KABANATA IX

104 6 0
                                    


Athena point of view

Napahinto ako sa panonood ng makarinig ako ng isang tunog mula sa pader. Nilapitan ko 'yon at bumungad sa akin ang isang maliit na butas kaya tinanggal ko ang harang niyon. Kinuha ko ang kutsilyo sa gilid ko at tumayo para itutok roon.

Nang may lalaki na ang lumabas mula roon ay mabilis ko iyong tinutok. Nanlaki ang mata ko ng makilala siya dahil isa siya sa nasa video tape.

"A-athena." Boses ng isang babae ang nasa paanan niya ang narinig ko. Ng makilala silang dalawa ay dahan-dahan kong binaba ang patalim at binigyan sila ng daan para makalabas. "B-buhay ka?" Hindi pa rin makapaniwala niyang sabi.

"P-paano kayo napunta rito?" Naguguluhan kong tanong sa kaniya dahil paniguradong mapapahamak sila.

"A-akala ng lahat patay na kayo." Sagot niya na kinatango ko.

"Napanood ko ang lahat ng video tape niyo." Sabi ko sa kaniya. Inabot ko sa kanilang dalawa ang camera na nakita ko. "Alam kong naguguluhan kayo sa nangyayari pero kailangan nating makaalis dito." Sabi ko sa kanilang dalawa.

Tinignan ko ang maliit na butas kung saan sila lumabas. Tinitigan lamang nila ako ng magsimula na akong lumusot.

"Titingin na lang ba kayo?" Sambit ko at kaagad naman silang sumunod. Nagsimula na kaming gumapang paalis sa silid na ito. Hindi ko na sinabi pa sa kanila kung nasaang taon kami dahil ayaw kong magkagulo ang sitwasyon. Ng makita ko ang isang silid na walang tao ay bumaba na ako roon.

Tinulungan ko silang makababa hanggang sa nakababa na silang dalawa. Dahan-dahan lang ang bawat paghakbang naming tatlo dahil kaunting pagkakamali lang ay katapusan na namin.

"Sigurado ka bang safe dito?" Tanong ni Sienna sa akin. Napahinto ako at hinarap siya.

"Sa lahat ng lugar dito hindi safe kaya dapat marunong tayong mag-ingat. I know all of us we don't want to die pero ito lang ang paraan para makaalis tayo." Paliwanag ko sa kanila. "Tago!" Bulong na pasigaw ko ng biglang bumukas ang pinto. Nagtago kami sa isang liblib na pwesto kaya hindi kami nito makikita.

Napalunok ako ng makitang may buhat-buhat silang katawan ng lalaki na sa tingin ko ay isa sa kasamahan nilang dalawa. Nilagay nila ang katawan nito sa isang surgical bed. Mas nilapit ko pa ang aking mata para makita kung ano ang kanilang ginagawa ng biglang may bagay ang tumunog sa gilid ko. Binalik ko ang tingin sa mga taong 'yon pero huli na ng huminto sila sa kanilang ginagawa.

Bigla na lamang may tao ang bumungad sa harapan amin habang ang mga mata nito ay puti at ang bibig nito ay lumaki. Nagtakbuhan agad kaming tatlo palabas ng silid na iyon at pakiramdam namin ay hinahabol pa rin nila kami. Ng makakita kami ng isang kwarto ay pumasok kami roon at ni'lock kaagad iyon.

"A-anong klaseng mga tao 'yon?" Kinakabahn na tanong ni Sienna. Kahit ako ay hindi ko maintindihan kung sino o ano ba silang klaseng mga tao.

"Ano ito?" Sambit ng kasamahan niyang lalaki at napatingin kami sa aming likod. Punong-puno ng mga iba't-ibang documento ang nasa mesa nito.

Mabilis akong lumapit roon at tinitigan ang mga newspaper. Mukhang pinagdaanan na ito ng ilang taon dahil sa pagkaluma.

Habang binabasa ko ang newspaper ay nakita ko ang isang laboratory news na sa tingin ko ay ang lugar kung nasaan kami. Ang kinagulat ko ay sinabi roon na may kaso ang laboratory na iyon dahil sa mga bagay na ginagawa na hindi naman rehistrado sa gobyerno. Pero sa mga sumunod na newspaper ay wala ng bakas ng laboratory ang nakita na para bang naglaho ito.

"Bakit ganito ang taon na nandito sa dyaryo?" Naguguluhan na tanong ni Sienna. Hinarap ko silang dalawa at pinaliwanag ang mga natuklasan ko. Napaiyak na lamang siya at iniisip na dito na kami mamamatay.

The Secret Behind Us (Completed)Where stories live. Discover now