KABANATA II

140 8 3
                                    


Athena point of view

KASABAY NG paglalakad ko ay ang paghaplos ko sa bulaklak na ibibigay dito sa puntod niya. Pilit ko man pilitin hindi umiyak ay hindi ko kaya dahil parang nanghihina ako. Kahit pa masungit ako sa kanya ay naging mabuti siya sa akin at mapang-asar sa akin.

Ng matapos ng magbigay ng mga bulaklak ang lahat ay malakas na pag-iyak at hikbi ang bumalot sa buong kapaligiran. Ilang oras rin bago natapos ang lahat dahilan para lumapit ako kay Melody na patuloy pa rin sa pag-iyak. Lumapit si Samuel sa amin at tinanguan ko ito para ihatid niya pauwi si Melody.

Nagsi-uwin na ang lahat ng mga kaklase at kaibigan ni Kayl habang busy naman sa pakikipag-usap ang tatay nito. Dahan-dahan akong lumapit para marinig ang pinag-uusapan nila.

"Hindi niyo man lang mahanap kung sino ang pumatay sa anak ko? Mga wala kayong kwenta!" Sigaw ni tito habang patuloy pa rin sa pag-iyak.

Naaawa ako kay tito dahil nag-iisa niyang anak si Kayl at hindi ko alam na ganito pala ang sasapitin nito. Dumiretso ako sa puntod nito at umiyak.

"B-bakit umalis ka agad? Hindi ka man lang nagpaalam sa akin bwiset ka! Ang daya mo!" Maktol ko sa kaniya hanggang sa nanghina ang tuhod ko at napaupo na ako sa lupa.

Naramdaman ko na lang ang kamay ni Lans sa balikat ko at inalalayan ako nitong tumayo. Napayakap ako kay Lans sa sobra lungkot na nararamdaman.

"Shhh Athena siguradong hindi matutuwa si Kayl kapag nakita lang umiiyak." Sambit nito para pagaanin ang loob ko.

Ilang oras akong nakaupo at tulalang nakatingin sa puntod niya. Maraming ng umalis at tanging ako na lang ang nandito. Pinauwi ko na rin si Lans dahil hinahanap na siya ng nanay niya. Napabuga na lamang ako ng hangin at nilapag ang paborito nitong stuff toy na anime.

"Be happy bestfriend. " Pilit na ngiti kong sabi at tumayo na para magpaalam sa kanya.

Nakarating na ako sa bahay na bagsak ang katawan kaya napahiga na lamang ako. Naramdaman ko na lang na nakatulog na pala ako. Paggising ko ay naabutan ko si mom na kumakain at nginitian naman ako nito.

"Are you okay?" Sambit niya at tumango naman ako. "Kayl is a strong man." Pagpapagaan nito sa akin.

"Thanks mom." Sagot ko na kinatango naman niya. Nagpaalam na siya sa akin dahil night duty na ang trabaho ni mama kaya tuwing gabi ay ako na lang ang nandito sa bahay.

Nanood na lamang ako ng palabas na The Darkest Minds para malibang ako kahit papaano. Nakatanggap ako ng text kay Melody at sinabi niyang pupunta siya at pumayag naman ako.

Ilang oras din ay nakarating na siya kasama si Jessica. Lima lang kaming mga nandito sa bahay kaya ayos lang kahit mag-ingay dahil wala naman si mom.

"Cheer up guys nandito tayo para magsaya at kalimutan ang lungkot right?" Ngiting sabi ni Francheska.

"Tama ka diyan kaya nagdala ako nito. Tada! Isang mamahaling wine galing sa bahay." Sambit ni Jessica.

Natawa kaming lahat dahil paniguradong tinakbo na naman niya iyan sa bahay nila at hindi alam ng papa nito. Gusto namin magsaya para mawala ang lungkot na nararamdaman. Patuloy lang kaming sa pagkain at inom na sinabayan ng kwentuhan.

"Maglaro na lang tayo tutal next week na ang alis ni Athena papunta ng USA. Mag tong'its na lang tayo. Ang matatalo, ililibre ang lahat sa mall. Ano game?" Alok ni Mary Anne habang nangingiti ng sobra.

"Ganyan ka na ba kahirap para umasa sa libre?" Natatawang gatong ni Melody. Halos matawa kaming lahat dahil sa sinabi ni Melody.

"Oo na. Nabrankupt kasi ako, nalaman ni dad na umiinom ako." Sambit ni Mary Anne.

The Secret Behind Us (Completed)Where stories live. Discover now