KABANATA 11

200 22 2
                                    

KABANATA 11







THREE WEEKS LATER.

“SINO BA KASI IYANG BABAE MO HA?”

“WALA KA NA NGANG PAKEALAM, EMALYN!”

“ORAS NA MALAMAN KO KUNG SINO YAN HA—”

“ANO? PAPATAY KA NANAMAN?!”

“OO PROTASYO! PAPATAYIN KO LAHAT NG TAO DITO KAPAG HINDI MO ITINURO KUNG SINO YANG BABAE MO!”

Halos mabingi si Shatile nung araw na iyon. Papasok na siya sa school, hindi na siya naka uniform sapagkat praktis nalang kasi ang kanilang ginagawa para sa graduation. Napapaluha nalang siyang nakikinig sa away ng kaniyang magulang. Halos araw araw nalang ito.

“PUTA! O SIGE! PUMATAY KA! AT KAPAG IKAW AY NAKULONG ULIT HINDI NA KITA PAPYANSAHAN NA PUTA K—”

“PAPA! ANO BA! TAMA NA!” hindi na rin niya napigilan na huwag sumali sa usapan.

Naririndi na siya, nasasaktan na rin siyang mapakinggan ang paulit ulit na pinag-aawayan ng mga ito. Isa lang naman ang may kasalan dito e, hindi ang ina o ang ama niya, kundi ang kabit.

“HUWAG KANG MAKIKIALAM DITO SHATILE!” galit na sigaw ng kaniyang ama. Dahil sa sama ng loob ay nagtatakbo siya palabas ng bahay at hindi na nagpaalam sa mga ito na papasok na siya sa eskwela.




***



INIKOT ni Ianna ang kaniyang paningin sa kanilang gymnasium, may praktis uli kasi sila ngayong araw para sa graduation at hindi pa niya nakikita ang kaibigan. Isang linggo nalang ay graduation na nila at excited na excited na siya.

Yun nga lang ay kapag naaalala niya ang ikinwento noon ni Elai at Lynna tungkol sa nakakatakot na pangyayari sa school ay kinikilabutan siya, lalo na iyong mga sinabi ng nakausap niyang guard na hindi parin niya sigurado kung totoo ba yung nakausap niya o guni-guni lang.

“Asaan na nga ba si Shatile?” gusto rin sana niyang tanungin si Shatile tungkol sa paaralan pero hindi niya ito natatanong, dahil sa tuwing magkasama sila ay natutuwa lang silang nag memake-up. Lalo siyang natuwa noong gayang gaya nito ang mukha niya gamit lamang ang make up. Mukhang natural lang ito.

Kapag nga pinagtabi sila ay talagang parehong pareho at para silang kambal. Talagang magaling ang kaibigan sa pag me-make up.

Maya-maya pa ay nakita niya si Shatile, naroon lamang pala ito sa gilid ng gymnasium. Nakaupo ito at naka yuko na parang umiiyak kaya naman nag-aalala siyang nilapitan ito.

“S-shatile? Okay ka lang?” tumunghay naman ito, kitang kita niya ang pamumula ng mga mata nito.

“Hindi ako okay, Ianna.” Humagulgol pa ito lalo kaya naman niyakap niya nalang. Inaya niya si Shatile palabas ng gymnasium para makapag usap sila ng maayos. Doon sila nagpunta sa isang bakanteng classroom malapit sa gym nagtungo.

“Ano ba kasing problema, Shatile?” pag-uumpisa niya. Tumingin naman ito ng deretso sa mga mata niya.

“Makakapagtago ka ba ng sikreto, Ianna?”Tumango lang siya bilang tugon.

“Okay, mag-promise ka na huwag na huwag mo itong sasabihin kahit kanino itong sasabihin ko.”

“Promise, Shatile.” Itinaas pa niya ang kanang kamay para maramdaman nitong sincere siyang nangako.

“Si mama kasi, ex-convict,” simula palang ay nagulat na siya pero hindi niya iyon pinahalata. “Ten years old pa lamang ako noon, Ianna. May sira kasi sa utak ang nanay ko noon at hindi sadyang nakapatay ito ng tao.”

GRADUATION DAY|COMPLETEDWhere stories live. Discover now