Chapter 11

106 11 0
                                    


"Anong hayaan, hindi pa ako tapos. Mga sis, huwag kayong mainggit kung anong meron si Divine. Pinaghirapan niya kung ano siya ngayon, she changed into a better version of herself, she built her confidence, don't dare ruin it. Or else ako ang makakalaban niyo."

Natahimik ang dalawa. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko, I'm so blessed to have this gay.

Hawak-kamay kaming lumabas ng kuwarto. Walang nagsasalita ngunit alam namin pareho kung saan pupunta. Nakarating kami sa labas library. Nang makita na nasa loob ang librarian, pinigilan ko siyang pumasok. "Rowie!" Nagtatanong ang mga mata niya.

"Ilang beses ba akong magpapasalamat sa iyo? Deserve ko ba talagang maging kaibigan mo?"

"Asus. Magpapasalamat ka lang, may drama pang kasama."

"Thank you bes!"

"Gaga! Bakit hindi ka lumaban? Paano kung hindi ako napadaan edi nasampal ka."

"Ayos lang kung sa sampal na iyon, ma-satisfy sila."

Binitiwan na ni Rowie ang kamay ko. "What!?" hindi makapaniwalang tanong niya.

"Sabi mo nga naiinggit sila. Pinagdaanan ko rin iyon Rowie. Alam ko ang feeling na sana maging katulad ako ng iba."

"Pero hindi ka nang-aaway. Magkaiba kayo."

"Oo na. Sana lang tumigil na sila. Naku ha, isang sampal lang ang allowed sakali. Ayokong umabot sa puntong gumugulong-gulong na kami sa sahig at nagsasabunutan. Sayang ang buhok, mahal pa naman ginastos mo rito." Natawa ako ng mahina. "Hindi nga? Maiisip talaga ng iba na gold digger ako dahil sa mga binibigay mo."

Nakatikim na naman ako ng mahinang sampal sa noo mula sa kaniya. "Kung anumang na-receive mo galing sa'kin, kusa ko itong ibinigay. Isumbong mo agad sa akin kung may gawin sila ulit na masama sa'yo. Hay naku! Nagutom ako ha. Tara mag-meryenda tayo."

"Paano ang trabaho mo?"

"Mag-duty man ako o hindi rito ayos lang. Bonus na lang kay Madam Helen na tinutulungan ko siya." tukoy niya sa librarian.

Nagtungo kami sa canteen. Nang makapasok sa loob, may biglang sumigaw. "Rowie! Divina!"

Napako ang tingin ko sa table kung nasaan si Anjel. Nang makilala kung sino ang kasama niya, lumakas ang tibok ng aking puso. Parang gusto kong tumakbo papuntang CR upang tingnan kung hulas na ang make up ko. Naku! Mabango pa ba ako?

Abala ako sa pag-check sa sarili sa utak ko nang hapitin ni Rowie ang beywang ko at hilahin patungo sa table nila. Wala na akong nagawa kung hindi ang umupo sa tapat ng lalaking nagpapabilis ng aking puso. Gusto ko siyang tignan pero nahihiya ako. Napatungo na lamang ako.

"Sebastian, mga kaibigan ko nga pala at kaklase. Si Rowie." Nag-handshake ang dalawa.

"Ito naman si Divina." Huminga ako ng malalim bago tumingin sa katapat ko. Nagpakawala ako ng kiming ngiti at sa wakas ngumiti si Sebastian sa akin kasabay ng paglalahad ng kamay niya. "Hello" mahinang pagbati ko habang hawak ko ang kamay niya. Sa wakas! Nahawakan ko rin ang malambot niyang kamay.

"Bakit kayo magkasama?" tanong ni Rowie. Bumitiw tuloy si Sebastian. Tsk. Gusto kong amoyin ang kamay ko!

"President din kasi siya ng section nila. May meeting kaya ang officers. Ikaw ha! Malapit ka nang ma-impeach! Hindi ka pa uma-attended ng general meetings!"

"Bababa naman na ako sa puwesto. Hindi ko naman ginustong maging Treasurer."

"No! Ako na ang bahala sa mga meetings. Basta hindi ka aalis. Naku! Paano na lang kung wala ka?" bawi niya.

"Asus! Kayamanan ko lang ang habol mo. Alam mo kasi na wala akong interes sa kaban ng klase. Kaya ko ring punan ang kakulangan ng budget. Ini-spoil mo mga classmates natin niyan."

Habang abala sa sila sa pagkukwentuhan, heto ako at hindi mapakali. Ang lalaking matagal ko nang hindi nakikita, ang taong dahilan kung bakit gusto kong mapansin ako, ngayon nasa harapan ko na. Ang cute niyang magpigil ng tawa habang nakikinig. Sa paningin ko, naliligiran siya ng maraming puso!

"Hoy. Divina!"

"Huh. Ha?" naguguluhang tanong ko.

"Sabi ko bumili na tayo ng pagkain." Gusto kong sigawan si Rowie sa pambubulabog niya sa imahinasyon ko pero di ko magawa dahil nakatingin si Sebastian.


"Alis na rin kami."

Nagpaalam ang dalawa. Kahit magkaiba kami ng direksyong pupuntahan, naiiwan ang mga mata ko sa likod ni Sebastian.

***
Weekend na naman. Dito sa park namin napagpasyahang gumawa ng projects.

"Divina. Psst!" Nagkunwari akong walang naririnig.

"Ano ba Divina Grasya!" Matatalim na titig ang pinukol ko kay Rowie na nambabato ng pop corn.

"Ano rin ba Rowie! Ang gulo mo, may binabasa ako!"

"Tingin ka roon. Dali!" nguso niya. Sinilip ko naman ang tinuturo niya. Nakita ko ang lalaking naglalakad sa 'di kalayuan.

Nagtama ang mga tingin namin ng lalaki, bigla siyang napayuko at nagkamot ng ulo. Tumingin siya sa malayo.

"O? Anong meron?"

"Kanina ko pa siya napapansing pabalik-balik.  Tapos titingin sa iyo. Look at him. Guwapo hindi ba? Mukhang type ka niya."

Nagkibit-balikat lang ako at tumingin muli sa sinasagutang papel. "Hindi ko siya type. Huwag din tayong judgmental, baka may hinahanap lang na tao at kamukha ko."

"Wow ha, ang haba ng hair. Snob ka na ngayon bes? Dati, kapag may lumapit ini-entertain mo pa."

"Bakit mukhang tuwang-tuwa ka? Mas mahalaga ang pag-aaral." Hindi siya mukhang disappointed, nakangiti pa nga.

Nagtaka ako nang wala na akong marinig na sagot mula sa kaniya. Usually, hindi ito tumitigil sa kakagulo sa akin. Sinilip ko siya.

"Bakit? Nawalan ka ba ng 500?"

"Mas mahalaga pa sa pera." Nakatulala niyang wika.

"Naka-drugs ka ba? Anong nangyari sa'yo?"

"I'm just recording memories in my mind." 

Naningkit ang aking mga mata. Isang ngiti ang pinakawalan niya subalit hindi ko madama na ayos lang siya.

"Walang permanente sa mundo hindi ba? Remember this Divine, meeting you is one of the happiest thing that happened in my life."

Hindi ko maintindihan ang sarili pero biglang kumabog ang aking dibdib. "Rowie? Sabihin mo nga sa akin, iiwan mo na ba ako? May jowa ka na ba at i-aabandona mo na ako?"

"Silly." Tumawa siya ng malakas ngunit alam ko na peke ito.

Fall With Me, Jowa Please! (#RomcomObli2020) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon