Chapter 16

4.4K 89 3
                                    

Halos wala kaming free time ni Lyka dahil sa sobrang tight na sched namin. Since naka rest lang si Cheska, mas humirap pa ang trabaho namin.

Asa isang event kami ngayon, it's a fashion show at asa tabi ko lang si Lyka habang nag kokomento tungkol sa mga lalaking rumarampa.
Samantalang kanina ko pa gustong lumabas, pakiramdam ko nasusuffocate ako sa mga titig na ibinibigay saamin ng mga lalaking kasamahan sa show.

Lyka threw a glance at me, ng mapansin niya ang madalas na pag buntong hininga ko
" hey, sabi ko naman sayo gurl hindi mo na kailangang sumama"

"Lyka kaya ko to. It's about time na masanay na ako sa crowded na lugar"

May pagdududa pa siya saakin pero kalaunan ay tumango din.

"Ikaw bahala. Basta kalabitin mo nalang ako pag gusto mo ng umuwi, uusisahin ko muna tong mga namumutok na abs sa harapan natin"

Umiling nalang ako. Sa totoo lang kanina ko pa gustong tumakbo palabas, lalo na ng malaman kong kakaunti lang ang mga babae na aattend sa fashion show na to.
If only Ivan's in here. Gusto ko sana siyang tawagan kaso aksidenteng nakita ko kahapon sa schedule niya na busy siya ngayong araw.

Huminga ako ng malalim at nag focus sa mga rumarampa. I clasped my hands tight.

You can do this Adi. It's about time to get rid of that fear.

Halos nakumbinsi ko na ang sarili kong kaya kong tiising ma expose sa iisang lugar kasama ang maraming lalaki pero ng bumaling ako sa right side ko, muntik ng bumaliktad ang sikmura ko ng may kumindat sakin sabay dila sa bibig niya.

That old geezer! Nakakadiri!

Iniwasan ko nalang tumingin sa bandang yon.

Nang nag vibrate ang cellphone ko sa bag, ginawa ko na yong excuse para lumabas. Sinenyasan ko si Lyka na lalabas lang ako saglit.

Automatikong napangiti ako ng makita ko ang taong tumatawag. It's Ivan!

"Ivan!" bati ko agad ng makalayo na ako sa venue. Umupo ako sa bench at nagtanggal ng high heels.

Sa wakas! I'm alone at last. No annoying guys and some maniac old geezer.
Malamig sa labas kaya halos napa manginig pa ako.




"Hey. How's your day... My Girlfriend"

Natahimik ako sa baritonong boses niya, mukhang napansin niyang inibahan ko ang pangalan ko sa phone niya.

But oh gosh, Why does his voice sound good to my ears.

"Okay lang, except for some irritating na lalaki sa venue"


Napa tawa siya.
"You seem to hate guys so much"

I massaged my feet lightly.
"Hoy hindi ah! Mahal na mahal nga kita eh"


Natahimik ang kabilang linya. Kaya naman nag salita uli ako.

"Relax Doctor, you dont have to say a word. Atleast let me know that you're smiling whenever you hear me say those words"

Hayss , things I do for the man I love. Nagiging martyr ako.

" Well, then you should know that I'm smiling right now. And I like you too Adi"

Napalunok ako. He likes me? Surely nagkamali lang ako ng rinig right?

" If it makes you uncomfortable then hindi ko na uli sasabihin yon sayo"

DOCTORS: Ivan DashwoodWhere stories live. Discover now