Chapter 9

2.2K 138 8
                                    

Please vote and comment, para update agad.

Bukas ko nalang uodate yung isang chapter, may inaayos pa kase ako, thank you.

Follow nyo na rin ako

Kaythelyn's POV

"Hi ate"sabi ng biglang yumakap sa aking binti, agad naman akong napangiti ng makita ko ang isang batang babae sa binti ko.

"Hello, anong pangalan mo?"sabi ko dito at saka lumuhod para maging magkapantay kami.

"My name is alexis Joy, ikaw po?"nakangiting sabi nito sa akin.

"Ako si ate kaythelyn"sabi ko dito at saka kinurot ang pisngi nito.

"Ano ka ba naman alexis di ba sabi ko sayo, wag kang lalabas, gagalitan ako nito ni mommy eh!"biglang sabi ng lalaking hingal na hingal kakatakbo, kaya agad akong napatingin dito.

Natawa ako sa suot nito, baliktad ang pagkakasuot ng damit, na halatang nagmamadali magbihis, tapos gulo gulo ang buhok at iisang tsenilas lang ang suot.

"K-kaythelyn, hindi ko alam na pupunta ka dito sa bahay"nahihiyang sabi nito, tumawa lang ako.

"Hindi kaba marunong magbihis ng ayos?"tumatawang sabi ko dito na lalong ikinapula ng mukha.

"Kamusta kana lumine?"pagiiba ko ng usapan.

"O-ok lang naman, sorry kung nakita mo akong ganito, nagmamadali kase akong habulin si alexis, baka kase masagasaan paglumabas nya eh"sabi nito at napakamot sa batok at saka tumingin kay alexis ng masama na parang sinisisi ito kung bakit ganun ng ayos nya, tumawa nalang ako ng magtago si alexis sa likod ko.

"Si alexis ka nga pala, bunsong kapatid namin ni yvonnie"sabi nito, nagpauna naman ako maglakad habang akay si alexis.

"Ilang taon na sya?"nakangiting tanong ko.

"She's 5 years old"sabi nito habang nakasunod sa aming maglakad, tumango nalang ako, ano kayang madadatnan ko sa bahay.

"Nalaman ko ang nangyari sayo kanina, ok kana ba?"sabi nito na ikina tigil ko.

Lumuhod ako sa harap ni alexis.

"Alexis pwede bang mauna kana sa loob, may paguusapan lang kami ng kuya lumine mo"nakangiting sabi ko at ginulo ang buhok nito, agad naman itong tumango at tumakbo papasok sa bahay nila, una na si yvonnie sa loob.

Agad akong humarap kay lumine na nakangiti.

"Oo ok na ako, hindi naman ako gaanong nasaktan eh"pilit na ngiti ang ibinigay ko sa kanya,pagnaaalala ko ang nangyari sa akin kanina, naiiyak ako.

"Alam na ba ng kuya mo to?"makikita mi ang pagaalala sa mga mata nito, tumungo ako dahil nagbabadya na naman ang luha sa akin, kinagat ko ang labi ko at saka huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili ko.

"Oo alam nya, alam na alam nya, kitang kita nya pa nga eh"hinarap ko sya na may pilit na ngiti sa aking labi, kahit alam kong kunti nalang tutulo na luha, umiwas ko ng tingin sa kanya.

"What do you mean?"nalilito nitong sabi, huminga ulit ako ng malim at saka tumingin sa kanya sabay iling.

"Wala, wag mo nalang pansinin ang sinabi ko"sabi ko at saka inabot ang ulo nito sabay gulo, habit ko kase ang ganun,lalo na sa mga bata,pumula naman agad ang mukha nito kaya natawa ako, cute.

"Nakita ba ni kite ang ginawa sayo ng mga yun? Pero bakit hindi ka nya pinagtanggol?"naguguluhan nitong sabi, tumawa nalang ako para itago ang sakit na nararamdaman ko.

My Childhood Friend is A Gangster Where stories live. Discover now