KABANATA VII

89 8 1
                                    


Sienna point of view

NARAMDAMAN ko na lang ang paglubog ng kama at ang kiliti sa aking leeg. Napadilat ako at bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Harold habang patuloy pa rin siya sa paghalik sa aking leeg.

"Breakfast?" Tanong niya ng mapansin na gising na pala ako kaya tumango ako at tumayo. Napansin ko ang polong suot ko na medyo mahaba sa akin kaya nakakunot noong tinignan ko siya.

"Don't tell me sinuot mo sa akin ito?" Napatango naman agad siya sa tanong ko. Napangiting naiiling na lamang ako kasabay ng pagkain ng breakfast na hinanda niya. Sinabi rin niya sa akin na umalis muna si Jared para mamili ng mga pagkain at gamit kaya naiwan kaming dalawa dito sa apartment.

Sinabayan niya na rin ako sa pagbreakfast hanggang sa natapos na ako at naligo. Naabutan ko siyang inaayos ang kama habang walang suot na pang-itaas. Ngayon ko lang napansin na maganda pala ang hubog ng katawan niya.

"Tapos na?" Nakangising tanong niya at umirap naman ako habang nakangiti.

"Baliw."

Nagsuot na ako ng damit hanggang sa dumating na si Jared dala ang mga gamit na binili. Pinaupo niya kaming dalawa ni Harold dahil may importante raw siyang sasabihin.

"Nag-ikot ikot ako rito at may nakalap akong impormasyon." Panimula niya sabay lapag ng litrato ng isang babae na nakalagay sa isang dyaryo ilang taon na ang nakakalipas. "Siya ang babaeng hindi pa rin nakikita simula ng pangyayaring iyon at ang pangalan niya ay Athena." Nagaktinginan kaming dalawa ni Harold kaya kinuha ko ang litrato at pinagmasdan ang mukha nito. Naglapag muli si Jared ng isa pang litrato. "Naku babayaran niyo na ako dahil sa mga ginastos ko diyan," natatawang hirit niya at nagdirty finger naman si Harold sa kanya. "iyan naman ang mga magkakaibigan na namatay sa pangyayaring naganap." Paliwanag niya sa amin.

Nakita ko ang mga grupo ng magkakaibigan habang masayang nasa litrato at suot ang toga na simbolo ng pagtatapos ng kanilang kolehiyo.

"H-hindi kaya ang matandang pinatay nila ang may kagagawan kung bakit sila namatay?" Naguguluhan kong tanong. Pero imposible na ang namatay ay muling mabubuhay. Mas matakot ka sa buhay kaysa sa patay dahil ang buhay ay kaya kang saktan. Iyon ang paniniwala ng mga tao.

Nagsimula na kami sa pagdocumentary ng makakuha ng impormasyon at nilahad agad ito. Pinakita ko ang mga litrato na nakuha ni Jared kahit pa medyo matagal na itsura niyon.

"Sila ang grupo ng mga magkakaibigan na namatay isang taon na ang nakakalipas. Hindi namin alam kung ano nga ba ang kinamatay nila kaya nandito kami para alamin ang katotohanan sa loob ng misteryosong pagkamatay nila." Sambit ko habang nakaupo. Ng matapos na ang pag-take ng video ay niligpit na namin ang mga gamit at nagsimula ng mag-ayos dahil ngayong araw na kami pupunta sa sikat na kagubatan na tinatawag nilang demon forest.

Ng matapos na naming ihanda ang mga gamit ay nagsimula na kaming bumyahe para puntahan ang lugar na 'yon. Ilang oras rin bago namin narating ang kagubatan kaya pinark na ni Harold ang kotse.

"Sigurado ka ba na tamang dito tayo nagpark?" Tanong ni Jared na kinatango ko.

"Hindi pwede na sa kabila tayo dumaan at baka harangan lang tayo ng mga nagbabantay roon." Sagot ko at mukhang nakuha naman niya ang punto ko.

Binuhat ko na ang isang bag kaya nagsimula na kaming maglakad habang si Jared naman ang kumukuha ng video. Nilalahad ko ang bawat nadadaanan namin kung saan naabutan ang katawan ng mga namatay. Ilang oras rin bago kami napagod at napansin ang kalangitan na unti-unti ng gumagabi.

Inayos na namin ang tent na gagamitin bale dalawang tent lang dahil magkasama na kami ni Harold sa iisa. Si Jared na ang nagpresentang magluto ng pagkain naman dahil dito namin naisipan magpagabi.

The Secret Behind Us (Completed)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن