Chapter 6

2.4K 192 15
                                    


Please vote and comment po, sorry kung matagal update  HEHEHE

Kaythelyn's POV]

Lumipas ang oras at namalayan ko nalang na lunch na pala, nagtext sa akin si yenjie kanina na hindi daw nila kami makakasabay sa pagkain, dahil sa labas sila ng campus kakain.

Well sino bang may gustong sumabay sa kanila noh, hindi ko naman pinangarap na makasabah ang mga heartrob na katulad nila dito sa campus.

Kaya nga yung lunch ang kasabay ko lang ay si Yvonnie.

"Girl,what do you want to eat?, my treat"sabi nito sa akin na ikinatuwa ko,kahit tatlong araw palang kaming magkakilala ni Yvonnie napaka comportable ko na sa kanya, parang katulad lang kay van.

"Ikaw na bahala,kahit ano naman kinakain ko, basta wag lang yung may chocolate"sabi ko sa kanya habang nakangiti, agad naman kumunot ang noo nito.

"Why? Hindi mo ba gusto ang chocolate? Ano ka ba girl, favorite ko kaya yun"sabi nito sa akin.

"Ah kase allergy ako sa chocolate eh"sabi ko sa kanya,na agad naman nyang ikinagulat.

"Seriously girl? Pareho pala kayo ni ezekiel, ang alam ko kase allergy rin sya sa chocolate eh, kung hindi mo kase natatanong, stalker ako dati ni ezekiel, lahat inalam ko sa kanya noh"sabi nito sa akin, agad naman akong may napagtanto sa sinabi nya.

"A-allergy si e-ezekiel sa c-chocolate?"hindi makapaniwalang kong sabi, agad naman itong tumango kaya agad akong napatayo.

Nababaliw na sya, nababaliw na talaga sya, dapat di nya ginawa yun, bakit kinain nya parin, kaya ba namumula sya kahapon at hirap makahinga dahil sa epekto ng allergy nya, baliw na sya, ako talaga papatay sa kanya, bweset sya.

"Oyy girl, where are you going na naman?!"sigaw ni Yvonnie sa akin, dahil tumakbo ako palabas ng cafeteria, at dali daling dinial ang contact number ni yenjie.

Pero walang signal, shit pano nato wala na akong ibang contact sa kanila, papatayin ko talaga yung lalaking yun pagnakita ko sya, gusto nya ba mamatay ng maaga, magsabi lang sya ako nagagawa para sa kanya, bweset talaga sya.

Hindi ko parin matawagan ang number ni yenjie, bweset naman.

Wala narin akong nagawa kahit ilang minuto ang lumipas hindi ko parin matawagan si yenjie, hanggang sa next subject ko nalang ulit.

Buong maghapon tulala ako, bakit kinain nya pa kung alam nyang may allergy sya sa chocolate, baliw na ba sya? Papatayin ko talaga sya sa oras na may mangyaring masama sa kanya, bweset sya, idadamay nya pa ako, sa kabaliwan nya.

Hanggang sa magdismissal hindi ko na contact si yenjie, at hindi ko rin sila nakita maghapon, kaya nadoble ang pagaalala ko, baka may nangyari ng masama kaya hindi na sila nakabalik ng school.

Papalabas na ako ng gate at doon lang ako natauhan ng may isa ka pala akong problema, si kuya, hanggang ngayun hindi parin kami ayos,tamang nakita ko pa ang kotse nya sa parking lot kaya naghintay ako dun.

Sobrang boring na boring ako kakahintay, kung ano ano na pinaggagawa ko, pero wala prin si kuya,isang oras ang lumipas, at saka doon lang dumating si kuya, bakit parang ang tagal tagal naman nya ngayun, hindi naman ganito schedule nya ah, minsan nga nauuna ka sya sa akin.

"K-kuya-"hindi ko na natatapos ang sasabihin ko ng lampasan ako nito na parang hangin lang.

"Anong ginagawa mo dito? Umuwi kana"sabi nito sa akin at binuksan ang kotse.

"K-kuya tungkol nga pala sa nangyari k-kagab-"hindi ko na ulit natutuloy ang sasabihin ko ng magsalita ulit ito.

"Umuwi kana, may pupuntahan pa ako, kung ayaw mong umuwi, dyan ka nalang hindi na kita pipilitin umuwi, dyan ka magdamag tapos pumasok ka ulit ng hindi nagpapalit ng damit,mula ngayun humanap ka ng bago mong kuya"sabi nito sa akin at saka tuluyan pumasok sa kotse nito at pinaharurut ng mabilis ang sasakyan nito.

My Childhood Friend is A Gangster Where stories live. Discover now