Chapter 13

2.3K 119 18
                                    

Kaythelyn's POV

Lumipas ang sabado at linggo ng hindi manlang kami nagpapansinan ni kuya.

Pag lalabas ako ng kwarto doon naman sya papasok sa kwarto nya pagnasa sala sya, at sa tuwing kakain ako, hindi sya sumasabay sa akin at mas pinipiling lumabas nalang ng building at uuwi pag nakasigurado na syang tulog na ako.

Well ok na rin kesa sa magaway kami araw araw,mas hindi ko matatanggap kong patuloy kaming magaaway tungkol sa mga walang kwentang bagay.

"Girl what do you want to eat?"sabi ni yvonnie sa akin, kaya napatingin naman ako sa kanya.

"Kahit ano nalang, tinatamd din kase ako kumain eh"matamlay na sabi ko, mula ng mangyari nung friday ang eksena, lagi na akong walang gana.

Naging normal narin ang pagpasok ko sa una at pangalawa kung subject, hindi ko pinansin sila ezekiel at lumipat narin ako ng i ang upuan para maiwasan lang sila.

"Ano kaba naman kaythelyn, you need to eat, sige ka magtatampo ako sayo"nakapout na sabi nito sa akin, kaya napangiti naman ako sa kacutetan nya.

"Oyy ngumiti na sya, ayieee"sabi nya sa akin habang tinutolduk ang tigiliran ko.

"Oo na sige, kahit ano basta libre mo huh?"sabi ko dito sabay kindat sa kanya, agad naman itong tumakbo para umorder ng pagkain namin.

Nakatingin lang ako sa labas ng cafeteria,may nakikita akong nagtatawanan, nagkukulitan at yung iba kinikilig habang kaholding hands ang mga jowa nila.

"Oh bakit mag isa kalang? Asan si yvonnie?"napatingin ako sa taong nagsalita sa harap ko, hindi ko napansin ang paglapit nito dahil busy ako sa pagtingin sa labas.

"Ahh umoorder lang si yvonnie ng pagkain namin, ikaw bakit ka andito? Wala kabang ibang kaibigan para sabayan sa pagkain?"nakataas kilay kong sabi dito na ikinatawa nya lang, at inilapag ang tray sa table namin ni yvonnie.

"Bakit, porket ba sasabay ako sa inyo ibig sabihin wala na akong kaibigan, hindi ba pwede nagsasawa lang ako sa mga chaka kung mga kaibigan"biro nito na ikinatawa ko, baliw din pala ang lumine na to.

"Hi i'm back-"natigilan ito ng makita kung sinong nakaupo sa table namin at sabay taas ng kilay"at ano namang ginagawa mo dito kuya? Hindi ka bilong dito, chupe umalis ka na! Ang chaka mo"sabi nito habang iniirapan ang kuya nya, pero parang wala itong narinig.

"Don't disturb me, don't you see i'm eating duh, and FYI me too, i don't want to see your gurang face, eww"irap din ni lumine sa kapatid nya, natawa naman ako sa dalawa, mas mataray pa si lumine kay yvonnie.

Sana ganito din kami ni kuya, kahit ganitong pakikitungo sa isa't isa ramdam na ramdam mo ang pagmamahal nila sa isa't isa, sana kami rin.

"Hoy sinong sinasabi mong gurang? Eh mas matanda ka nga sa akin pero grade12 ka palang,so now tell sino ang mas gurang sa atin dalawa me or your chaka face Ha!"pikon na sabi ni yvonnie kaya agad sya pinagtinginan ng mga studyante.

"Do whatever you say Lola yvonnie, i'm lessening"sabi Ni lumine habang patuloy sa pagkain

Magsasalita pa sana si yvonnie ng lagyan ko ng fries ang bibig nya na kinuha ko sa pagkain ni lumine,agad naman itong napatingin sa akin ng masama.

"You better shut up now, masyado ka ng nakakakuha ng atensyon ng mga kumakain dito, sit here"sabi ko at tinap ang bangko na katabi ko.

Nagsimula na kaming kumain ni yvonnie, nagtaka naman ako, dahil lunch pero fries, burger, at kung ano ano pa kinakain ni lumine.

"Bakit iyan ang kinakain mo, bakit hindi ka kumain ng kanin?"takang tanong ko dito habang ngumunguya.

"I'm on deit"sabi nito, deit? Eh ang dami dami ng inorder nyang pagkain.

My Childhood Friend is A Gangster Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon