang umalis pero kailangan kong maghanap ng mapaghuhugasan. Sa hindi sinasadyang pagkakataon, may nakita na naman akong masakit sa mata, mapaatras ako at magtago sa poste. Nanlalaki ang mga matang napatingin ako kay Rowie na nakayakap sa isang babae. May kumirot sa aking dibdib. Ano bang mayroon sa araw na ito't puro na lang hindi maganda ang nangyayari?

Kumalas sa pagkakayakap si Rowie. Aalis na talaga sana ako, pero nagsalita si Rowie. "Naku, ano bang ginagawa mo? Baka may makakita sa atin, ma-misinterpret tayo?" Medyo nabawasan ang bigat sa aking dibdib. Nagpatuloy ako sa pakikinig.

"I'm just happy to see you again! I miss you frenny!"

Maganda at halatang mayaman ang babae. Nakasuot din siya ng uniform ng sikat na private school. Nanliit tuloy ako sa sarili. Ganyan ang mga nararapat na maging kaibigan ni Rowie, hindi ang kagaya kong mahirap lang.

"Sige alis na ako. Pag-isipan mo ang mga sinabi ko." Sumakay na sa kotse ang babae, napaatras naman ako. Ayoko munang magkita kami, tutal iniwasan naman niya ako buong araw.

Sa araw na ito, sinampal ako ng katotohang hindi ako magugustuhan ng taong gusto ko kahit na magbagong-anyo man ako. Tapos ngayon naman pati best friend ko, feeling ko hindi rin ako karapat-dapat sa kaniya? Pumatak na naman ang mga luha sa aking mga mata. Ang sakit ng katotohanan.

"Uy! Saan ka pupunta ha? Mukhang mayaman pre!"

Nang marinig ang boses ng lalaki, sumilip ako sa kinaroroonan ni Rowie at nakitang hawak siya sa kwelyo ng lalaking maitim at mukhang ilang beses nang umulit ng high school. Napahawak ako sa bibig habang natataranta kung ano ang gagawin.

Kailangan kong humingi ng tulong! Tatawag ako ng teacher o guard!

"Ibigay mo lang sa amin ang pera at cellphone mo, hindi namin sisirain ang mukha mo."

Nanlamig ang mga kamay ko sa narinig.

"Akin na ang gamit mo!" Dinuro pa siya ng lalaki.

"Gago ka ba? Bakit ko naman sa'yo ibibigay?"

Inambahan siya ng suntok ng matabang lalaking kasama ng maitim. Dito na ako tuluyang naalarma. Patakbo akong lumapit sa kanila. "Stop!"

Fall With Me, Jowa Please! (#RomcomObli2020) Where stories live. Discover now