CHAPTER 29

155 14 3
                                    

Lucas POV

"Ready kana?"
tanong ko kay Parsa na halatang kabadong kabado

"Hmm...matagal ko ng hinanda ang sarili lalo na ngayon na kasama kita"
nakangiti pa niyang sagot

Its good to know that she's ready to face and accept the reality.

Hinintay lang muna namin sila Dem and Aïs sa cafe kung saan kami madalas napunta ni Aïs.

Ang alam ng dalawa ay ako ang kakausap sa kanila dahil pag sinabi ko na kasama ko si Parsa ay baka hindi si Aïs sumipot alam ko na maytampo pa ito sa kaniyang kapatid

"Lucas"
Nalingon naman ako sa kaniya

"Thank you"
Seryoso pa niyang sabi nangiti naman ako bago sumagot

Kung bibilangin ko ay mahigit pa sa mga daliri ko ang paulit ulit niya ng "thank you and sorry"

"Ano ka ba,okay na napatawad na kita at basta para sa ikasusundo niyong magkapatid gagawin ko"
Ani ko at hinawakan ang kamay niya

"No,thank you kasi bumalik ka"
Naiiyak pa niyang sabi at niyakap ako

"alam mo nung una hindi ko alam kung bakit pa ako bumalik dito gayong wala naman na akong kailangan balikan,pero nung inamin mo ang lahat sa akin nasagi sa isip ko na this is the reason why God let me back here yun ay dahil sayo at kay Sarra and I'm happy kasi meron akong kayo"
Ani ko habang pinupunasan ang mga luha niya

Siguro nga ang pagkakakilala ng lahat ay mataray,masama ugali at ma attitude si Parsa pero yun ang pinapakita niya sa mga taong hindi deserved makita ang totoong siya

Siya lang ang nakilala kong sweet,sobrang care sa kapatid at mapagmahal na ina.

That's the reason why I fell inlove with her!

"Lucas"
Sabay pang sambit ni Aïs and Dem na nasa likod na pala ni Parsa

Kaagad naman akong umupo ng ayos at sumenyas kay Parsa na punasan ang mga basa niyang mata

"Maupo kayo"
Ani ko at naupo naman sila sa upuan na nasa harapan namin ni Parsa

medyo gulat pa sila ng makitang si Parsa pala ang babaeng kasama ko

"Anong ibig sabihin nito"
my inis pang sabi ni Dem

"Look,pwede maupo muna kayo may gusto lang sabihin si Parsa sa inyo. Aïs please"
Paghingi ko pa ng pabor sa dalawa

Nang naupo ang dalawa ay sinenyasan ko naman si Parsa na magsalita kahit alam ko na sobrang kaba ang kaniyang nadarama

Kaya para mabawasan ang kaba na iyon ay hinawakan ko ng mas mahigpit ang kaniyang isang kamay at ramdam ko naman ang paghawak niya sa kamay ko

"Aïs,Dem m-my gusto lang akong linawin at ipaalam"
Kinakabahan pa niyang sabi

"Ano yun"
Kalmadong sabi pa ni Aïs

"First,I want to say sorry s-a sa lahat ng naging kasalanan ko sayo Aïs. A-alam ko naging masama akong kapatid,nag-ing madamot ako sayo kahit na ikaw yung laging nandiyan para sa akin at nagbibigay"
Naiyak na niyang sabi

LOVE SIN SERIES: LOVE TAKES TIME Where stories live. Discover now