Chapter 20

1.8K 127 42
                                    

PLEASE READ!

Hi guys! Sorry sorry talaga kung ngayon lang ako nakapagupdate huh.

Pano kase dapat nung nakaraang araw pa ako maguupdate pero bigla may nadelete ako na part kaya gumawa ulit ako.

Sorry talaga guys huh, kung hindi lang talaga nadelete yung ibang part meron na sa na akong update nung nakaraang araw.

Sorry again, please forgive the author :(

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*

Kaythelyn's POV

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko,agad naman tumakbo si yvonnie papalapit sa taong nakahiga sasahig sa harap ng pinto namin.

May dugo sa kamay nito at saka may bahid na dugo rin ang mga labi at ilong, putlang putla rin nito, at hindi gumagalaw.

A-anong nangyari?

"Kaythelyn tulungan mo ko,dalhin natin sya sa hospital"tawag sa akin ni yvonnie, pilit kung gustong gumalaw pero hindi ko magawa, at unti unti tumulo ang luha ko.

Nakaramdam nalang ako ng may umuuga sa ng balikat ko na akala mo ay ginigising ako, nakita ko yvonnie na umiiyak narin.

"Kaythelyn ano ba! Kung hindi ka kikilos mamatay si kite!"sigaw nito sa akin, kaya agad akong natauhan.

Oo tama kayo ng narinig, si kuya kite ang lalaking nakadapa sa sahig namin at may dugo sa bibig at ilong at kamay.

Patakbo akong lumapit kay kuya at saka pinatong ang ulo nito sa hita ko, habang patuloy parin ang pagluha ko, anong nangyari sa kanya.

"Y-yvonnie ang gagawin natin?"tarantang tanong ko, hindi ko alam ang gagawin ko basta ang nasa isip ko lang ngayun ang kalagayan ni kuya.

"T-tatawag ako ng ambulance dyan ka lang"sabi nito habang umiiyak din sya,at saka pinindot ang cellphone.

"Kuya anong nangyari sayo?"sabi ko habang hinihinas ang pisngi nito at putuloy parin ang pagiyak ko.

Putlang putla ng labi nito pero may bakas na dugo,hindi ko alam kung sasabihin ko ba ito kila mama at papa pati narin kay tita, natatakot akong baka masyado silang magalala.

"Kaythelyn,pupunta na daw sila, mga ilang minuto lang"sabi nito at saka lumapit sa akin at niyakap ako habang si kuya nasa hita ko parin.

"Shh,kaythelyn, everything will be alright"sabi nito habang hinahaplos ulo.

"Hindi ko alam yvonnie kung magiging ayos pa ang lahat, bakit ba ganito ang nangyayari sa akin, sa amin"sabi ko habang umiiyak parin.

Ilang minuto ang lumipas at may narinig na kaming tunog ng ambulansya at saka doon din bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang mga nurse, agad nila kinuha si kuya.

Kinuha ko muna ang cellphone ko, bago ako sumunod, sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko.

Agad kaming nakapunta sa hospital at ipinasok si kuya sa emergency room, at ako ay walang tigil sa pagiyak,hindi pa ako nakakapagpalit ng damit,ganun din si yvonnie.

"Kaythelyn wait lang tatawagan ko lang si kuya lumine para pumunta dito"sabi nito pero hindi ako sumagot, nagdadasal lang ako na sana ok lang si kuya.

Ilang sigundo ang lumipas at saka bumalik si yvonnie at umupo sa tabi ko.

"Papunta na daw si kuya"sabi nito at saka hinimas ang likod ko.

"Y-yvonnir pano kung may mangyaring masama kay kuya? Pano kung iwan nya ako? Pano kun-"hindi ko pa tulugan natatapos ang sasabihin ko ng hawakan nito ang pisngi ko na may mga luha.

My Childhood Friend is A Gangster Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin