KABANATA 14

196 17 2
                                    

KABANATA 14








“LADIES and gentlemen, the program will start in a few minutes. Let us observe silence.”

GRADUATION DAY.

Napapalingon ang isang tao sa paligid, hindi niya kasi makita sa paningin ang taong hinahanap. Malapit ng mag-umpisa ang program ngunit hindi pa dumadating ang taong inaantay niya. Nagkaproblema ba? Ang alam niya ay naayos naman nilang lahat ng plano kagabi. Lahat ng presentation na gaganapin mamaya ay okay na.

“Ligtas na tayo guys!” rinig pa niya ang ibang kaklase na tuwang tuwa.

“Kaya nga e!”

“Ang balita ko, pati si Teacher Zeffy nawawala!”

Kapag kasi hindi nawala sa graduation ay ibig sabihin hindi kasali ang mga ito sa mamamatay sa araw na iyon, oo, lahat ng studyante rito ay handa. Alam ang sikreto. Hindi lahat ay malungkot kapag may namamatay, may natutuwa rin dahil ibig sabihin kapag buhay ka sa mismong araw ng graduation, ligtas kana.

“Ianna congrats, ha. Ikaw na pala ang valedictorian.” Tila nakaramdam siya ng kaba ng marinig niya ang sinabi ng katabi.

Napalingon pa siya at nakita nga niya si Ianna na nakangiti at nakaayos ito ng maganda, ang soot nitong gown at toga ay halatang na plantsahan ng maayos.

Pinagpapawisan na siya. Kumakabog ang puso niya dahil nakaramdam siya ng hindi maganda. Paanong andito si Ianna, ang alam niya ay wala na ito kagabi.  Napalunok pa ito ng ilang beses ng tinitigan niya si Ianna na para bang wala itong naranasan kagabi.

May mali, may mali! Sa isip niya.

“A pleasant morning ladies and gentlemen. Let us welcome the graduating class of School year 2019-2020 at Green Hills Academy together with their teachers, principals, Division Superintendent and Guests.” Umpisa ng MC.

Nagsimula na nga ang martsa, daddy niya lang ang dumalo sa graduation dahil busy ang kaniyang mommy. Marami kasing pasyente ang mommy niya kaya naiintindihan niya naman iyon. Habang nakaupo siya ay hindi niya maiwasan ilibot ang paningin, lahat ng tao ay nakahawak ng bottled water, maging ang daddy niya at siya. Alam niyang may lason ang tubig na iyon dahil siya mismo ang naglagay nito kagabi kaya naman kahit nauuhaw na ay pinigilan niya ang sarili sa pag-inom.

Nakita niya rin kanina ang ilang magulang ng mga missing students na nagpupumilit pumasok sa loob ng gym. Mabuti nalang at mayroon silang guard ngayon para may humarang sa mga ito. Naayos na rin ng teachers ang mga scripts para burahin ang mga students na wala ngayon gaya ng mga nakagawian. Sanay na sanay na kasi ang mga ito sa gawain.

Kaya naman idinagdag nila sa plano ang pabagsakin ang school. Yun nga lang ay nakakaramdam siya ng kaba dahil tila may mali sa plano nang makita niya si Ianna.

“Today you will witness the graduation at Green Hills Academy. The Senior High School Graduating Class of School Year 2019-2020 will be presented and attested by our principal/the owner of the school, Mr. Bonifacio Laurito Uy Teologo. “ Pumalakpak pa ang mga tao. Napaisip tuloy siya, nawawala na ang mga apo nito, ni hindi man lang ba nag-aalala ito na ngayon ay masaya parin na humaharap sa mga tao?

Anong klaseng pamilya ang mga ito? Money, fame at dignity lang ba ang kalangan?

“Confirmation of their graduation and distribution of diplomas will be done by the schools Division Superintendent, Mr.Quaqin A. Salazar.” Distribution na ng diploma.

“Arcona, Gregoria F, Alicia Gretchen C—”

Talaga namang tinanggal sa list ang mga wala sa graduation ceremony. Pati ang taong kanina pa niya inaantay ay wala. Ano kayang nangyari? Ginugulo talaga ng isipan niya kung bakit naka-attend parin si Ianna gayong isa ito sa mga itinali niya kagabi sa lumang building. Nagtataka rin siya dahil wala itong kasamang parent.

GRADUATION DAY|COMPLETEDWhere stories live. Discover now