KABANATA I

219 10 0
                                    


Please comment para mabasa ko ang mga reaction niya sa paggawa ko ng horror story.

****************

5 years later...

Athena's Point Of View

KASABAY NG paghalakhak ay ang pagsigawan naming lahat sa tuwa dahil graduation day na. Ito na ang panahon tungo sa tagumpay na aming pinapangarap. Naramdaman ko na lang ang pag-akbay sa akin ni Lans at napairap naman ako.

"Smile." Sambit ni mom kasabay ng pagkuha ng litrato sa aming dalawa ni Lans.

Ilang taon na ang nakakalipas at marami ang mga nagbago sa amin. Sa loob ng ilang taon ay kinalimutan namin ang nangyari at hindi na muling inalala kahit ni isa sa amin. Hindi ko inaasahan na magiging close ko ang higad na babaeng 'yon.

"Athena picture tayo!" Masayang sabi ni Melody habang nakakapit sa braso ko.

"Melody I'm hungry gusto ko ng kumain." Maktol ko sa kaniya at mabilis naman na umakbay sa akin si Jessica.

"Nah! Dapat may litrato tayong mga girls." Suhestiyon niya na kinatuwa naman ni Melody. Wala na akong nagawa pa kaya nagpapicture kaming mga girls hanggang sa sumali na ang iba naming mga kaklase.

Ilang oras na ang nakakalipas ay nagpaalam na ako sa kanilang lahat dahil magcecelebrate kami with dad sa bahay kaya hindi ko maiwasan ma'excite. Makakasama ko muli si dad dahil babalik pa kasi siya ng ibang bansa para patakbuhin ang companya ni lolo.

"Sweety hows your graduation?" Bungad na tanong ni dad sa akin kasabay ng pagyakap.

"Masaya naman dad." Sagot ko dito hanggang sa nagsimula na kaming kumain. Dalawa lang kaming magkakapatid at ako ang bunso. Si kuya Jacob ay nasa ibang bansa kasama ni dad para patakbuhin ang negosyo.

"Are you ready?" Tanong ni dad sa akin dahilan para makunot ang noo ko.

"Saan dad?" Naguguluhan kong tanong hanggang sa nagsalita na si mom.

"Isasama ka ng dad mo sa ibang bansa para roon magtrabaho." Ngiting sabi ni mom at halos mapatalon ako sa tuwa. Mabilis akong tumayo at niyakap si dad sa tuwa.

"Thank you dad!" Masayang sabi ko.

Puro tawanan at masayang usap lang ang naganap dito sa hapag. Ilang minuto rin bago ako natapos at nagpaalam kay dad at mom. Dumiretso ako sa kwarto at busy sa kakapindot sa phone.

Hindi ko maiwasan mapangiti dahil sa mga litrato naming lahat na magkakaibigan. Nakatanggap ako ng text galing kay Lans at sinabing magkakaroon ng party para sa pagtatapos ng klase.

Napahiga na lamang ako sa kama hanggang sa nakatulog agad ako dala ng pagod. Nagising ako ng mga alas tres na ng hapon kaya naisipan kong dumiretso ng mall para mamili ng mga gamit na ireregalo ko sa mga naging malapit sa akin.

Marami na akong napamili kaya nagbayad na ako sa cashier at dumiretso ng restaurant para kumain. Nag-alburoto na ang tiyan ko sa sobrang gutom dahil sa haba ng pila ngayon.

"Ah miss ikaw na lang ang mauna." Sambit ng isang lalaki sa harap ko.

"H-hah?"

Parang natiklop ang bibig ko dahil sa itsura niya na may dimple sa gilid ng labi. Hindi ko alam pero napatulala ako sa paraan ng pagngiti niya.

"Hahaha I think you're hungry." Natatawang sabi niya at naguguluhang dumiretso naman ako sa harap niya. Hindi kaya narinig niya ang pag-alburoto ng tiyan ko? Badtrip naman oh.

The Secret Behind Us (Completed)Where stories live. Discover now