KABANATA IV

112 10 3
                                    


Athena point of view

NAGKAHIWALAY-HIWALAY kami para mapabilis ang paghahanap sa katawan ng matanda. Kasama ko si Samuel habang hawak-hawak ang flashlight pero nahihirapan kami sa paglalakad dahil sa mga medyo delikadong bato na nasa daan.

"Nasaan na kaya ang katawan ng matandang 'yon?" Tanong ko.

"Mukhang mahihirapan tayo sa paghahanap dahil matagal na ang nakakalipas simula ng itapon ni Kayl iyon dito sa lawa." Sagot ni Samuel hanggang sa patuloy lamang kami sa paghahanap. Hinihintay rin namin na magtext ang iba naming mga kaibigan na nagbabakasakaling nakita na nila.

Halos nalibot na namin ni Samuel ang lawa para mahanap ang katawan ng matanda pero bigo kami. Naisipan na namin bumalik sa itaas para sabihin wala kaming nakita pero parang may kakaiba sa daang tinatahak namin.

"Hindi ba't nanggaling na tayo dito?" Sabay turo ko sa punong may bakas na hiwa sa gilid.

"Mukha nga. Kakaiba na ang nangyayari dito." Sambit niya.

Naglakad muli kami pero tatlong beses na kaming bumabalik dito at halos magliliwanag na. Hindi ko na alam ang gagawin ko dahil wala ring connection kaya hindi namin ma'contact ang iba.

"Sh*t." Bulalas ni Samuel dahilan para mapatingin ako sa kanya ng naguguluhan.

"Bakit may problema ba?"

"The signal of my phone is weak kailangan na natin bumalik parang may hindi na tama ang nangyayari dito." Sambit niya hanggang sa napagdesisyonan namin na maglakad hangga't maaari.

Nakahinga ako ng maluwag dahil nakita na namin ni Samuel kung saan nakaparada ang kotse at sakto naman naroon sila Rojan at Christian.

"Teka nasaan ang iba?" Bungad na tanong ni Rojan samin ni Samuel. Magsasalita na sana ako ng may kotseng dumating and its David.

"Sorry I'm late what's happening?" Mabilis na tanong ni David.

"Hindi pa nakakabalik ang iba." Sagot ni Christian.

"Nasaan si Melody, Mary Anne at John? Akala ko ba magkakasama kayo?" Naguguluhan kong tanong.

"No, nagpresenta si Melody at Anne na sumama kay John kaya magkasama kaming dalawa ni Rojan." Paliwanag ni Christian.

"Hindi na maganda ang kutob ko, maghahating gabi na." Sagot ko sa kanila ng maramdaman ko ang kamay ni David sa balikat ko.

"Magiging maayos din ang lahat." Sabay ngiti niya. Ngumiti ako pabalik sa kanya. "Hanapin natin sila." Suhestiyon ni David.

"Isasama ko na lang si Christian at Rojan--" naputol ang sasabihin ko ng magsalita si David.

"No, kailangan natin magkasama walang hihiwalay." Wala na kong nagawa pa kung hindi sundin ang sinasabi niya. Nagdala na kami ng flashlight kung sakaling abutin kami ng gabi.

"Melody! Mary Anne!" Sigaw ko habang naglalakad.

Sinisigaw rin ng iba ang pangalan nila para mapabilis ang paghahanap sa kanila. Halos makaramdam na ako ng pangamba na sana ay ayos lang sila. Mahigit isang oras na kami naglalakad sa loob ng kagubatan at nagtatakip silim na.

"Bumalik na lang kaya tayo at tsaka natin sila hanapin, baka nandoon na sila." Suhestiyon ni Christian. Pero hindi ako nakumbinsi dahil may kutob ako na hindi na tama ang nangyayari.

"May mali na dito." Sagot ko pero pinoproseso pa rin ng isipan ko ang lahat.

"Mukhang tama si Christian kailangan na natin bumalik dahil dumidilim na." Sambit ni David at umiling naman ako.

The Secret Behind Us (Completed)Where stories live. Discover now