CHAPTER 1

451 20 6
                                    

Anaïs POV

Hapon na at halos lahat ng trabaho na kelangan kong tapusin ay nagawa ko na. Madali lang din naman ang mga iyon dahil sanay na ako at mabuti nalang kapit ko ang oras ko sa trabahong meron ako.

Ako lang mag isa sa resort dahil private ay wala akong ibang kasama si Manang naman ay sa isang araw pa ang balik.

Lumabas ako ng kwarto at kumuha ng beer sa ref,drinking beer and wine is one of the best thing that I can do para mabawasan ang stress sa katawan.

Pumunta ako ng tabing dagat at doon uminom at nag isip isip.

Siguro nga kahit anong sisi ko sa sarili ko at pagdadasal ay hindi na mangyayari ang gusto ko na maibalik si Mommy.

Life is truly a game kailangan ng lakas ng loob at tiwala sa sarili para manalo ka at mabuhay.

The sunset is indeed a beautiful thing that God has made. Nakakapawi din ng lungkot paminsan minsan.

Napatitig nalang ako sa nagpapaalam na araw ngunit sa paglubog nito ay my isang sasakyang pandagat ang aking natanaw.

Kaagad akong napatayo ng iniluwa nito ang isang makisig na lalaki. Matangkad siya,medyo kulot ang buhok at malinis kung titingnan.

He's handsome.

Nakaramdam ako ng kaba ng naglakad na siya papalapit sa akin at ako ay paatras na naglakad palayo sa kaniya

"Miss"
Pagtawag pa niya ng nakangiti

"Don't you dare,wag kang lalapit sakin Mister hindi kita kilala"
Ani ko at naka tutok ang bote ng beer na hawak ko

"Wait,wag kang matakot"

"Anong huwag e bigla ka nalang sumulpot at sino ka ba?alam mo bang pwede kitang kasuhan ng trespassing ha"

"What?wait miss let me explain okay"

"Explain yourself,this is a private resort at pwede kitang kasuhan dahil pumunta ka dito ng walang pahintulot at tsaka sino ka ba"

Tumakbo naman siya papalapit sa akin na siyang lalong kinatakot ko kaya mabilis pa sa mabilis na tumakbo ako pero natisod ako ng librong hawak ko kaninang umaga na naiwan ko dito

Sheyt naman kasi self hindi nag iingat

Akmang tatayo na ako ng hapitin niya ako pahiga at pumang ibabaw sa akin

"Tulong pakawalan mo ako ano ba"
Sigaw ko pa na kinatawa niya

Infairness kay Mister unknown ang gwapo lalo na pagnakatawa

Sa sobrang takot ko nakalimutan ko pa na kahit anong sigaw ko ay walang makakarinig sa akin dahil nga malayo ito sa bayan at wala naman akong kasama dito. Kaya siguro tumatawa siya.

"Go lang miss kahit anong sigaw mo ay hindi ka nila maririnig dahil mukhang tayo lang dalawa ang nandito"
Natatawa pa niyang sabi

Sa halip na matakot ay napalitan ng inis dahil sa tawa niyang nakakaloko.

"Ano ba kasing kailangan mo ha?Pera?bibigyan kita pakawalan mo lang ako dito"
Naiinis ko pang sabi

Gumuhit naman ang lungkot sa mukha niya dahil sa sinabi ko

Seryoso kahit hindi ko siya kilala ay naguilty din naman ako sa nasabi ko.

Kasi naman selp apaka judgemental mo din

LOVE SIN SERIES: LOVE TAKES TIME Where stories live. Discover now