ANG WAKAS

222 8 4
                                    

Please support my vlog guys! Just type sa youtube Hoaxxe at makikita niyo na ang mga vlog ko HAHAHA supporn!

*****
DALAWANG taon na ang nakakalipas at hindi maiwasan matuwa ni Athena na naging sikat na manunulat na siya ngayon. Hindi niya lubos maisip na ganito karami ang magiging supporters niya sa librong nailathala na pinamagatang, the secret behind us. Marami ang nagtatanong sa kaniya kung saan niya nakuha ang inspirasyon sa paggawa ng ganoong story pero isa lang ang tanging sinagot niya. Sikreto.

"ate Athena pwede po bang magpapicture?" Anyaya sa kaniya ng isang tagahanga niya. Tumango siya at mabilis naman silang nagpicture dalawa. 

Napatingin siya ng may librong naglapag sa harapan niya and it's Sienna.

"pa-authograph miss A." nakangiti nitong sabi sa kaniya. Naiiling na natawa na lamang si Athena at pinirmahan ang libro.

"Mag-usap tayo mamaya." sabi niya sa kaibigan na kinatango naman nito. Isang sikat na modelo na ngayon si Sienna. Nagpatuloy lamang sa pagpirma ng mga libro si Athena hanggang sa natapos na. May show pa palang pupuntahan mamaya kaya magiging busy siya ngayong week. Dahil maraming mga show ang nag-invite sa kaniya para kausapin.

Nagcheers na silang dalawa ng alak habang nakaupo sa sofa sa condo ni Athena.

"grabe ang dami mo ng tagahanga ngayon," Hindi makapaniwalang puri ni Sienna sa kaniya. 

"hindi ko rin inaasahan." Sagot niya na sinabayan nilang dalawa ng halakhak. Patuloy lamang sila sa pagkwento tungkol sa mga buhay at sinabayan ng tawanan pero nawala ang tawa nila ng maalala ang nakaraan.

"cheer up kailangan na natin kalimutan 'yon Athena at siguradong masaya na silang maayos tayong dalawa." Nakangiting sabi ni Sienna at mukhang may punto ito. Nakaraan na iyon kaya kailangan kalimutan.

Kinabukasan ay pinuntahan nila ang puntod ng mga kaibigan at inalayan ng mga bulaklak. Kasabay ng pagtingin sa kalangitan na medyo makulimlim kaya naisipin na nilang umalis. Nagpaalam na Sienna sa kaniya dahil aalis pa ito bukas para sa modeling.

Ng makarating na siya sa show ay hindi niya maiwasan mapangiti. Tinanong rin siya ng host tungkol sa buhay niya bago maging isang sikat na manunulat. Nilahad niya rin kung paano siya naghirap bago naabot ang ganitong sitwasyon.

"maraming mga nagsasabi o di kaya'y napapaisip kung ang storyang ito ba ay hango sa totoong buhay?" tanong ng host sa kaniya dahilan para unti-unting maglaho ang kaniyang ngiti. Umiling na lamang siya at binago na ng host ang tanong.

Hanggang sa natapos na ang show kaya nagpaalam na siya. Sumakay na siya sa kaniyang kotse na bili ng kaniyang dad. Ilang oras lamang ang nakakalipas habang nasa biyahe siya ay tila nanlamig ang buo niyang katawan sa nakita. Pinahinto niya ang kaniyang kotse malayo mula sa bahay na nakikita at lumabas ng sasakyan.

Napalunok siya habang dahan-dahan na naglakad papalapit sa bahay kahit pa iba ang itsura niti ngayon, ay paniguradong mababago uti sa hinaharap. Bigla na lamang may isang matanda ang bumungad sa kaniya.

"May kailangan po kayo miss?" Tanong nito sa kanya.

"Manong s-sino'ng may ari ng bahay na 'yan?" Balik na tanong niya sa matanda habang kinakabahan at napatingin naman sa kaniya ang matanda.

"Ahh 'yan ba, sa pagkakaalala ko ay umalis na ang dating may ari niyang bahay na isang doctor. Hindi ko nga rin alam bakit ayaw niyang ibenta iyan eh napakaluma na." Sambit ng matanda sa kaniya. Dali-dali siyang naglakad pabalik ng kotse pero naguluhan ang matanda sa kaniyang kilos.

Kinuha niya ang cellphone mula sa bulsa at tinawagan si Sienna na agad namang sinagot ng dalaga.

[Napatawag ka, may problema ba?]

The Secret Behind Us (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon