KABANATA 1

533 34 0
                                    

KABANATA 1








NAGHAHALONG tuwa at excitement ang nararamdaman ni Ianna habang inaabangang matawag ang pangalan niya sa stage. Sa wakas, ito na ang araw na kanyang pinakahihintay. Laking paghihirap niya para makapagtapos ng highschool. Mahirap lamang kasi at laking biyaya na ang makatapos.

"Congrats anak" maluha-luhang bulong ng kaniyang ina. Ngayon ang Graduation Day nila, sa wakas matatapos na niya ang highschool at makakapag kolehiyo na siya. Napapaluha na lamang siya dahil sa tuwa. Soot ang puting toga ay maluha-luha siyang napapangiti. Antagal na niyang inaantay ang araw na ito.

"Conception, Ianna Maria G."

Nang matawag ang kaniyang pangalan ay dali- dali niyang pinunasan ang kaniyang mga luha atsaka inayos ang kaniyang toga. Nakangiti siya habang naglalakad paakyat ng stage kasama ang kaniyang ina.

Nakangiti lahat ng tao sa stage pero laking pagtataka niya dahil hindi niya maaninag ang kabuuan ng mga mukha ng mga ito. Iginala niya ang tingin sa paligid ganon din, tanging mga bibig lamang ang nakikita niya.  Napawi ang ngiti niya nang makitang ang mga ngiti sa paligid ay tila ba naging ngisi. Pero isinawalang bahala niya iyon ang mahalaga, makukuha na niya ang diploma.

Lumingon siya sa kaniyang tabi at nagulat siya nang makitang wala na ang kaniyang ina.

"Ma?" Tawag niya. Lumingon pa siya sa paligid at ni anino ng nanay niya ay di na niya makita.

Ibinalik nalamang ni Ianna ang focus sa diploma kahit kinakabahan na siya ng sobra. Hindi niya kasi alam kung ano ang nangyayari sa paligid. Parang kakaiba. Pagka abot niya ng diploma ay siya namang paghalakhak ng mga tao.

Maya maya pa ay naramdaman nalamang niya ang pagbuhos sakanya ng likido galing sa taas.

Ang puting toga ay nabalutan ng katakot takot, malansang pulang likido. Kasabay non ay ang paghalakhak ng mga tao sa paligid.

Dugo!



"AAAAAAAHHHHHHHGHGHHHHH!" Isang sigaw ang pinakawalan ni Ianna. Napabangon siya mula sa mahimbing na pagkakatulog.

Inikot niya ang kaniyang paningin. Nasa bahay siya. Nakikita niya ang pinagtagpi tagping yero na nagsisilbing pader ng kanilang nilipatang bahay sa probinsya ng Cagayan. Kaya sigurado siyang nasa bahay nga siya.

Panaginip. Panaginip lang pala lahat ng iyon. Kahit papano nabunutan siya ng tinik. Bakit napaginipan niya iyon? Siguro ay graduating student na siya sa susunod na pasukan. At iyon nga ang iniisip niya bago siya natulog kagabi kaya siguro iyon ang nasa panaginip niya.

"Ianna, anak, okay ka lang? Bakit ka sumisigaw?"

Pumasok ang nanay niya sa loob ng bahay at pawis na pawis habang buhat pa ang isang balde ng pinaglumaang lagayan ng bisquit na may lamang tubig, galing ito sa labas at nag igib ng tubig mula sa kanilang kapitbahay. Wala kasi silang poso.

"O-opo ma, nananaginip lang po." Sagot niya saka bumangon na ng tuluyan.

"Jusku kang bata ka!" Kakamot kamot na saad ng ina.

Maliit lamang ang bahay nila Ianna. Nasa squatters area pa sila kaya naman ang mga bahay doon ay talagang magkakadikit. Nasa 25sq.m lamang ang bahay nila at walang kwarto. Maliit ang bahay kaya sa nagsisilbing sala na sila natutulog. Wala mang tv ay mayroon naman silang radyo na may baterya para makinig sa mga balita.

Wala ring ano mang furnitures sa loob ng bahay. Tanging isang maliit na halos natutumba nang mesa at dalawang lumang monoblock chair na bigay lang ng kapitbahay ang naroon.

GRADUATION DAY|COMPLETEDWhere stories live. Discover now