PROLOGUE

915 19 0
                                    

REMINDERS:

This story is a work of fiction. Any names, characters, place, events, or business is a part of the author imagination. It contains violence and crime so please be aware. I have some typo kaya sana unawain niyo na lang dahil aayusin ko rin naman po ito pagnatapos na.

A story that blows your mind and play your imagination.

*******************

Athena's Point Of View

NAPAUPO NA lamang ako sa sofa habang pinapanood ang paborito kong palabas. Kanina ko pa tinetext si Lans pero wala pa rin akong natatanggap na reply galing sa kanya. Halos nakaramdam na ako ng pagkabagot dahil mahigit ilang oras na ang text ko sa kanya pero wala pa rin siyang reply. Ang totoo niyan ay inimbitahan niya ako sa celebration ng pagkapanalo ng team nila sa isang laro. In what game? Mobile Legends. Hindi rin ako makapaniwala na napaka-big deal pala sa kanila ang larong iyon.

Napatingin ako sa pinto nang biglang bumukas ito at niluwa niyon ang taong kanina ko pa hinihintay habang may dala itong pagkain. He knows my favorite. "Float?" Ngiting tanong ko na kinatango niya. Mabilis kong kinuha sa kamay niya ang pagkain at binuksan kaagad ito. Tila naglaho ang inis na nararamdaman ko sa kanya dahil sa dala niyang pagkain. Siguro kung wala lang siyang dala ay baka nasigawa ko na siya sa inis. 

"Gutom na gutom? Parang hindi pinapakain ah." Natatawang aniya.

"What ever." Sagot ko dito kasabay ng pag-irap.

Nilantakan ko agad ang fries na binili niya para sa akin. Si Lans ay isa sa mga kaibigan ko since high school. Makulit na nilalang ang lalaking iyan at hindi ko ba alam bakit naging kaibigan ko 'yan eh puro laro lang ang nasa isipan. Kahit nga paggawa ng mga project ang tamad-tamad.

"Kamusta? Mamaya na ba ang party?" Tanong ko habang abala sa pagkain.

"Yup, kaya isasama kita mamaya." Saad nito. Kukuha na sana ito sa pagkain ko ng mabilis kong hinampas ang kaniyang kamay.

"This is mine Lans bumili ka ng sa'yo." 

"Wow, parang ikaw ang bumili ah." Kasabay ng pagtawa nito na tila hindi makapaniwala.

Napairap na lamang ako hanggang sa mabilis na inubos ang pagkain. Abala kaming dalawa sa kakapindot ng phone ng biglang tumawa si Lans dahilan para makunot ang noo ko. Kasi kung makatawa siya halos maglumpasay na sa tabi ko.

"Why are you laughing?" Tanong ko dahilan para mapatingin siya.

"Look, hindi ko alam na sumasayaw ka na pala?" Natatawang sambit nito. Halos manlaki ang aking mata ng makita ang video na pinagtatawanan niya. Ako lang naman ang nasa video habang sumasayaw na parang tuod at ang hindi ko lang matanggap ay pinost ni mom sa instagram ang video. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa sa nasasaksihan. "Samuel commenting on the post." Dagdag pa nito.

Halos mapasigaw na ako sa kahihiyan dahil sa nakikita. Nakakainis ka talaga mom!

Mabilis akong tumayo sa sofa at pinuntahan si mom sa kwarto niya. Naabutan ko itong busy na nakaharap sa kaniyang laptop habang suot ang eye glass.

"Sweety you're here! Do you like it?" Natatawang tanong ni mom.

"Mom! Bakit mo pinost?!" Inis kong maktol sa kaniya.

"Isipin mo kung ano ang nagawa mong kasalanan, Athena." Naiiling nitong sabi. Napahinto ako ng marealize ang pinupunto niya. 

"Mom that's not my fault! Sila ang nauna kaya bumawi lang ako!" Pagdedepensa ko pero umiling lang si mom.

The Secret Behind Us (Completed)Where stories live. Discover now