KABANATA 5

202 23 0
                                    

KABANATA 5







“SHE’S really good at eating huh?”  Pagbibigay komento ni Lynna matapos nilang mapanood ang lahat ng vlogs ni Ianna. Nakatambay lang na naman sila sa bahay nila. Nasanay na rin kasi silang every weekend ay mag kakasama silang tatlo.

“And she has 327k subscribers na, e last year lang pala siya nag start.” Dagdag naman ng pinsan niyang si Eana na tila namamangha. Pati naman siya ay nagulat, biruin ba naman na makakuha ito ng ganung subscribers, e halos wala pang sampo ang uploaded videos nito.

Napalingon siya kay Elai na nakasimangot. Ito ang nag prisinta na i-check nila ang YouTube channel ni Ianna pero ito rin naman ang unang nagsabing itigil na ang panonood dahil naiinis na ito. Palibhasa kasi ay wala pa sa 30k subs ang channel nito kahit mukhang mayaman pa ito sa mga vlogs. Marami na itong uploaded videos pero iilan lang ang nanunuod. Samantalang kay Ianna ay minsan umaabot sa half million.

“Whatever!”

“Naku, look oh, nag comment pa si Zon sa isang video ni Ianna.” Mas malong nanlisik ang mga mata ni Elai sa sinabi ni Eana. “Look.”

--
Zon Gutierez: Wow! You’re so hot babe! Eat me now.
--

“Oh my gosh girl, I can’t believe Zon can actually say that!” Usal niya. Samantalang sa vlogs ng girlfriend ay hindi pa nangyaring nagcomment ito.

“I should kill that girl!” inis na inis na saad ni Elai. For sure ay mag aaway nanaman ang kaibigan niya at ang nobyo nito. Well, pati naman siya ay maiinis kung siya ito.

Only child si Lynna. Mayaman siya dahil nga maraming business ang daddy niya na nag mula sa pamana ng grandparents niya. Soon, mapapasakaniya lahat iyon dahil wala naman siyang kapatid. Dahil doon ay lahat ng gustuhin naibibigay. Swerte siya kung tutuusin pag dating sap pera pero malas siya sa pag ibig.

Hanggang ngayon ay hindi siya maka move on kay Marco. Naging sila last year at 3 months ago ay nag break nga sila. Lahat naman ay ibinigay niya sa lalaki ngunit hindi naging sapat iyon. Iniwan parin siya nito para sa ibang babaeng mas malaman. Kunsabagay mapayat siya at halos hindi pa fully grown ang hinaharap niya.

Kaya nga hindi lang si Elai ang may tinatagong inis kay Ianna, kundi pati siya, dahil para bang napunta rin dito ang atensyon ni Marco na imbes sana ay kaniya.




***




TWO months na ang lumipas simula noong naging kaibigan ni Ianna sina Elai, Eana, Lynna at pati na rin si Lexi. Kinakausap lang siya ni Lexi sa tuwing wala ang tatlo, sabi nga nito sakaniya ay huwag siyang masyadong nagpapaniwala sa tatlo dahil mga plastic ang mga ito. Pero hindi naman niya nararamdaman ang kaplastikan nila Elai, siguro, mali lang ito ng pagkakakilala sa tatlo.

Break time nang mga oras na iyon. Ayaw niyang lumabas dahil wala naman siyang pambili. Hindi pa kasi siya sumasahod sa YouTube, mukhang kailangan niyang muli na gumawa ng video. Sinabi na lamang niya kina Elai na busog siya at nagpaiwan siya sa classroom.

Hindi lang siya ang naiwan sa classroom. Kundi pati si Shatile. Matagal niya na itong katabi pero never pa silang nag-usap. Sa tuwing kinakausap niya ito ay hindi siya nito pinapansin. Madalang lang na sumagot ito, maikli pa.

“Ah. Shatile,” lumingon naman ito sakaniya. Pansin niya kasing wala itong kaibigan. At lagi pa itong pinagtatawanan ng ibang classmates nila dahil sa marami itong tigyawat. Hindi lang mga classmates nila ang nambubully dito, maging sa buong campus. Naawa siya rito kaya minsan ay inaawat niya sina Elai na lider sa pambubully. “Bakit pala hindi ka nagmery—”

GRADUATION DAY|COMPLETEDWhere stories live. Discover now