KABANATA 12

197 18 0
                                    

KABANATA 12






--
"ILABAS MO ANG MAMA KO, SHATILE!"

"Ano bang pinagsasabi mo Ianna? Anong malay ko kung nasaan iyong malandi mong ina!"

"Totoo naman ang sinasabi ko Ianna! Nagmana ka lang sa nanay mong malandi at haliparot! Kahit may asawa ay pinapatulan! Nakakadiri kayong mag iina!"

"A-akala ko ba ay okay tayo Shatile?"

"Okay? Okay ba yung sinira ng nanay mo ang pamilya namin ha?"

"Eh di inaamin mo na rin na alam mo kung nasaan sina Woni at mama? Siguro kayo ang mamamatay tao sa lugar natin no?"

"Ano ba! Bitiwan mo ko Ianna!"

"Hindi lang pala mukha mo ang pangit Shatile, kasing pangit mo yang pag-uugali mo!"

"Eh ikaw naman Ianna, maganda ka nga, pokpok naman ang ina!"
--


"OMG! I can't believe na nangyari iyan kahapon Elai! Mabuti nalang at nakuhanan mo yan ng video, that was really funny!"

"Of course! Hindi ko papalampasin ang ganitong moment no!"

"Why don't we upload it on Facebook? "

"Yeah, that's a nice idea-"

"NO!" hinablot ni Marco ang camera na hawak nina Elai habang pinagtatawanan ng mga ito ang na video-han nilang away nina Ianna at Shatile. Nasa gymnasium silang muli para mag praktis at inaantay nalamang nilang mag umpisa.

Masakit rin ang kaniyang ulo kaya wala siya sa mood, dahil hindi nanaman siya nakatulog kagabi. May iniinom naman siyang gamot para dito ngunit gusto niyang mag-isip magdamag kaya hindi siya umiinom.

"What's your problem Marco?" Taas na kilay na tanong ng ex-girlfriend niya. "Akin na yang camera ko!"

"No! Not until hindi ito nabubura." Pagkasabi niya nga yon ay binura na niya ang video saka ito ibinalik.

"What the hell are you doing? Bakit mo binura Marco?" galit na galit si Elai sa ginawa niya.

Hindi niya nalang pinansin ang dalawa, dahil hindi niya rin alam kung bakit nag iba ang tingin niya kay Shatile. Para bang ayaw niya itong malagay sa alanganin ang sitwasyon nito. Simula noong araw na nag make-up si Shatile ay namangha siya dito. Para bang may kung anong pintuan na nagbukas sa puso niya. Mula noon ay hindi na pangit ang tingin niya rito. Naalala niya muli ang araw kung kailan nag-umpisa ang nararamdaman niya sa dalag.

--
Matapos magkasakitan sina Elai, Lynna at Shatile ay sinundan niya si Shatile, alam naman kasi niyang hindi nasaktan si Lynna kaya hinayaan nalang niya ang iba ang magdala sa mga ito sa clinic. Malayo palang siya ay naririnig na niya ang hagulgol ni Shatile sa loob ng public CR. Naawa siya rito, hindi niya alam kung papano patahanin ang dalaga.

"Huwag ka ng umiyak, Shatile." Iyon ang naibigkas niya. Narinig niyang saglit na huminto sa pag hagulgol ang dalaga. "Andito lang ako, Shatile. "

"M-marco..." anito. Maya-maya pa ay nagbukas ang pintuan at tumambad sakaniya ang luhaang mukha ng dalaga. "A-anong g-ginagawa mo d-dito, Marco?" tanong pa nito na hindi makatingin sa mukha niya.

Tinitigan niya ito. Nakikita niya ang natatagong ganda sa likod ng maraming tigyawat sa mukha ng dalaga.

"Para patahanin ka, Shatitle. " Niyakap niya ang dalaga ng hindi namamalayan. Naramdaman naman niya ang muling pag hagulgol nito sa kaniyang dibdib. "Gusto mo bang, tulungan kitang makaganti sakanila, Shatile?"

GRADUATION DAY|COMPLETEDWhere stories live. Discover now