KABANATA III

116 8 3
                                    

Athena point of view

NARAMDAMAN KO na lang ang pananakit ng katawan ko na para bang pagod ito sa nangyari. Nagising ako dahil sa boses ni mom kaya dahan-dahan akong napadilat at kita ko ang gulat sa mukha nito ng makitang gising na ako.

"Sweety mabuti naman at gising ka na." Sambit ni mom at mabilis na niyakap ako.

"Ah! masakit mom." Maktol ko dahil ramdam kong tila may sumakit sa bandang likuran ko.

"Sorry sweety," napatango ako sa sinabi ni mom. "Bakit nadawit ka sa pagsabog hindi ba't nasa bahay ka lang?" Naiinis na sabi ni mom at halata mo sa mukha niya ang pag-aalala.

"Si Lans mom ayos lang ba siya?" Bungad na tanong ko kay mom at tinulungan naman niya akong makaupo habang nakasandal ang likod ko sa unan.

"Si Lans? Anak wala siya roon." Sambit ni mom at nakunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Mom iniligtas ko pa siya, I need to see him." Sagot ko at aalis sana ako sa pagkakahiga ng biglang hawakan ni mom ang kamay ko. Biglang bumukas ang pinto at niluwa nito si Melody, Jessica at ang iba.

"Ano bang ginagawa mo Athena? Nagpapakamatay ka ba!" Galit na sabi ni Melody habang malungkot na nakatingin sa akin. Napayuko na lamang ako dahil lahat sila ay pinapagalitan ako.

"She needs to eat first." Sambit ni David na kinatango naman nilang lahat. Kinamusta nila akong lahat at sinabi ko naman na ayos lang ako kaya hindi na dapat sila mag overeact.

"Nasaan si Lans? Bakit hindi siya nakita?" Naguguluhan kong tanong kay David habang katabi si Samuel.

"Hindi nila nakita doon si Lans." Sagot niya pero umiling ako.

"Nailigtas ko siya sa pagsabog sa bus. At si Francheska hindi ko nakita ang katawan niya." Sunod-sunod kong sabi dahilan para magkatinginan silang dalawa.

"What do you mean Athena?" Tanong ni Samuel habang diretsyong nakatingin sa akin.

"Kinuha ng lalaki si Lans..." hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko ng maalala ko iyong lalaking tumulong kay Lans. "siya! siya ang kumuha kay Lans." Mabilis kong sabi sa kanila.

"Hindi kaya dinukot siya ng lalaking tinutukoy mo Athena?" Tanong ni David. Parang nanlamig ako dahil sa sinabi ni David. Paano nga kung ito rin ang may pakana ng pagsabog sa bus? Pinlano niya ba lahat ng iyon?

Ilang oras kaming nag-usap tungkol sa mga nangyari at kahit sila ay nagulat din. Sinabi sa akin ni David na hahanapin nilang dalawa si Lans para iligtas ito. Pero bakit naman dudukutin si Lans? Hindi na maganda ang kutob ko na para bang unti-unti ko ng naiintindihan ang lahat pero parang may mali

"Let's go?" Tanong ni mom na kinatango ko. Inalalayan ako nito maglakad. Sinabi sa akin ng doctor na pwede na akong umuwi at doon na lamang magpahinga.

Nasa kotse pa lamang kami ay walang imik lamang akong nakikinig ng music at pinoproseso ko sa utak ang mga nangyayari. Pakiramdam ko ay may konektado ito sa nangyari noon. Pero malabo dahil malinis naming nailigpit ang bangkay niya.

Nagpaiwan na lamang ako mag-isa sa kwarto dahil pakiramdam ko ay may mali sa mga nangyayari. Napabuntong hininga na lamang ako ng biglang bumukas ang pinto at niluwa nito ang police officer.

"Magandang hapon Ms. Athena, maari ka bang makausap kahit sandali?" Tanong nito at tumango naman ako. Umupo ito sa upuan habang nakatabi malapit sa higaan ko. "Maraming mga nakakita sa mini stop na ikaw ang huling kasama ni Francheska at Lans kagabi, totoo ba iyon?"

The Secret Behind Us (Completed)Where stories live. Discover now