KABANATA 9

181 22 0
                                    

KABANATA 9







MAGANDA ang mood ni Ianna na bumangon kinabukasan. Medyo masakit pa ang pribadong parte ng katawan niya. Wala siyang naramdamang pag-sisi sa ginawa nila ni Kit kagabi dahil hindi naman siya pinilit nito at mahal niya ang nobyo. Nagmadali siyang naligo at nag bihis dahil baka mamaya ay nasa labas na ng bahay nila si Kit para sunduin siya nito.

Hatid-sundo kasi siya ng nobyo kaya naman mas lalo niya itong minahal. Marami ngang nai-inggit sakanya e. Guwapo at matipuno kasi ang nobyo at ang sweet pa nito. Nang ready na siya ay nakangiti siyang lumabas sa bahay nila.

Kumunot ang noo niya nang makitang wala pa si Kit. Nag-antay pa siya ng kaunting oras dahil baka na-late lang ito ng gising kaya late din itong sunduin siya. Pero, lumipas na ang tatlumpung minuto ay wala pa ito. Nag-alala pa siya dahil baka malate na siya sa klase kaya naman sinimulan nalamang niyang maglakad.

Anong nangyari kay Kit? Nakalimutan ba siya nito? Ayaw niyang mag isip ng mga negatibo lalo na at nagsimula nang umusbong ang kaba sa kaniyang dibdib. Parang may hindi mangyayaring maganda ngayong araw sakaniya.




***



PAGPASOK pa lamang niya sa classroom ay sinalubong na si Ianna ng matatalim na tingin. Halos lahat ng mata ay sakaniya nakatingin. Pati nga ang mga kapwa mag-aaral na nakasalubong niya pagpasok ay tinitingnan siya mula ulo hanggang paa saka magtatawanan at magbubulungan.

“OMG! Look who’s here!” Naka pamaywang na saad ni Elai. Katabi nito sina Lynna kasama sina Kit, Zon at Marco.

Sa mga mata ng mga ito ay para bang may nagawa siyang hindi kanais nais. Tiningnan niya ang nobyo at akmang lalapitan sana niya upang tanungin kung bakit ganon sila makatingin sakaniya ngunit humarang si Elai.

“Huwag mo nang tangkain pa Elai na lumapit kay Kit! Ang kapal ng mukha mo ha!” Isang sampal ang ginawa ni Elai sa pisngi niya. Ano bang problema ng mga ito? Ano bang nagawa niya?

“T-teka Elai, b-bakit mo ko sinampal? A-ano bang n-nagawa ko?” naluluha na niyang tugon.

“Saamin, wala. Kay Kit meron. At dahil kaibigan kami ni Kit, kami nalang ang sasampal sayo kesa siya. Ayaw kana ni Kit at ayaw ka na rin namin!” Lumingon pa ito kay Kit. “Kit, sabihin mo na ang sasabihin mo.”

Kinabahan siya ng tiningnan siya ni Kit.

“Break na tayo, Ianna.” Tatlong salita pero parang milyong kutsilyo ang sumaksak sa kaniyang puso. Ang sakit! Bakit ito ginagawa ni Kit? Hindi ba at kagabi lang ay may nangyari sakanila?

“Kit bakit? A-anong problema?” tanong niya habang umiiyak. Pinapalibutan na rin sila ng mga kaklase. “M-may n-nagawa ba ako?”

“Because of this, Ianna. You had fuck with other guy!” akusa ng nobyo at ipinakita ang isang video na ikinagulat niya. “Papano mo ko nagawang lokohin, Ianna? Kung sex lang pala ang hanap mo, dapat sinabi mo saakin!”

Ang videong ito ay ang nangyari sakanila kagabi ni Kit. Kitang kita ang mukha niya sa video habang ang mukha ni Kit ay naka blurred. Nag-record ng video si Kit?  Para saan? Para ba ipahiya siya? Sa isip niya.

“Kit! A-ano to?” Nasasaktan siya sa nakikita. “Alam mo naman na tayo ang—”

“Maang-maangan ka pa, Ianna,” Nakapa meywang ring saad ni Lynna. “Ang landi mo girl!”

Lumuluha siya at para bang napipi rin dahil walang kahit na anong lumalabas sa bibig niya kundi hikbi. Sobrang sama ng loob niya kina Elai lalo na kay Kit! Alam na alam ni Kit na ito ang ka sex niya sa video. Kaya bakit nito itinatanggi? Bakit siya sinasaktan ng ganito? Wala naman siyang ginawang masama.

GRADUATION DAY|COMPLETEDWhere stories live. Discover now