Chapter 21

1.2K 78 31
                                    

Kaythelyn's POV

Nagising ako sa sinag ng araw, kaya agad akong napabangon dahil naalala ko si kuya.

Doon ko napagtanto na nasa sofa na ako, teka hindi naman ako natulog dito kagabi ah,inilibot ko ang paningin ko.

Nakita ko si kuyang nakatayo sa harap ng bintana at nakatingin sa labas,agad akong tumayo at saka lumapit sa kanya.

"O-ok kana ba kuya? May masakit ba sayo?"tanong ko dito, hindi naman sya tumingin sa akin.

"Oo,maligo kana ng makapasok ka sa second subject mo"utos nito, late na pala ako, malapit ng matapos ang first subject ko, pero ayaw ko syang iwan dito.

"K-kuya pwede bang dito nalang ako? Gusto ko kaseng bantayan ka dito"sabi ko dito,baka kase kung ano na naman mangyari sa kanya.

"Kaythelyn, hindi ako baby para bantayan pa, hindi ko kailangan ng tulong mo dito"masungit na sabi nito,napabuntong hininga nalang ako.

"Pera wala akong damit"sabi ko dito.

"Adyan sa lamesa dumaan na dito si lumine kanina dinala yang damit mo"seryoso nitong sabi at saka naglakad pabalik sa kama sya, inalalayan ko lang naman sya.

"Kumain kana andyan may dala si lumine"sabi nito at saka tumalikod sa akin.

"Kuya-"hindi ko na natatapos ang sasabihin ko ng biglang bumukas ang pinto at bumungad doon ang isang nurse na namumula ang pisngi at halatang kinikilig.

"M-mr. De leon good morning po, kailangan ko po kayong kunan ng dugo"sabi nito na kinikilig at hindi makatingin kay kuya,bigla naman nawala ang ngiti nito ng mapunta sa akin ang tingin nya.

Pero teka, bakit kailangan kunan ng dugo si kuya? Di ba sabi nila ezekiel napagod lang si kuya.

"Teka, bakit kailangan sya ng kunan ng dugo?"takhang tanong ko, mali ba ang pinasukan ng nurse na ito.

"Para sa-"hindi na natapos ng nurse ang sasabihin ng magsalita si kuya.

"Miss mali ka ata ng napasukan na kwarto,pwede ba bago ka kiligin dyan icheck mo muna kung sino yang pasyente mo"masungit na sabi ni kuya, bigla naman nanlaki ang mata ng nurse, at saka tiningnan ang papel na hawak nya.

"A-ahh ano po bang room number to?"nahihiya nitong sabi.

"Room 149 miss"sagot ko dito, nanlaki ulit ang mata nito.

"Pero ta-"hindi panatatapos ang sasabihin ng nurse ng magsalita ulit si kuya ramdam ang awtoridad dito.

"Pwede ba miss, bumalik ka nalang kapag sigurado kana kung sino yang pasyenteng kukunan mo ng dugo"maawtoridad na sabi ni kuya.

"O-ok po, babalik nalang po ako, sorry sa istorbo"sabi ng nurse at saka dali daling lumabas ng kwarto, napatingin naman ako kay kuya.

"Ano?!"galit na sabi nito ng makitang nakatingin ako sa kanya, grabe akala ko sa akin lang sya masungit pati rin pala sa iba.

Hindi nalang ako nagsalita at saka kumain nalang dun, habang sya busy sa panonood ng tv.

"Kuya kailan ka daw pwedeng lumabas dito?"tanong ko dito at inililigpit ang mga pinagkainan ko.

"Bakit ako ang tinatanong mo, ako ba doctor?"sabi nito at hindi manlang tumingin sa akin,napabuntong hininga nalang ako.

Bakit ba parang ang laki ng galit nya sa mundo,gusto ko sana magtanong pero natatakot ako, natatakot ako na baka lalo sya ng magalit.

Wala akong nagawa kundi ang maligo para pumasok kahit labag sa loob ko, ano ba naman kaseng magagawa ko,kung hindi ko sya susundin lalo sya ng magagalit sa akin.

My Childhood Friend is A Gangster Where stories live. Discover now