CHAPTER 16

171 16 3
                                    

Demi's POV

Tama ba?

Ayokong mag alala si Aïs pag nalaman niyang dito kami mag uusap ni Parsa

Sa condo niya.

Pero tulad ng sabi ni Parsa mas okay na hindi ko sabihin sa taong mahal ko dahil tanggap niya na hindi siya ang aking mahal

Pano ko ba sasabihin sa kaniya na ang taong sobra kong mahal at hinihintay ay ang kapatid niya

"Demi"
Pagtawag pa niya ng makita ako sa lobby

"Parsa,can we talk here or sa cafe"
Pag aya ko

Nakunot naman ang noo niya at natatawa

"Why? May ibibigay din kasi ako sayo so don't worry hindi kita kakainin"
Maloko pa niyang sabi at nagpatiuna ng pumasok ng elevator

Hindi ako sa natatakot but I want to make sure na everything will be okay and dito ako comfortable.

Baka kasi may makakita sa amin at kung ano isipin.

But no choice kundi sundan siya

"Mag uusap lang tayo okay ayoko naman na maghiwalay tayo ng hindi maayos"
Ani pa niya ng bumukas ang elevator sa floor ng room niya

Nang makapasok kami ay naupo ako sa isang chair habang siya ay nagtuloy sa closet niya

Merong ibang pakiramdam sa akin na hindi ko maintindihan

"Dem want some drinks"
Pag alok pa niya

"Sure,anything"
Sagot ko pa

Sumulyap muna ako sa cellphone ko to check if may message si Aïs pero wala pa rin

Galit ba siya sa akin?

Sana naman hindi

"here's your orange juice"
sabay abot ng baso

"thank you,can we talk now kasi marami pa akong appointment"
Ani ko at siyang naupo sa harap kong upuan

"sure,so what now"

"Look Parsa I didn't mean to hurt you but it just happened na nakita ko siyang muli and mas pinili ng puso ko ang mahalin siya ng higit. Pero Parsa maniwala ka o hindi minahal kita pero hindi tulad ng pagmamahal na binigay mo sa akin"
Seryoso kong saad

Kita ko naman ang pagkamasa ng mata niya

Masakit makitang nasasaktan siya pero ito ang alam kong tamang gawin

Ayokong mas masaktan siya kung papatagalin kong sabihin ang totoo

She has the right to know the truth!

"Sorry Parsa *sabay abot ko ng kaniyang kamay* mahal kita pero hanggang kaibigan nalang"
Dagdag ko pa

"one,two,three four years Dem pero ang sakit kasi akala ko kaya ko siyang palitan sa puso mo. Lahat naman ginawa ko diba sobra akong nagtuon ng pansin para sayo para masabi kong worth it din akong mahalin."
Naiyak pa niyang sabi

"Hindi ba talaga ako worth it? Talaga bang mas nakakahigit siya kesa sa akin"

"Parsa"
Pag awat ko pa sa kaniya

"Sino"
Sigaw pa niya sa akin

Natungo nalang ako sa tanong niya

Hindi ko gustong mas masaktan siya pero kailangan kong sabihin at malaman niya na ang taong mahal ko ay si Aïs

LOVE SIN SERIES: LOVE TAKES TIME Where stories live. Discover now