Chapter 3

2.6K 181 0
                                    


[Kaythelyn's POV ]

 
Napaupo ako ng tuwid, at tumungo,dahil sa pagkabigla, anong ginagawa nya dito, salubong na salubong ang kilay nya at masama ang tingin sa akin.

"Bakit andito ko? Di ba may klase?"biglang tanong nya, sinalubong ko ang tingin nya, na ngayun ay medyo bumabalik na sa dati.

"Bweset kase yung demenyo mong kaibigan eh! Akala mo naman ang laki laki ng atraso ko sa kanya, kaya ayon nag walk out nalang ako"inis na sabi ko, at oo tama kayo, ang lalaking kaharap ko ngayun ay walang iba kung hindi ang isang lalaking mukhang anghel sa paningin ko..... Si ethan.

Hindi ko sya nakilala dahil sa aura nya kanina, nakakunot ang noo, gulo gulo ang buhok, at masama ang tingin sa akin.

"Hahaha.. Oo nga eh, narinig ko pa nga yung sabi mo sa prof na, sa impyerno, bakit sasama ka?"panggagaya nito sa akin at tumawa,natulala na naman ako sa tawa nya, shock bakit parang angel sya.

"Alam mo bang wala pang nakakasagot sa prof nayun maliban kay ezekiel at ikaw" sabi pa nito at tumawa ulit, parang kanina lang, parang galit na galit sya ngayun tawa naman ng tawa, naka shabu ba to"ang tapang mo naman"pahabol pa nito.

"Well, hindi na iba sa akin yun, ganun ako sa school na pinagmulan ko,halos lahat na ata ng teacher nasagot ko dun, at maraming beses na rin ako na guidance"proud pang sabi ko, nagulat naman sya sa sinabi ko.

"Seryoso? At proud ka parin nyan huh"sabi nito at tumawa ulit,seryoso ano bang nakakatawa sa sinasabi ko" alam mo bang ikaw lang ang babaeng nagkwento sa akin nyan, ang tapang mo naman, kaya pala wala kang takot na ganun ganunin nalang si ezekiel at alam mo din bang ikaw lang ang babaeng gumanun kay ezekiel,wala kaseng naggaganun sa kanya,lagi kase syang pinagkakaguluhan dito sa campus"sabi nito at ngumisi at nagpailing iling.

"Bakit nakasali na sa usapan natin si satanas? At ano namang pake ko sa lalaking yun"sabi ko sa kanya na agad ikinakunit ng kanyang noo.

"Huh? Sinong satanas? Wala naman anong sinabi na satanas ah"sabi nito sa akin habang nakakunot noo.

"Bakit, si ezekiel ba hindi satanas, diba demenyo naman yun"sabi ko sa kanya, na sya naman ikinahagalpak ng tawa nya, baka nakakalimutan nya nasa library kami, hello.

Doon ko lang namalayan na ang sasama pala ng tingin sa akin ng mga studyante dito sa loob ng library, anong problema nila.

"Tara na nga mag lunch na tayo"sabi nito at hinila ako.

"T-teka lang, may isang subject pa ako"sabi ko habang pinipigilan sya.

"Hindi mo ba alam kung anong oras na, lunch break na, kanina ka ba kaya tulog sa library, siguro mga isang oras"sabi nito sa akin.

"Seryoso? Pero feeling ko ang bilis bilis lang nun, nabitin ako dun sa panaginip ko"sabi ko, at naalala ko na naman yung dalawang bata at si kuya.

Pero bakit wala talaga akong maalala na nangyari yun nung bata ako? Bakit wala akong matandaan na may matalik akong  kaibigan na tulad dun sa panaginip ko.

So kung ako nga yung bata sa panaginip ko, ibig sabihin wala na akong firstkiss?, pero imposible baka panaginip ko lang talaga yun, at hindi naman talaga totoong nangyari.

"Kaythelyn, ok kalang ba? Kanina kapa tulala ah"nabalik ako sa realidad ng marinig ko ang boses ng bebe ko, char.

"Ah wala lang to"sabi ko sa kanya at nginitian sya.

"Narinig kung umiiyak ka kanina,habang tulog, ano bang panaginip mo?"curious na sabi nito.

"Ah wala, wag mo nalang akong pansinin"sabi ko at ngumiti sa kanya.

My Childhood Friend is A Gangster Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon