Chapter 1

3.4K 221 0
                                    

[Kaythelyn's POV]

Nanatili parin ako nakaupo habang nakapikit,ng maramdaman kung wala na sila, saka lumabas ang luba ko na kanina pa gustong lumabas, tuloy tuloy yun na nagdaloy sa pisngi ko.

Hindi ko alam na ganito pala ka worst ang school na ito, hindi ko ini-expect na ganito ang mangyayari sa akin sa unang araw ng pagpasok ko sa school na ito.

Wala naman kase akong ginawang masama eh, bakit ganito kahirap magaral dito, require ba dito na magaral kasama ang mga ganitong sakit sa katawan, ang sakit ng balakang ko at panga ko, feeling ko papasa yung panga ko dahil sa pagkakahawak nya.

Napasama ata yung pagbagsak ko sa sahig kanina, patay ako kay kuya pag nalaman nya ito.

Unti unti akong tumayo, humawak ako sa upuan para suportahan ako, kung sakaling mahulog ako sa sahig.

May pumapasok na ibang studyante dito para sa next subject, kaya mas binilisan kong gumalaw, kinuha ko ang bag ko at isinakbit yun sa balikat ko,nasa pintuan na ako para lumabas ng bigla na naman may bumunggo sa akin.

"Fvck!! Ang sakit!!"sigaw ko dahil sa sakit ng balakang ko, napaluha ako pero agad kung pinunasan yun, ilang beses paba ako mahuhulog sa sahig ngayun araw na ito.

"Miss sorry, ayos ka lang ba?"Sabi nito sa akin at tinulungan ako tumayo,pinilit kong tumayo pero hindi ko talaga kaya, pinagtitinginan na naman kami ng studyante dito.

Kung sa bagay ampogi naman kase ng nakabangga ko eh, siguro badboy din ito dito.

"H-hindi ko kayang tumayo"nahihiya kung sabi dito.

"Tara hatid na kita sa clinic"sabi nito at balak ata akong buhatin, pero pinigilan ko ito.

"A-anong gagawin mo? Hindi na kailangan"sabi ko sa kanya, pero itinuloy nya parin ang pagbuhat sa akin.

"Oy ano ba ibaba mo nga ako, baka kung anong sabihin ng iba"sabi ko sa kanya.

"Don't mind them, isipin mo nalang na bayad ko ito dahil sa pagbangga sa iyo"sabi nito at nagpatuloy sa paglalakad, pinagtitinginan na kami ng mga studyante na masasama ang tingin sa akin, isinubsub ko ang sarili ko dibdib nya, para takpan ang mukha ko, wala na akong pake kung anong isipin nya.

Bigla naman nagtilian ang mga babae sa hallway,hindi ko makita kung sino ang tinitilian nila, nacucurious ako.

"Ang Black red gang group"rinig kung sabi nung lalaking buhat buhat ako, nakasubsob lang ako sa dibdib nya.

"Sino yun?"curious na tanong ko.

"Sila ang sikat na basketball player at sikat na badboy dito sa school,at sikat na gangster,ang pinakaleader sa kanila ay si ezekiel"sambit nito na ikinagulat ko, sana hindi ko nalang sya nakilala.

Pero nalilito ako sa sinabi nya sa akin kanina, sana hindi nalang ako dumating saan?.

Malapit na kami sa groupo, nararamdaman ko ang presence nila malapit na kami doon.

Pero parang walang paki itong lalaking kung sino ang dadaanan namin, pagkalapit namin sa group, ramdam ko ang titig nilang lahat sa amin lalo na sa akin, kaaya mas lalo kong ibinaun ang ulo ko sa dibdib ng lalaki.

My Childhood Friend is A Gangster Where stories live. Discover now