KABANATA 8

181 20 4
                                    

KABANATA 8







“GAGANG Shatile iyon, halos maubos ang buhok ko sakaniya!” Kanina pa naiinis si Elai. Break time na at pinuntahan nga nila sina Elai at Lynna sa clinic. Alam nilang si Elai lang ang nasaktan at hindi si Lynna. Dapat nga ay nandito rin si Shatile, kitang kita kasi niya kung papano nito kuskusin ang mukha ng kaawa-awang si Shatile.

Bakit ba may mga taong katulad ng mga kaibigan niya? Hindi niya maiwasang mag isip kung tama bang sumama sama siya sa grupo ng mga maldita. Hindi mawala sa isip  niya si Shatile, kung kumusta ito. Mukhang Malala kasi ang sinapit nito. Nagdurugo ang mukha nito kanina.

“Hindi mo na dapat kasi inaway si Shatile, Elai.” Hindi na napigilan ni Ianna ang magbigay ng komento sa sinabi ng kaibigan. Tumingin naman ito ng matalim sakaniya.

“Sino bang kinakampihan mo Ianna? Ako yung kaibigan mo diba?”  Tila nagalit niya ito. Pero sumosobra na kasi ang mga ito. Tao rin naman si Shatile, nasasaktan sa bawat masasakit na salita.

“Oo, kayo ang kaibigan ko Elai, pero hindi naman kasi tama ang ginawa niyo.” Saad niya.

“Babe…” hinawakan siya ni Kit sa kamay na para bang sinasabi nito na huwag na siyang sumagot pabalang kay Elai.

“Kitang kita mo naman Ianna kung papano saktan ng Shatile na iyon si Elai diba?” pati si Lynna ay mukhang naiinis. Kapwa nakaupo si Lynna at Elai sa clinic bed na naroon.

“Eh bakit nga ba humantong sa pananakit ang pambu-bully niyo kay Shatile?” si Eana lang yata ang katulad niyang hindi sang-ayon sa mga ito. "Pwede bang mag-aral nalang tayo at malapit na rin naman ang graduation."

“Eh si Shatile kasi e, nag make-up make-up pa ang gaga!” inis na saad ni Lynna.

“And just because of that, sasaktan niyo na siya?” singit ni Lexi. Kahit pala papano ay hindi lang siya ang nag-iisang naawa kay Shatile.

“Lexi, sinaktan niya rin kami!” pagsusungit ni Elai.

“Pero kayo ang nauna, Elai.” Saad niya rin. Mas humigpit ang pagpisil ni Kit sa kamay niya kaya tiningnan niya ito sa mata. “Why?” tanong niya dito. Hindi ba ito sang-ayon sakaniya?

“Ianna, isa ka pa.” inis na turan ni Elai. “Simula noong naging kayo ni Kit ay unti-unti ka nang sumasagot-sagot saakin.”

Hindi nalang siya umimik. Hindi naman kasi tama ang ginawa ng mga ito kay Shatile.

“Wait, where’s Marco nga pala?” napalingon sila sa paligid ng mapansin ni Lynna na wala nga si Marco.




***



HINDI alam ni Shatile kung ilang oras na siya sa public comfort room na iyon. Gusto niya lang umiyak ng umiyak at ibuhos lahat nang sama ng loob niya sa teacher Zeffy niya at sa grupo ni Elai.

“Huwag ka ng umiyak, Shatile.” May narinig siyang boses galing sa labas ng pinto ng CR.  Boses ng lalaki ito. “Hayaan mo na ang mga yon, gusto mo bang tulungan kitang bumawi?”

Kilala niya ang boses ng lalaki. Bakit andito ito? Isa rin naman ito sa nambu-bully sakaniya kaya hindi niya maintindihan kung bakit nandito siya imbes na naroon kina Elai.

“Andito lang ako, Shatile. “ wika nito.

“M-marco…” aniya



***



NAIINIP at hindi mapakali si Elai ng araw na iyon. Paikot ikot siya sa maliit na tirahan ng kanilang tiyang Agnes. Hapon na iyon at kaka uwi niya lang galing paaralan. Tatlong buwan na ang lumipas simula noong nangyari ang sakitan nila ni Shatile. Hindi parin sila tumigil sa pambu-bully dito at natutuwa sila dahil muli ay hindi nanaman ito lumalaban. Hindi na rin ito nagsoot pa ng make-up simula noon. Kaya mas lalo nila itong binully.

GRADUATION DAY|COMPLETEDWhere stories live. Discover now