KABANATA 3

255 27 1
                                    

KABANATA 3






"IKAW ba yung new student, hija?"  Tanong ng isang teacher, kulot ang mahaba nitong buhok, hindi katangkaran at chubby pa ito. Tumango si Ianna. Natatakpan ng malakas na gradong salamin ang chinita nitong mga mata siguro nasa late 40s na ang guro.

"Ako nga po, teacher." Sagot niya at inayos pa ang kaniyang uniform na binili lamang niya kahapon. Kakakuha niya lamang rin kasi ng sahod niya sa Youtube kaya kahapon lamang din siya nakabili ng mga gamit sa school at gamit sa bahay nila.

"Ikaw si Ianna Maria Conception, tama ba?" Tumango lamang siya. Mukhang masungit ang guro. Talagang sa mata ito nakatingin at hindi ngumingiti. "Ako si Teacher Zeffy Buenafe, ang magiging adviser mo."

Sa Guidance Office siya dumeretso, naroon raw kasi ang schedule ng klase niya ayon sa secretary ng head teacher.

"Halika na hija, tara na sa magiging claasroom mo at ipapakilala kita sa mga bago mong kaklase." Seryoso ang pag aaya nito kaya sumunod nalamang siya ng tahimik.

Habang naglalakad sila ay napansin niya na may kalumaan na ang school. Para itong antique na napag iwanan na ng panahon. Ngunit ang sabi nila ay matatalino raw ang mga nag aaral rito kaya kahit luma na marami parin ang nag eenroll.

Maganda naman ang mga buildings kahit luma na, naroon parin ang mga kalumaang naka ukit sa bawat pader. Makakapal ang walls at talagang halatang matibay.

Napangisi pa siya sa iisiping, maaari ng pang shooting ang school para sa mga horror movies. Marami rin kasi silang nadadaanang matatandang puno, katulad ng puno ng balete, at akasya at ang mga tuyong dahon na nagkalat sa pathway. Wala bang janitor rito? Napaisip tuloy siya.

Maya maya pa ay may pinasok na silang building. Nakalagay ang " Senior High Building" sa main door ng pinasukan nila. Umakyat sila sa ikalawang palapag at kumanan.

"Malapit na tayo. Good luck sa mga magiging kaklase mo, Ms.Conception." saad muna ng guro bago sila tuluyang pumasok sa loob ng classroom.




***




NAKAYUKONG pumasok si Shatile sa kanilang classroom. Nagmamadali siyang nagtungo sa kaniyang upuan sa pina kalikod, mabuti nalang at hindi siya nalate sa pagpasok.  Halos kumpleto na ang mga kaklase niya na may kaniya kaniyang ginagawa at nagdadaldalan tungkol sa mga ginawa nila noong summer.

Sana lang walang makapansin sakaniya. Lalo na at andito na sa loob ang mga taong ayaw niyang makita.

"Oh my gosh, guys, look! Andito na ang ating in coming class valedictorian!" Kahit anong tago niya hindi talaga siya nakakaligtas sa paningin ng isang to.

Natigil ang lahat sa kanya-kanyang ginagawa ng magsalita si Elai. Mas lalo nalamang niyang binilisan ang lakad at umupo na sa upuan. Tanging siya lamang ang walang katabi sa upuan. Pang dalawahan kasi ang desk at mag isa lamang siya.

"Hoy Shatile! Bakit ba ang isnabera mo ha?" Naglakad pa papunta sakaniya si Elai kasama ang kaibigan na si Lynna at ang boyfriend nitong si Zon.

"Babe, bakit ba ang init ng ulo mo sa Shatile na yan? Layuan mo na yan, baka mahawa ka pa sa mga tigyawat niyan."  Malakas na saad ng boyfriend nito kaya naman nagsitawanan ang lahat.

"Yuck babe! No way!" Pairap at natatawa naman nitong sagot.

"Anong ginawa mo nung summer, Shatile? Nagtanggal ka ba ng ilang tigyawat mo?" Nang-aasar na dagdag ni Lynna kasabay muli ng pagtawa ng lahat.

Nanghihinayang siya sa mga ito. Ang gaganda pa naman ng mga mukha. Bakit hindi nalang maging mabait ang mga ito? Bakit kailangan pa ng mga ito na mangutya ng kagaya niya? Ikinasisiya ba ng mga it ang ganon?

GRADUATION DAY|COMPLETEDWhere stories live. Discover now