Chapter 4

2.5K 182 5
                                    


[Ethan's POV ]

Sinundan ko si ezekiel paglabas nya sa cafeteria, masama ang kutob ko sa nangyari sa kanya, umiepekto na yung allergy nya sa chocolate.

Pero bakit nya ba kase kinain yung chocolate cake, kung alam nya namang allergy sya.

"Pre ayos kalang ba?"sabi ko ng maabutan ko ito, humarap ito sa akin na halatang hindi makahinga.

"Wait, tatawag na ako ng ambulance"sabi ko at dial ang number ng hospital.

Pagkatapos kung tumawag nakita ko nalang sya na unti unting natutumba.

"Pre, wait lang, dadating narin ang ambulance, bakit kase kinain mo yung chocolate cake alam mo naman di bang allergy ka dun"nagpapanic na sabi.

Unti unti na itong hindi makahinga kaya lalong nadagdagan ang kaba ko.

"Pre, wag ka munang matutulog, pre gising lang"sabi ko pilit pinipigilan ang pagtulog nito.

Nagulat nalang ako ng bigla nyang hawakan ang pisngi ko, ano ba naman to si ezekiel, mamamatay nalang may pagnanasa pa sa akin,hinimas nya ang pisngi ko, at may sinasabi na hindi ko maintindihan.

"M-m-matagal.... K-kitang h-h-hinin.....tay.... K-k-kaythe........"hindi ko na maintidihan ang huling sinabi nito na parang may tinawag na pangalan pero hindi ko maintindihan, hanggang sa tuluyan na itong natulog.

"Oyy pre, gising!, wag kang ganyan!"sabi ko at tinatapik ang pisngi nya, sobrang kaba ang nararamdaman ko.

"Shit masama to!Tulong, tulongan nyo kami!"sigaw ko nagbabakasakaling may anghel na tumulong sa amin.

Buti nalang at may guard na nakakita sa amin.

"Kuyang guard tulongan mo ko!"sigaw ko at lumapit naman agad sya.

"Anong nangyayari dito?"tanong nito.

"Wag ka ng maraming tanong! Tulungan mo nalang ako! Dalhin natin sya sa ospital!"hindi ko mapigilan mapasigaw dahil sa panic at kabang nararamdaman ko.

Dali dali kaming pumunta sa parking lot habang nanginginig ang kamay ko dahil sa kaba, agad kung pinaharurut ang kotse ko papuntang hospital.

"Ezekiel hold on"sabi ko, at mas binilisan ang pagdadrive.

Pagdating namin sa hospital, sinigawan ko ang mga nurse dahil sa dami ng tanong nila sa akin, kesyo ano daw nangyari,kaya hindi ko mapigilan ang masigawan sila.

Pagkapasok sa emergency room ni ezekiel agad akong umupo, at saka dinial sila van at yenjie.

"Hello pre, what happen?"sagot ni van sa tawag ko.

"Nasa emergency room si ezekiel"sabi ko at napahilamos sa mukha ko.

"Saang hospital yan?"tanong ni van.

"Dito sa hospital namin"sabi ko, agad naputol ang tawag.

Dial ko din si yenjie.

"Hello dude,kamusta?"walang emosyon na sabi nito.

"Andito kami sa hospital namin, nasa emergency room pa si ezekiel"sabi ko sa kanya.

"Ahh ok, magiging ok din yun, ang masamang damo, matagal mamatay"sabi nito sa akin, napailing nalang ako.

"Sige pupunta nalang ako dyan"sabi nito at saka pinatay ang tawag.

Bakit nya ba kase kinain pa yung chocolate cale, gusto nya bang mamatay ng maaga, sabihin nyang ako na papatay sa kanya bweset sya.

My Childhood Friend is A Gangster Where stories live. Discover now