KABANATA VIII

88 6 2
                                    

Sienna point of view

KINABUKASAN ay hinanda na namin ang gamit para sa pag-alis dito. Kanina pa pinagmamasdan ni Jared ang nakita kong bagay kagabi at siguro ay iniisip niya paano nagawa itong bagay.

"Mukhang maibebenta ito sa mataas na halaga." Nakangiting sabi ni Jared kaya napailing na lang kaming dalawa ni Harold.

Nagsimula na kaming maglakad paalis sa lugar na ito pero hindi namin maintindihan kung bakit parang may mali sa nangyayari. Pinigilan ko silang dalawa sa paglalakad at tinuro ang isang bahay sa di kalayuan. Nagmadali kaming lumapit roon at binuksan naman ni Jared ang camera.

Dahan-dahan kaming lumapit sa isang lumang bahay.

"K-kailan pa nagkaroon ng bahay dito? Hindi ba noong pinanood natin ang balita ay walang nabanggit na may nakita silang bahay?" Naguguluhang sabi ni Harold na sinang-ayunan ko naman. Lalapit na sana siya papasok pero pinigilan ko siya.

"Huwag, baka may nakatira diyan at baka kasuhan tayo ng trespassing." Pigil ko sa kaniya. Hindi nakinig sa akin si Harold at binuksan ang pinto. Tanging dilim lang ang sumalubong sa amin habang puno ng mga alikabok ang buong bahay.

Nagdalawang isip pa ako bago sumunod sa kanilang dalawa at pinasok ang loob ng bahay. Napakalaki nito at aakalain mo na mayaman ang nakatira. May mga litrato rin ang nakadikit sa dingding pero lumabo na dala ng kalumaan.

"Grabe ang baho naman dito." Bulalas ni Jared at mukhang tama nga siya. Naglibot kami sa buong bahay hanggang sa umakyat kami sa ikatlong palapag. May mga kakaibang kwarto rito kaya pumasok ako mag isa habang nasa kabila naman si Harold.

Nakunot ang noo ko ng makita ang tila isang dugo na nasa sahig hanggang sa sundan ko ito ng tingin at bumungad sa akin ang isang katawan ng isang lalaki habang may tahi ang bibig at walang mga mata. Napatakip ako sa bibig kasabay ng pag-atras. Tumama ang likod ko sa isang katawan kaya niyakap ko agad ito. Si Harold.

"Hey kalma Sienna." Bulong niya.

"M-may patay Harold." Naiiyak kong sabi.

Tinignan ni Harold ang katawan na wala ng buhay habang naliligo ito sa sariling dugo. Hindi namin ito makilala dahil sa itsura nito. Napatingin kami sa taong kararating lang at si Jared 'yon.

"May papasok na tao." Natatarantang bulong ni Jared kaya naghanap agad kami ng lugar na pwedeng taguan hanggang sa pumasok kaming tatlo sa isang kwarto at nilock ito.

Narinig namin ang bawat paghakbang ng mga paa at kung hindi kami nagkakamali ay dalawang tao ito. Napalunok ako ng marinig ko ang yapak ng paa kasabay ng pagsigaw ng isang babae.

"Ahh!" Iyak nito. "Lans hindi pwede ito! Lans!" Naiiyak niyang sigaw.

Nagkatinginan kaming tatlo habang naguguluhan. Narinig rin namin ang isang yapak ng paa na tumatakbo.

"Athena we need to go." Sigaw ng isang lalaki pero hindi ganoon kalakas. Ano'ng nangyayari? Hindi ko maintindihan? Totoo ba ang narinig ko? Athena?

Tinignan ko si Harold at Jared na nakikinig pa rin sa pinto kahit siguro sila ay naguguluhan din. Narinig ko na naman ang isang boses ng babae pero hindi na iyon ang kanina.

"Ah! Huwag! Maawa po kayo sa akin ah!" Sigaw ng isang babae na para bang umiiyak na nagsusumamo. Ilang minuto rin ay nawala na ang boses ng babae.

"Halika na Athena bago niya pa tayo maabutan dito." Sigaw ng lalaki at rinig namin ang pagkalabog ng mga paa nila na para bang tumakbo na papalayo.

Napalunok ako at dahan-dahan binuksan ang pinto.

"May mali na rito, umalis na tayo!" Bulong ni Harold sa amin. Tumakbo na kami paalis ng bahay pero napahinto kami ng biglang dumampi sa balat namin ang tubig galing sa langit. P-paanong umulan?

The Secret Behind Us (Completed)Where stories live. Discover now