Chapter 7

2.2K 151 5
                                    

[Kaythelyn's POV]

Nagising ako dahil tumunog ang alarm ng cellphone ko,at nakita ko rin na may text, napangiti ako ng makita ko ang message nya.

Pero nawala din ang ngiti ko ng maalala ko ang nangyari sa amin ni kuya kagabi,bumangon nalang ako at sinilip ang kwarto ni kuya, pumasok ako doon at saka umupo sa tabi nya.

Hindi ko sya ginising pinagmasdan ko lang ang mukha ni kuya na puro pasa, ano bang nangyari sa kanya kagabi.

Aalis na sana ako ng bigla syang magsalita,kaya agad akong napatingin dun, pero nakita kung tulog parin sya.

"Mahal na mahal kita,patawarin mo ko sa lahat"sabi nito habang nakapikit ang mga mata,nananaginip siguro"patawarin mo ko kung hindi ko sinabi ang totoo,ayaw ko lang mawala ka ulit sa akin"sabi pa nito, ano bang sinasabi nya, ano kayang panaginip nya, nakikitang kong lumuluha na ang mga mata nito.

"Please wag mo na ulit akong iiwan, patawarin mo ko, mahal na mahal kita, please wag, wag kang sumama dyan sa lalaking yan!"sigaw nito at bigla nalang bumangon, napatingin sya sa akin kaya agad nyang pinunasan ang luha nito,at saka hinawakan ang ulo.

"Pano ko nakauwi kagabi? At saka bakit ka andito sa kwarto ko, lumabas ka nga"sabi nito sa akin habang hawak hawak ang ulo.

"Ok na ba yang p-pasa mo kuya?"tanong ko dito.

"Hindi mo ba ako narinig, sabi ko lumabas ka ng kwarto ko!"sigaw nito kaya napabuntong hininga nalang ako at bumalik sa kwarto ko, at nagayos para pumasok.

Sino kaya yung sinasabi nya sa panaginip nyang mahal na mahal nya? Siguro girlfriend nya yun, at saka ano yung sinasabi nya kagabing inagaw sa kanya lahat nung sinasabi nyang kalaro ko.

Ano ba nangyari kay kuya habang nasa probinsya ako, napakalaki ng pinagbago ni kuya,feeling ko hindi sya yung kuya ko.

Nag-ayos na ako ng sarili para makapasok na sa school, isasabay kaya ako ni kuya pagpasok ko.

Lumabas na ako pagkatapos kung nagayos ng sarili,thursday na pala ngayun,kamusta kaya si ezekiel, papasok kaya sya ngayun, pag nakita ko talaga sya mapapatay ko yung lalaking yun, bweset sya.

"K-kuya papasok ka po ba?"magalang na sabi ko dito ng makita kung hindi pag nag-aayos.

"Bakit hindi ka ba makakapasok ng hindi ako kasabay?mauna ka na!"sabi nito at pumasok na ng kwarto nya.

Bagsak balikat akong naglakad pababa ng building,hindi ko alam kung ilang beses na akong napabuntong hininga.

Ano kayang problema ni kuya? Alam kung marami sya ng pinagdadaanan pero sana naman wag nyang kakalimutan na handang akong makinig sa problema nya.

Pagkababa ko sa taxi agad akong pumasok sa campus, habang naglalakad ako biglang tumunog ang cellphone ko, napangiti ako ng makita ko kung sino ang tumatawag.

"Hello?"excited na sagot ko.

"Hello, kamusta kana kaythelyn? sorry ngayun lang ako nakatawag huh, may nangyari lang kase nung mga nakaraang araw"sabi nito sa akin.

"Bakit may problema ka ba? Sabihin mo sa akin, andito lang ako handang makinig sayo"mahinahon kung sabi sa kanya.

"Wala, wag mo nalang isipin yun, ok na rin naman, basta lagi kang magiingat dyan huh? Alam mo namang ayaw na ayaw ka namin masasaktan, basta pag may problema andito lang ako"sabi nito sa akin,kaya agad akong napangiti,miss na miss ko na sya, silang lahat.

"Oo naman, mahal din kita, kayong lahat dyan, ingat kayo, sige na kailangan ko na pumasok, basta tawag kalang kung may problema ok? I love you!!!"sabi ko dito na ikinatawa naman nya.

My Childhood Friend is A Gangster Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon